Chapter 10

75 22 3
                                    

XANDER's POV

Flashback

Tumunog ang aking telepono.

"Hello?" Sagot ko sa tumatawag.

[Anak pumunta ka sa bahay mamaya. May pag-uusapan tayo.]

"Hah? Ano po yun?"

[Basta pumunta ka. Sige. Bye.]

"Wait! Mom? Ano?! AHHH. Kainis. Tsk." Sabi ko sabay hawak sa ulo na para bang masakit pero hindi naman. Nakakainis ha. Pabitin kasi. Pwede namang sabihin sa phone. Bakit kailangan pang magkita?

End of Flashback

Hindi ko na alam ang gagawin ko noong nalaman ko ang balita. Patuloy daw ang pagkalugi ng kompanya ng aming pamilya. Matagal nila iyong pinaghirapan kaya ibinaba na nila ang pride nila para lamang makisuyo sa akin. Kailangan na matagpuan ang taga-pagmana ng mga Imperial sabi ni mom. Kailangan na maisagawa ang plano sabi ni dad. Ano kaya ang gagawin ko? Hindi ko naman masabing hawak ko si Yannah na taga-pagmana ng mga Imperial. Ayaw kong mapahamak si Yannah. Isa pa, nagpapakasaya pa akong pahirapan si Yannah.

Nandito na ako sa restaurant kung saan magaganap ang lahat. Humanda si Yannah sa akin.

"Tagal naman ng kaibigan mo Xander. Kanina pa nandito ang barkada eh. Nakakainip na dito." Inip na sabi ni Zion.

"Oo nga. Ano bang oras ang sinabi mo tol? Baka naman sala ang text mo." Pagsang-ayon naman ni Steve.

"Hintay lang mga tol. Parating na din iyon." Sabi ko sabay text kay Yannah. Sabi ko huwag siyang magpapalate eh. Mahigit 30minutes na kaming naghihintay dito. Buti hindi ko pa pinadala dito ang pagkain namin.

To: Slave

BILISAN MO! INIP NA KO!

Sa wakas. Makalipag ang 45 minutes ay bumukas na ang pintuan ng restaurant at pumasok si Yannah.

"Sorry I'm late?" Nagtataka yata kung bakit kasama ko mga katropa ko. Napababa ang tono niya sa huling salita na binigkas niya. Para bang nagtataning kung sino ba ang mga kasama ko at bakit sila nandito.

"Xander bakit sila nandito?" Pabulong na parang naiinis na sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Ok guys. Meet my girlfriend. Yannah these are my friends." Hinigit ko ang upuan para makaupo si Yannah. Fine dining restaurant ito eh.

"Ahh. H-hi." Tipid na sabi ni Yannah. Nauutal din siya na para bang gustong komontra sa sinabi ko.

"Hoy Xander bawiin mo iyon. Wala sa usapan natin ito ah." Bulong niya ng nakangiti pero galit ang tono. Siguro para hindi halata na galit siya. May pagkamagaling din pala ito sa pagtatago sa feelings. Hindi halatang galit siya.

"Makiride ka na lang." Ganoon din ang ginawa kong pagsasalita.

Wala na siyang nagawa. Nagpretend na lang siya bilang girlfriend ko pagkatapos ay umuwi na kami. Ang sweet nga namin eh. Kadiri. Kaya ko lang naman nagawa ang lahat ng iyon ay dahil sa mga kaibigan ko eh. Wala pa daw akong gf kaya iyon.

"Xander bakit mo ako pinakilala bilang gf mo?!" Singhal niya sa akin pagkarating na pagkarating namin sa bahay.

"Gusto ko eh." Cold kong sagot.

"Hindi tama iyon. Hindi porket slave mo ko ay gagawin mo na lahat ng gusto mo sakin. Ang usapan ay slave lang hindi girlfriend mo. Bawiin mo iyon." Galit pero mahinahon sIyang nagsalita.

"Hindi pwede." Sabi ko.

"What?! You're only joking right?" Tanong niya. Napasigaw na siya ng konti.

"No. Magpretend ka na lang. Pagod na ko. Goodnight." Sabay lock sa kwarto ko.

"Wait! Teka lang. Hoy Xander buksan mo iyo!" Kumatok siya ng malakas sa kwarto ko pero hindi ko na lang siya pinansin. Humiga na ko at natulog. Oo alam kong wala sa usapan ang pagiging girlfriend niya sa akin pero hayaan mo na. Nangyari na eh. Wala na akong magagawa. Pasensya na lang siya. Hindi ko na babawiin ang sinabi ko. Wala na siyang magagawa kung hindi ang makisabay sa trip ko. Hindi naman na siya makakapalag. Good luck na lang sa kaniya.

(A/N: Ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa? Magagawa kaya ni Xander ang plano nya kay Yannah? Abangan.. Please vote naman kayo. Salamat sa mga patuloy nagbabasa nito.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon