Chapter 18

56 20 2
                                    

XANDER's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa school na kami ni Yannah. Pinauna ko na siya. Parang may nagtutulak sa akin na pumunta ako sa garden ng school. Sinunod ko naman iyon.

"Ahh!" Sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit. Nakita ko ang isang babae sa harap ko.

"Ok ka lang?" Tanong niya. Wala na akong namalayan. Bigla na lang nagturn into black ang paningin ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nagising na ako.

"Xander?" Sabi ni Neomi.

"Babe?" Sabi ko. Matagal ko na naaalala ang mga bagay-bagay pero hindi ito.

"Nakakaalala ka na?" Tanong ni Neomi.

"Akala ko ikaw si Yannah." Kunwaring malungkot kong sagot. Ayokong malaman niya na nakakaalala na ako. Sa tamang panahon, malalaman din niya.

"Ahh. Akala ko kasi nakakaalala ka na." Nakatungo niya iyong sinabi.

"Salamat sa pagtulong mo ha." Sabi ko. Tumango na lang siya at umalis na. Susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ng nurse. Nasa clinic kaming school.

"Ok na ako. Aalis na ako. Salamat." Sabi ko sa nurse makalipas ang ilang minuto. Half day lang kami lagi. Tanghali noong nangyari iyon. Hinanap ko si Neomi sa school pero nabigo ako. Umuwi na lang ako sa bahay ko.

NEOMI's POV

Ang buong akala ko ay naalala na niya ang lahat. Aaminin ko na mahal ko pa rin siya. Ang sakit malaman na ibang tao na ang hinahanap niya. Humanda talaga sa akin si Yannah.

"Kailangan kitang makuha sa Yannah na yan Xander. Kukunin kita." Bulong ko na puno ng galit. Umuwina ako ng bahay. Habang nasa daan, nakita ko si Xander na parang may hinahanap. Napagod siguro kaya nagpahinga muna sya sa may malaking puno. Lumapit ako pero nakatago parin ako. Bigla syang nagsalita.

'Bakit ba ako nagkukunwari. Mahal ko sya eh. Mahal ko pa si Neomi.' Napatakip ako sa bibig ko. Nakakaalala na pala sya pero bakit nya ito itinago sa akin? Inirecord ko ang susunod nyang sasabihin. Inaasahan ko na sasabihin nya ulit na mahal nya ako. Gusto ko marinig yon ulit ng paulit ulit kaya naisipan kong magrecord.

'Sorry Yannah. Kailangan kitang gamitin upang maisalba ang kumpanya na matagal ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Nung una gusto ka nilang ipakiddnap sa akin. Ipaparansom ka daw ng daddy ko sa mga magulang mo. Pero naisip ko. Kung pakasalan nalang kaya kita para magmerge ang company nyo sa company namin.' Nagulat ako sa mga sinabi nya.

'Sorry Yannah.' Nagsmirk ako. Pagkakataon nga naman. Ngayon may pagkakataon na akong maibalik sa akin si Xander. Yannah must hear this. *evil laugh* Umalis na si Xander. Dumiretso na ako sa bahay at pinaghandaan ang aking plano.

"Humanda ka Yannah. Sigurado ako na lalayuan mo si Xander pagkatapos mo marinig to. Hahaha." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

____________________________________

(A/N: Ano kaya ang mangyayari kina Xander at Yannah pagkatapos nya marinig ang nirecord ni Neomi? Abangan..)

Vote. Read. Plug. Enjoy.

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon