Chapter 14

65 20 3
                                    

NEOMI's POV

Ako si Neomi Hera Lee. Transfer sa section nila Xander. Matagal ko na siyang kilala kahit hindi niya ako kilala. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Nandito na nga ako sa school. Lakad-lakad lang.

"Ouch!" Nabangga ako ng isang lalaki. Napatingin naman ako sa mukha niya. Si Xander pala.

"Sorry miss." Hindi ko na lang siya pinansin. Tatakbo na sana ako kaso nahila niya agad ang kamay ko.

"Did we met before?" Tanong niya.

"Ahh. Hindi pa." Tanggi ko. Ayoko na maalala niya ako. Ok na sa akin yung nakikita ko siya araw-araw. Baka kasi iwasan niya ako kapag sinabi ko ang totoo.

"Ahh. Ok. May itatanong lang sana ako. May nakita ka bang mga lalaki?" Tanong niya. Sinabi niya din yung mga description ng mga kaibigan niya.

"O-oo. Doon sa bandang kanan sila dumaan. Baka sa likod ng school sila patungo." Sabi ko.

"Salamat." Cold niyang sinabi.

"Sige." Umalis na siya. Hindi ko inaasahan na ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya kagaya ng dati. May girlfriend na din siya. Paano ko nalaman? Sinusundan ko siya lagi. Kahit saan man sya magpunta.

FLASHBACK

Bumaba ako kung saan bumaba si Xander. Pumasok ako sa isang restaurant at naupo sa lugar kung saan sakto lang upang marinig at makita ko si Xander. Maya-maya pa ay may dumating na babae. Pinaghigit niya ng upuan.

"Guys meet my GIRLFRIEND." Noong narinig ko iyon ay para bang may tumusok sa puso ko. Dali-dali akong lumabas sa lugar at umalis.

END OF FLASHBACK

Masakit para sa akin iyon. Hindi ko inakala na makikita ko siya ulit at sa ganung paraan ko pa makikita at masasaksihan ang pagpapakilala niya sa babaeng iyon. I don't want that girl for him. I want Xander. Gagawin ko ang lahat makuha lang si Xander at mapasaakin siya. I want him badly. Humanda sa akin ang babaeng iyon. Kung makalapit kay Xander grabe.

Dahil sa inis ay nagpasundo na lang ako sa kaibigan ko. Tinawagan ko siya. Buti na lang at sinagot niya.

"Hello. I need you here. Please."

[Ok. Just stay there.]

Tinapos ko na ang usapan. Nandito pa din ako at pinapanood ang gagawin nila ni Yannah at Xander. Ang tagal naman kasi dumating ng kaibigan ko. Natraffic pa yata. Maya-maya pa ay umalis na sina Yannah at Xander. May pag-alalay pang nalalaman si Xander kay Yannah. Tiyak ay nilandi ito ni Yannah. Kakainis sa paningin.

Pumasok na ako sa restaurant at pinagmasdan ang mga kaibigan ni Xander. Baka may malaman din ako tungkol kina Xander at Yannah. Hindi nagtagal ay tumayo na silang lahat at pumunta sa may manager.

______________________________________

Lunes na naman at pasukan na naman. May naisip akong gawin, ang ipakalat ang video ng mga kaibigan nila. Oo ako ang salarin kung bakit kumalat ang ginawa ng mga kaibigan niya. Share your happiness daw hindi ba? Ginawa ko lang naman kung ano ang pagkakaintindi ko doon sa kasabihan na iyan. Gusto ko ding pagtripan sina Xander. Nakaisip ako bigla ng plano. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabi sa kanila ang plano ko. Alam ko namang ako lang ang makakagawa noon pero tatanungin ko pa din ang suggestion nila. Sana lang ay gumana ang utak nilang dalawa. I texted them to go to cafeteria. Doon kami magkikita at mag-uusap. Mahirap na sa silid-aralan. Baka marinig pa ng mga kaklase namin ang plano ko at ibunyag pa nila ako kay Xander. Hindi ko mapapatawad ang gagawa noon.

Nandito na ako sa cafeteria at ganoon din ang mga kaibigan ko.

"Mukhang mahihirapan ka sa plano mo girl pero sana lang ay matyempohan mo siya." Sabi ni Stacy. Napakanega talaga ng babaeng ito.

"Huwag ka ngang nega diyan. Nakakaasar ka ha. Magtiwala lang kayo sa akin. Magagawa ko ito." Sabi ko. Ngumiti naman si Margoux sa akin.

"We'll see. Mahirap magsalita ng tapos tandaan mo." Sabi ni Margoux. Minsan nagdududa na ako sa mga kaibigan ko. Minsan lang naman.

"Teka nga ha. Kayo ba ay kampi sa akin o hindi? Kinokontra ninyo agad. Hindi ko pa nga sinisimulan." Sabi ko sabay tayo. Hinila naman nila ako paupo at naglabas ng make-up kit. Retouch ang ginawa nila sa akin habang nagsasalita.

"Ikaw naman masyadong high blood." Sabi ni Stacy habang nilalagyan ako ng press powder sa mukha.

"Oo nga. Chill lang. Kaibigan mo kami kaya sa iyo kami kampi." Sabi naman ni Margoux sabay lagay ng lipstick sa akin. Tumango-tango lang naman si Stacy habang nilalagyan ako ng konting eyeshadow at panlagay sa eyebrow ko. Konting blush on at natapos na sila.

"Oo na. Loka talaga kayong dalawa. Maganda na ako kahit walang retouch." Sabi ko.

"Pero girl mas maganda ka kapag may make-up at kapag maayos ang make-up hindi ba Stacy?" Singit ni Margoux.

"Aha." Sabi ni Stacy sabay tango.

"So sinasabi ninyong kapag wala akong make-up, pangit ako?" Mataray na tono ang ginamit ko sa kanilang dalawa.

"Hindi naman sa ganoon. Mas maganda lang. Nababago kasi kapag may make-up. Late na tayo girl kaya pumasok na tayo." Sabi ni Stacy. Hay buhay. Kapag ganito ang mga kaibigan mo na kasama araw-araw ay maiirita ka. Hindi ko nga alam kung bakit ko natagalan ang dalawang ito. Siguro dahil sa awa. Joke lang. Mabait din naman kasi sila. Ang problema lang ay kagaya kanina. Palagi na lang silang ganoon. Pinapatamaan ba nila ako at iniirita o nang-aasar lang sila? Maganda naman ako. Madami na nga ang nanliligaw sa akin pero tinataboy ko lang. Palagi din akong muse sa kahit anong eskwelahan na pasukan ko maliban na lang ngayon. Si Yannah ang kinuha nilang muse. Kahit transfer ako sa ibang school ko dati ay nakukuha akong muse. Dito lang hindi. Bulag yata ang napili ng muse dito sa eskwelahan na ito. Hindi na bale. Ang mahalaga naman ay maisagawa ko ang plano. Muse is justa title.

(A/N: Sino kaya si Neomi sa buhay ni Xander? Ano kaya ang sinasabi ni Neomi na hindi na siya naalala ni Xander? Abangan. May ginagawa po akong isa pang story. Sana pakisubaybayan din po. Please do vote. Thanks.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon