Chapter 12

70 20 5
                                    

YANNAH's POV

Grabe si Xander. Hindi ko na ito kinakaya ha. Noong una slave lang tapos ngayon kunwaring gf niya ko? Aba. Sinewerte yata siya. Kailangan may gawin ako. Hindi pwedeng siya na lang palagi anf masusunod.

GAB's POV

"Pag-isipan nating mabuti ang gagawin nating performance." Sabi ko sa mga kabarkada ko.

Maya-maya pa ay inuntahan na kami ng manager.

"Are you ready guys?" Tanong noong manager na medyo natatawa pa. Mapang-asar din itong manager na ito eh.

"Y-yes sir " Sabi ni James na hindi komportable sa suot niyang costume.

"Tara na." Pag-aaya ni Zion na parang nag-aalangan pa.

Lumakad na kami papunta sa stage. Nakita at narinig naming nagtawanan lahat ng tao sa restaurant. Nakakatawa naman talaga ang suot namin eh.

"May 3 bear sa loob ng isang bahay." Kanta namin nila James, Steve, Zarren, at Zyne. Nakacostume kami ng parang bahay. Mahirap din kasi magkakadikit kami.

"Si Mama bear." Sabay talon ni Kiel na nakacostume na pang babae. Para siyang bakla sa suot niya.

"Si Papa bear." Sabay hakbang ni Zach. Na nakacostume na pang tatay. Ok lang ang suot niya kasi bagay sa kaniya.

"Si Baby bear." Sabay hakbang ni Zion na nakacostume na pang baby. Para siyang baby damulag. Hindi mo malaman kung nababaliw na ba siya dahil sa suot niya.

"Si Mama Bear ay maganda." Kanta namin habang nagiling si Kiel. Matigas ang katawan niya habang nagiling. Para siyang robot haha.

"Si Papa bear ay malakas." Kanta namin sabay pose ni Zach na pang macho. Nagpapakafeeling gwapo naman itong si Zach. Wala namang abs. Haha.

"Si Baby bear ay napakakulit." k
Kanta namin sabay wiggle ni Zion. Iyong feeling na ang sarap hambalusin ng makapal na kahoy si Zion. Ang laswa tingnan dahil sa suot niya.

"Tingnan n'yo. Tingnan n'yo ang saya nila." Sabay sayaw nila Kiel, Zyne at Zion na parang baliw at may sira ng utak.

Natapos na ang performance namin. Marami ang nasiyahan at marami din ang hindi.

"Hay guys hindi effective paano na tayo nito?" Tanong ni Steve.

"Oo--" Lalakad sana si Zion palapit sa amin kaso bigla siyang bumagsak.

"Ouch ang sakit ng pwet ko. Huhu." Sabay hawak ni Zion sa pwet niya.

"WHHAAAHHAHAHAHA." Tawa ng mga tao sa restaurant.

"Hahaha. Pre epic ka." Sabay tawa naming magbabarkada.

"Hoy kawawa si baby bear." Sabay kamot niya sa ulo niya.

"Congratulations boys. You did a great job. Your bill is now erased. Thank you. Come again." Sabay bow sa amin noong manager.

"Thank you sir." Kinamayan ni Gab ang manager bago kami magpalit.

Nagpalit na kami ng mga damit namin at umuwi sa kaniya-kaniyang bahay namin. Hindi ako makapaniwala sa ginawa namin. Ni minsan ay hindi ko inisip na aabot sa ganito ang magagawa namin. First time naming gawin ito. Naturingan pa man ding may mga gang kami tapos dahil lang sa bill ay gagawa kami ng ganito. Ok na din. At least ay makakauwi na kami. Buti nga ay hindi kami pinaglinis eh. Mas ok na ang pagtawanan. Sana lang ay walang nakakitang taga-school. Kung hindi ay sisikat kami. Sa katatawanan nga lang. Napakabaliw kasi ni Xander. Hindi man lang nagsabi o nag-iwan ng pambayad. Nakakapagod din kaya magsuot ng ganoong costume ano. Tiyak tatadtarin ng tanong si Xander.

XANDER's POV

Nakailang text sa akin ang mga kaibigan ko. Bakit ko daw sila iniwanan doon na walang iniwan na pambayad. Nakalimutan ko eh. Siguro naman ay may pambayad sila. Sa dami nilang iyon. Dahil antok na ako ay binale-wala ko na lamang ang mga text nila. Hayaan mo na sila. Kaya na nila iyon. Malalaki na sila. Hindi na sila mga bata na kailangan ng atensyon.

Natulog na ako at pinabayaan na ang mga text nila. May mas mahalaga pa akong misyon eh. Ang mapaibig si Yannah. Dadagdag pa sila sa mga alalahanin ko. Hindi naman sila makakatulong sa plano ko. Yannah huwag kang mahuhulog kung ayaw mong mapahamak. Sabi ko sa isip ko.
____________________________________

(A/N: Salamat sa patuloy na pagsuporta at sa continues na nagbabasa ng story ko.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon