Chapter 8

88 22 3
                                    

XANDER's POV

"YANNAH!" Nahimatay siya. Naku naman oh. Ang haba kasi ng sermon eh.

"Anong nangyari?!" Sigaw ni manang.

"Nahimatay po si Yannah manang! Tulungan mo po ako." Pagkamalas ko naman. Ang slave ko kanina, ngayon ay alagain ko. Sadya bang totoo ang karma?

"Buhatin mo siya papunta sa kwarto ko. Bilis." Pag-uutos sa akin ni manang.

"Bakit sa kwarto mo pa po? Dito na lang sa kwarto ko mas malapit." Kasi may pinagawa kaming extention ng bahay para sa kwarto ni manang. Nasa likod pa iyon ng bahay. Masyadong malayo kumpara sa kwarto ko.

"Aba. Itong batang ito oo." Rinig kong bulong ni manang.

"Hayaan mo na manang. Tumawag ka na po sa family doctor natin." Sabi ko kay manang. Gaya ng sabi ko ay tumawag na nga si manang.

Hoy. Kung iniisip ninyo na may gusto ako kay Yannah, ngayon pa lang burahin ninyo na sa isipan ninyo iyan. Kaya ko lang naman ginawa iyon kasi wala lang. Tinatamad ako eh.

Lumabas si manang sa kwarto at inabangan si Doc.

"Doc. doon po sa kwarto sa taas." Sabi ni manang. Dumating na nga ang doctor at sinuri si Yannah.

"Sa tingin ko ay masyado lang siyang napagod. Hindi kinaya ng katawan niya kaya siya nahimatay. May ginawa ba siya maghapon?" Saad ni Doc.

"Huwag mo po ito ipapaalam kay mom at dad. Thanks. You can go now." Binigay ko ang bayad at pinaalis na ang doktor.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay nagising na si Yannah. Mabuti naman kasi hindi ko pa nagagawa ang plano ko. Kailangan ko pa si Yannah para maisagawa iyon.

"Nagugutom ako. Nasaan ba ako?" Narinig kong nagsalita si Yannah.

"Nasa kwarto ko tayo." Sabi ko.

"Manang padalhan nga po kami dito ng pagkain. Salamat." Utos ko kay manang.

"Ahh. Nasa kwarto mo. NASA KWARTO MO?!! WHHAAA!" Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw.

"Tahimik!" Tinakluban ko ang kanyang bibig. Pumapalag naman siya kaya hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at idinikit sa kama. Masagwa ang posisyon namin pero ano pa ba ang magagawa ko? Ingay eh. Ito lang ang alam kong paraan. Idinikit ko ang ilong ko sa ilong niya habang nakadikit ang kamay niya sa pader dahil sa akin.

"Kapag hindi ka tumigil sa pagsigaw mo, hahalikan talaga kita. Tigil!" Mariin na sabi ko. Magkadikit ang ngipin ko habang sinasabi iyon sa kaniya. Napapikit naman siya sa ginawa ko.

"Oh Diyos ko." Nakita kami ni manang na ganun ang posisyon. Bigla naman kaming ayos ng upo.

"Manang siya po kasi." Nagkasabay kami sa pagsasalita.

"Manang hindi ko po gusto ang babaeng ito. Huwag ka mag-isip ng masama manang." Pigil ko kay manang. Naiirita ako sa ideyang gusto ko si Yannah. Gagamitin ko lang naman siya eh. Hindi ako magkakagusto sa kaniya kahit gaano pa siya katalino.

"Mas lalong hindi kita gusto ano. Bitawan mo na nga ako. Kakain na ko at aalis." Pagpupumiglas ni Yannah.

"Hoy hindi ka pa pwede umalis. Slave kita hindi ba?" Suway ko sa kanya.

"Hay naku. Sa bagay aalis na naman ako sa sunday eh." Sabi niya. Bumuntong hininga siya sabay ayos sa sarili niya.

"Kumain ka na doon. Hindi ako sasabay." Cold kong sabi sa kanya. Nakakatamad sabayan sa pagkain ang ganitong klaseng babae.

"Tama nga na hindi ka sumabay sa akin. Baka mabato pa kita ng pagkain." Pambabara nito sabay takbo. Hahabulin ko sana siya pero nakalabas na siya ng kwarto ko. Madapa sana siya.

"Hoy! Babae bumalik ka! Anong sabi mo?!" Pero hindi niya ko pinansin. Kainis ha. Master niya ako at slave ko siya kaya dapat lang na sumunod siya sa gusto ko pero hindi niya ginawa. Nakakainis talaga. Matapos ko lang ang misyon ko, kakalimutan na kitang babae ka. Salbahe kasi eh.

(A/N: Sorry guys ha. Super late update. Kasi eh. Kulang sa boto. Vote vote din pag may time. Nakakatamad pag maunti ang votes eh. Haha. Thanks nga pala sa bumoto.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon