Chapter 22

42 5 2
                                    

XANDER's POV

Hindi na mahalaga kung ano ang sabihin ng mga tao sa akin. I want her back. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kahit sa past relationships ko hindi ko pa ito nararamdaman. Ngayon lang at kay Yannah lang.

"X-xander. Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. " Sabi ni Yannah na naiyak din gaya ko.

"Please Yannah. Hindi kita mamadaliin. Pag-isipan mong mabuti." Sabi ko kay Yannah. Biglang bumuhos ang ulan. Kanina pa kasi madilim ang kalangitan eh. Nagsialisan na ang mga tao sa garden at pumunta na sa kani-kanilang classroom.

"Yannah tara na. Naulan na." Aya ng mga kaibigan niya sa kanya.

"Sa park. Bukas ng 5 o'clock. May mahalaga akong sasabihin sayo. Maaaring iyon na ang huli nating pagkikita. Sana pumunta ka." Mabilis ko sa kanya sinabi iyon. Hinigit na siya ng mga kaibigan niya baka kasi magkasakit pa siya. Ako naman ito basa na. Tinulungan ako ng mga kaibigan kong ligpitin ang aking mga ginamit.

Naghanda ako ng dinner date sa park. may candle lights tapos may foods na din. Syempre nagpaassist ako. Kanina pa ako naghihintay kay Yannah pero kahit anino niya wala pa akong nakikita.

"Sana naman pumunta ka Yannah." bulong ko sa hangin. F
Five thirty  na kasi hindi pa siya nadating. Sana natraffic lang siya. Naghintay pa ako ng mga thirty minutes.

"Sir malamig na po ang dinner ninyo. Ihahain ko pa po ba?" Tanong noong waiter.

"Ahh. Oo. Hinihintay ko lang ang katagpo ko." Sabi ko sa waiter. 

Huminga ako ng malalim at patuloy na naghintay sa pagdadating niya. Isang oras ang lumipas wala pa rin si Yannah hanggang sa dalawa, tatlong oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Nine o'clock na. Napagpasyahan kong pauwiin na lang ang binayaran ko waiter.

"You may leave now." Sabi ko sa waiter sabay abot ng bayad. Pinatake-out ko na lang ang pagkain.

"Sana makita ka ng mommy mo ha. Ingatan mo ang sulat ko sa kanya." Sabi ko sabay lapag ng teddy bear sa table. Inilagay ko ang sulat sa pocket ng teddy bear at lumisan na. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay inayos ko na ang gamit ko. 

YANNAH's POV

Shocks ang dami ng alarm. Nakatulog ako dahil sa lungko. Paggising ko 9 na. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili ko at tumakbo papuntang park tutal malapit lang naman iyon sa bahay namin. Mayroon akong nakita na parang liwanag sa may puno. Tumakbo ako papunta doon kaso isang teddy bear lang ang nakita ko. Nilapitan ko iyon at kinuha. Ang cute niya. May pocket pa sa unahan. May sulat din akong nakita.

"To: Yannah" Binasa ko ang nasa harap ng sulat. Para pala sa akin ito. Isa kaya ito sa gimik niya?

'Dear Yannah,

       Sorry sa ginawa kong kasalanan sa iyo. Oo pinlano ko iyon pero maniwala ka at sa hindi, hindi ko magawa-gawa iyon sa iyo kaya tinigil ko na ang pagpaplano. Wala na akong pakielam kung bumagsak na ang kumpanya nila mom and dad basta ligtas ka lang. Hindi kita hinayaang mahulog sa akin para lang doon. Totoo lahat ng nararamdamam ko para sayo. I'm sorry for hurting you. Don't worry, from this day forward ay hindi mo na ako makikita. Ingat ka palagi. Mahal kita.

                                                                         Love,
Demeter Aries Xander Villamor'

Naiyak ako noong mabasa ko ito. Luhaan akong umuwi sa condo ni Thalia. Hindi ko maexplain kung gaano kasakit. Sana matapos na ito. Niyakap ko ang teddy bear na iyon. Sana hindi magkatotoo ang sinabi niya. Mahal ko siya. Gusto ko siyang makita. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Nakita ako ni Thalia na umiiyak. Dinamayan niya ako at inalo. Hindi ko alam kung gaano katagal na ako umiiyak. Halos wala na nga akong mailuha sa kaiiyak ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Maramdaman ko namang may naglagay ng kumot sa akin sa may sofa. Tiyak si Thalia iyon. Buti na lang at nandito siya. Napakabait niya kahit nagkatampuhan pa kami noon sa bar. Hindi niya ako iniwan.

Kinabukasan ay hindi ko gustong bumangon. Wala akong gana lumabas o gumawa ng kung ano. Gusto ko lang ay iiyak lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Kung pwede ngang automatic na lang ito ay naipagawa ko na. Para na akong mamamatay sa sakit.  Sana pala ang pag-ibig ay para na lang pagsulat para kapag nagkamali ka, pwede mo na lang ito burahin at palitan ng bago o ayusin pero hindi eh. Para itong chess, touch move. Kung may undo nga lang sa pag-ibig, sana hindi na kami nasasaktan ng ganito. Sana din may option na delete para hindi na maalala pa ang sakit at mabilis na makamove-on. Sana hindi na lang ako parang itlog ng manok na kailangan ingatan kasi masyado itong mahina. Sana ang buhay ay hindi parang elevator na minsan nasa taas at minsan nasa baba. Sana para na lang internet ang buhay para nandoon na ang lahat ng kailangan pero hindi eh. Hindi ganoon dinisenyo ni God ang mga bagay. Tama nga sila na parte ng pag-ibig ang masaktan.
________________________________________________________________________________________

(A/N: May pag-asa pa ba ang relasyon nila na magwork? Abangan nyo. Salamat sa pagsupport.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon