Chapter 19

65 20 4
                                    

(A/N: Malapit na matapos ang story na ito. Siguro mga 3 or 4 chapters nalang kaya sana basahin nyo hanggang dulo. Sana din ay bumoto kayo. Hihi)

YANNAH's POV

Saturday ngayon. Nandito lang ako sa bahay. Kulong sa kwarto at nagla-laptop lang. Maya-maya ay may nagchat sa akin. Nagulat ako.

"Accept mo fr ko baliw!" Sabi ni Xander sa chat.

"Sorry Hindi ko nakita." Reply ko sa kaniya.

"Punta ka sa park mamaya." Bakit naman kaya? Tinatamad ako ngayon at ang gusto ko lang ay magpahinga.

"Ayaw ko nga!"

"Kung ayaw, huwag! Bwisit!" Siya ang nag-uutos siya pa ang galit. Ayaw nga ng tao. Bakit pipilitin pa?

"Ikaw na nga ang nagyayaya ikaw pa ang galit. Sa ayaw ko eh!"

"Hindi ka nga kasi pwedeng tumanggi." May batas na bawal tumanggi kay Demeter Xander Villamor? Makalipat na ng lugar kung ganoon.

"Bakit naman? Wala ba akong karapatan?"

"Kasi kapag hindi ka pumunta dito, ako ang pupunta diyan para lang sunduin ka." Mabuti naman kung ganoon. Pwede naman pa lang siya na ang magsundo. Napakagulo talaga nitong lalaking ito. Isa pa, magkikita naman kami kapag pumasok. Bakit kailangang ngayon pa?

"Talaga lang ha? Bahala ka sa buhay mo." Bahala siya. Tinatamad ako eh.

"Tsk." Iyan lang ang sabi niya. Hindi na ako nagreply at nag-out na ko. Ano bang pumasok sa kokote niya? Naging sweet bigla na para bang may ginawa sa isip niya para maging ganoon. May park pa siyang nalalaman. Makaligo nga muna.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na ako sa banyo.

"Whhhaaa! Manyak! Umalis ka! Layas!" Nagulat ako dahil nandoon na si Xander at nawala si Thalia. Kanina lang kasama ko siya. Todo taklob ako ng towel sa katawan ko.

"Nasaan si Thalia? Bakit wala siya?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Wala. Pinagala ko muna. Binigyan ko ng pera sabi ko mamayang gabi na siya bumalik." Paliwanag ni Xander habang inaayos ang mga dala niya sa lamesa. Pasok ako sa kwarto ko pero sumunod siya.

"Galit ka?" Tanong niya.

"No." Tipid kong sagot at tumalikod na ko sa kanya.

"Sorry na." Nagback hug sya sa akin dahilan kung bakit ako nagulat.

"Hey! Tanggalin mo nga iyang kamay mo sa aking bewang!" Sabi ko.

"Sorry na kasi." Mas hinigpitan pa niya ang hug niya sa akin. Naramdaman ko na magkadikit na magkadikit na ang katawan namin.

"C-chansing ka ahh. M-magbibihis pa ako. L-la-labas." Nauutal kong sabi. Alam kong namumula na ang mukha ko. Umalis naman siya sa hug at lumabas muna ng kwarto ko. Nagbihis na ako at pinintahan sya.

"Bakit ka pumunta dito at may pagkain ka pang dala?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko naman sa iyo hindi ba na pupunta ako dito kapag hindi ka pumayag. Naisip ko na dito na lang tayo kaysa sa park." Paliwanag niya. Kinikilig ako. Ano ba ang nakain ni Xander para araw-araw kong mapakain sa kanya.

"Ahh." Tumango na lang ako.

"Upo ka na." Pinaghigit niya ako ng upuan. Umupo na ako at ganoon din siya. Kumain na kami. Nakakabingi ang katahimikan na nagaganap ngayon buti na lang at binasag na niya ang katahimikan.

"Hmm. Yannah?" Tawag niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko. Sabay subo ko ng pagkain.

"Ahh. Ano kasi. Hmm." Parang nahihiya na sabi niya.

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon