Chapter 1

526 36 26
                                    

YANNAH's POV

" PRINCESS YANNAH LORRAINE IMPERIAL! GUMISING KA NA! LATE NA TAYO!" Sigaw ng aking kasama/bestfriend na si Nathalia Marie Fuentes.

"Wait lang. Five minutes pa." Sabay pikit ulit ng mata. Antok pa ko eh. 

"Gigising ka o itatapon ko ang paborito mong sapatos?" Pananakot sakin ni Thalia.

"Oo na nga. Gigising na. Tatayo na. Oh ano happy ka na?" Reklamo ko sa kanya. Paano ba naman nananaginip pa ko eh.

Pumunta na ko sa banyo. Naligo, nagbihis at lumabas sa banyo. Kumain, nagsililyo at pumasok sa school. Iyan naman ang daily routine ko eh. Ganun din si Thalia. Gaya nga ng nasabi ko magkasama kami sa iisang condo. Pinatira ko na lang siya sa condo ko tutal wala naman akong kasama dun tapos magbestfriend naman kami at isa pa iisang school lang naman kami. 3rd year college na kami sa Imperial University. Mommy at daddy ko ang may-ari noon na balang-araw daw ay ako na ang mag mamay-ari.

@SCHOOL

Nagring na ang bell kaya pumasok na kami ng bestfriend ko sa room namin. As usual naglecture si teacher.

"Best mamaya nga punta tayo sa mall. Isama natin ang barkada." Pagyayaya ko kay Thalia.

"Sige Yannah. Wala naman pasok tomorrow eh."

"Ehem. Ms. Imperial and Ms. Fuentes. Stop chatting with each other. Can't you see that I am still here?" Nasermonan pa nga.

"Patanggal kita dito eh." Bulong ko sa sarili ko. Kasi naman. Didn't she recognized me. Ako lang naman ang taga-pagmana ng mga Imperial.

"What are you saying Ms. Imperial?"

"Nothing ma'am. I'm sorry" Umayos na lang ako ng upo at nakinig.

Sa wakas. Natapos na rin siyang magdiscuss. Kainis talaga oh. 

"Guys! Yoohoo. Here!" Tawag ko sa mga dabarkads ko.

"Oh Yannah. Bakit?" Tanong ni Camille. Hannah Camille Ford ang full name niya. Mayaman din at parang palasyo ang bahay nila. May boutique sila na pagmamay-ari. Ipinangalan sa kanya iyon. Gift ng parents niya sa kanya. Oh daig kayo. Maganda ang quality ng mga damit doon. Doon nga ko nabili eh.

"Punta tayo ng mall. Wala namang pasok bukas eh." Pagyayaya ko sa kanila.

"Hmmm. Hindi ako pwede eh. May family dinner kami eh." -Crystal Flaire Denise Fortalejo. Den-den tawag namin sa kaniya. Sila ay mayroong cake shop na sikat ngayon. Syempre ano pa bang pangalan? Edi Fortalejo's Cake Shop.

"Ok. Sige. Nagmamadali ka yata eh. Ingat." Masayang sabi ko. Sayang at hindi siya makakasama.

"'Tara na Yannah. Starbucks muna tayo." Singit naman ni Clarisse. Chrysler Courtney Clarisse Clarkson. Ang galing ano. 4 C ang name niya.

"Pahatid na lang tayo kay manong." Prisinta ko. May nagsusundo kasi sa akin eh. Inihatid na nga kami ni manong. Excited na ko. Wala lang.haha

@Mall

"Guys Starbucks muna tayo." Pagpupumilit ni Clarisse. Starbucks lover talaga siya. Pagpasensyahan na ha.

"Sige na nga. Tara." Umorder na kami at lumabas na. Habang naglalakad sa mall...

"Miss. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Tingnan mo. Natapunan mo ung damit ko. Imported pa 'to oh." Sabay tanggal ng shirt niya.

"Sorry po. Hindii ko naman po sinasadya eh." Grabe nagtanggal pa ng shirt. Hindi ba niya alam na mall ito?

"Hindi ako kumbinsido." Aba aba aba. Nagsosorry na nga ang tao.

"Wait lang ha. Girls exit muna kami ha. Tara Clarisse. Doon tayo." Sabay hila ni Hannah kay Clarisse kung saanman. So iniwan talaga ako dito? Di naman ako pwede umalis dahil kay kuyang mayabang. Hay nako. Buhay nga naman. Pinagtripan na naman ako nila Hannah.

"Ok ha. Naglalakad kami ng mga friends ko tapos nabasa kita pero nagsorry naman ako. Ano ba talaga ang gusto mo?"

"Be my slave for one month." Aba teka. Sobra naman yata iyon ah. SLAVE? Never. Kakaiyak ito.

"NO! NEVER!" Hindi talaga ako papayag. Nanay ko nga di ako inaalipin. Ito pa kayang taong ito na ngayon ko lang nakita.

"Ok. Mamili ka nalang. Be my Slave or Be my Girlfriend for one month?" Naku naku naku naku naman si kuya oh. Mukhang timang. Doon nga sa slave hindi ako payag eh. Sa girlfriend pa kaya. 

"Hinding-hindi ako mamimili ano. May lakad pa kami ng mga kabarkada ko so kailangan ko na umalis ok. Bye.sorry talaga." Lalakad na sana ako kaso bigla akong isinandal ni kuya sa pader tapos nasa gitna ako ng kanyang dalawang braso para makulong ako. Grabe tapos topless pa siya. Juice colored help me.

"Hindi ka makakaalis hangga't hindi ka napili." gangster ata to. tsk. Kailangan ko na talagang mamili.

"Ok yung slave na lang. Ano masaya ka na? Huh! AALIS NA AKO YABANG!" Sabay takbo. NAKAKAINIS SIYA. Pero ok lang naman. Hindi naman niya alam ang condo ko or yung school ko. haha. Oo nga ano. Hindi ko naisip iyon.

"I'M FREE!" Sigaw ko

"Yannah anong sinisigaw mo diyang I'm free?" Tanong ni Thalia. Nandito na pala sila.

"Tagal ah. Anong ginawa ninyo? Grabe guys salamat sa pag-iwan sakin kanina ha." Sarcastic tone ko sa kanilang sinabi.

"Umuwi na nga lang tayo. Nagbago na isip ko." Dagdag ko pa. Baka kasi magkasalubong ulit kami ni kuya eh.

"Ok. Madami na rin kaming napamili eh. Kapagod nga eh." sabi ni Clarisse na itinaas pa yung mga pinamili nya.

"Kaya nga eh. Ako walang napamili. Ako itong nag-aya." Iyan na lang ang nasabi ko.

"Sorry na. Kasi itong si Hannah eh. Hinigit ako." Sabi ni Clarisse.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

Syempre daily routine ulit tapos pasok na sa school. Grabe din pala si Mr. Unknown. Hindi ko pa rin malilimutan iyong kahapon. The abs and everything. Ay bakit ko ba iniisip iyon. Kakainis talaga. Kahit hindi-

"Ok class you have a new classmate." Pag-aannounce ni ma'am.

"Huh? May pahabol pa po?" Tanong ng isa kong classmate. Ako naman walang pakielam. Bahala siya sa buhay niya.

"Iho pasok ka na." Iho? Bigla akong kinabahan ah.

"Hi. I am Demeter Aries Xander Villamor. 18 years old." Pagpapakilala niya sa sarili nya. Ako naman nakatungo lang. Parehas pala kaming 18 years old. Wala lang. Pansin ko lang.

"Pogi niya." bulong ng mga classmates ko.

"Mr. Villamor sit beside Ms. Imperial" utos ni ma'am." Huh. ngayon ko lang narealize na wala pala si Thalia o isa man lang sa mga kaibigan ko.

**  **  **  **  **

**  **  **  **  **

**  **  **  **  **

Iyan ang arrangement tapos siya iyong katabi ko pero ok lang naman.

"Hindi ako magkaklase ngayon. Class dismissed." Sabay labas. Yes walang klase kaso pag angat ko ng ulo ko..

"Hi my slave. " S-si Mi-mi-mister. Siya iyong kahapon. What the! Malas ko naman.

"Ngayon na magstart iyon."

"WHAT?!" Napasigaw ako sa sinabi niya. Grabe akala ko trip niya lang yun. Totoo pala. Wala ba itong katulong sa bahay nila. Grabe ha. Lupa ngayon mo na ko't lamunin.

"Nagkamali ka yata ng natapunan Yannah. Sige mukhang hindi ka sa amin makakasama. Una na kami ha." Pang-aasar ni Hannah. Hindi naman ako nakasagot kasi stuck pa din ang utak ko dito sa lalaking ito.

"Hmm. Ano kayang magandang ipagawa sayo?"

"Che! Dyan ka na!." Sabay takbo papunta sa mga kaibigan ko.

"Hoy slave bumalik ka dito."

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Princess Yannah Lorraine Imperial's face at the side====>>>

(A/N: Ano kaya ang mangyayari kay Yannah? Abangan.. Hanggang sa susunod na update. :))

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon