Chapter 3

145 26 5
                                    

NATHALIA's POV

@SCHOOL

"Ang sarap ng walang iniisip guys ano. Iyong feeling na tapos na iyong project natin tapos next week sembreak na." Sabi ni Yannah sa amin. Nasa canteen kami ngayon. Nakain ng pagkain. Syempre ano pa ba ang kakainin namin. Haha. Joke lang. Nasa counter pa lang kami. Kinukuha iyong inorder namin.

"Oo nga Yannah. Iyong kulang na lang magpafiesta ka sa dami ng inorder mo." Sarcastic na sabi ko.

"Isang strawberry cake, isang chicken adobo, isang moo, isang rice, isang leche flan, isang fruit salad at isang chocolate shake lang naman ang inorder ko ah. Madami ba?" Sabi ni Yannah.

"Hayaan nyo na nga iyang si Yannah. Siya naman kakain nyan eh." Suway ni Crystal.

(A/N: Guys si Crystal at Den-den iisa ha. Baka malito kayo. Nakisingit lang.)

"Kapag nagsuka iyan hindi naman natin problema eh. Haha." Pananakot ni Crystal.

"SLAVE! WHERE ARE YOU?!" Nagulat kami lalo na si Yannah nang may sumigaw sa canteen. Kulang na lang lumuwa na ang mata namin sa gulat.

YANNAH's POV

"SLAVE! WHERE ARE YOU?!" Nagulat ako ay kami pala. Parang kilala ko na kung sino yun ah. I'm dead.

"Guys tara na sa room. Doon ko na lang ito kakainin." Nagmamadali kong niligpit ang mga pagkain ko.

"Bakit?" Tanong ni Clarisse

"Ahh. Ehh. Kasi ano. Basta tara na." Kasi naman. Hindi ko naman alam na susundan ako nito sa school ko. Pero ang malaking misteryo, paano niya nalaman na doon ako nag-aaral. Wait. di ko muna iisipin yun. Kailangan ko muna makaalis dito sa canteen.

"Ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Den-den

"Bakit parang balisa ka dyan?" Si Hannah naman ang nagtanong.

"May problema ka ba na hindi sinasabi sa amin?" Thalia.

"Ah. Alam ko na. May boyfriend ka na ano? Ikaw ha hindi mo sinasabi." Si Den-den.

"Hindi. Kung ayaw ninyo ako na lang ang aalis." Sabi ko.

Pagkatayo ko ay napaupo ulit ako. Sa sahig nga lang. :3 Pano ba naman. Nabangga ako sa...

"Oh slave. You're here." Oo siya nga. Sa kasamaang palad.

"Ah. Eh. Marami pa akong gagawin. Mauna na ko ha. Bye." Tatakbo na sana ako kaso bigla nyang hinigit ang kamay ko. Matutumba na ko.

"Ahhh!" sigaw ko.

"Ok ka lang?" Doon ko lang narealize na nasambot niya pala ako. Ngayon malapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Gwapo pala siya kapag tinitigan mo ng maayos. Matangos ang ilong. Magandang mata. Mapupulang labi. Wait bakit napunta sa labi? Erase erase erase. Wala kayong nabasa ok.

"Ms. Imperial pwede ka nang tumayo. Ang bigat mo kaya." Reklamo niya. Aba siya itong sasambot sambot hindi naman kaya pero salamat sa kanya ha.

"Sorry." Nagpagpag na ako at akmang aalis ng pigilan niya ako.

"Hoy hindi pa ako tapos sayo slave. Hindi ka makakatakas sa akin. Sige. Sabi mo hindi ba busy ka? Bukas na lang kita babalikan pero lagi mong tandaan. Binabantayan kita. Oras na malaman ko na hindi ka busy, hindi ako magdadalawang isip na higitin ka ulit." Umalis na siya.

Haist. Ano ba yan? Eh kanina lang tapos ka na projects ko. Ano ngayon ang pagkakaabalahan ko?

Bumalik na ko sa mga kabarkada ko.

"Nakita namin iyong nangyari kanina ha. Ano iyon?" Panunukso ni Den-den. Nagtataka ba kayo kung bakit parang ako lang ang natawag ng Den-den kay Crystal? Sila eh ayaw pero sige na nga. Crystal na lang din ang itatawag ko sa kanya para hindi na kayo malito.

"Wala. Napagkamalan lang ako noong lalaking iyon." Palusot ko.

"Sure?" Mapang-intrigang tono ni Thalia na sinabi sa akin.

"Oo nga." Sabi ko habang nakatingin sa iba.

"Hindi kami kumbinsido. Hindi ba guys." Hay naku. Si Clarisse dumagdag pa.

"Matagal na tayong magkakasama Yannah. Sabihin mo na. Ano iyon?" papipilit ni Hannah.

"Oh sige na. Sasabihin ko na."

"Natatandaan niyo yung iniwan nyo ko sa mall?"

"Iyon lang. Grabe ka naman." Si Clarisse.

"Sus maliit na bagay." Hannah

"Hindi. Patapusin ninyo muna kasi ako."

"Iyong natapunan ko ng coffee. Pinapili niya ako. Iyon lang daw ang paraan para mapatawad niya ako. Be his slave or be his girlfriend for 1 month yun. Kalkuladong-kalkulado nga niya eh. Hindi ba last 1 month na lang tayo. Kapag hindi daw ako pumili hahalikan niya ako so slave ang pinili ko eh ayoko magpaalipin sa kanya so nagpalusot ako na marami akong gagawin eh remember guys. Hindi ba tapos na tayo sa mga projects natin? Help naman oh." Kwento ko sa kanila.

"Naku Yannah. Malaki iyang problema mo." Ipagduldulan ba naman sa akin iyon. Thalia talaga oh.

"Kaya nga nahingi ako ng tulong sa iyon eh."

"Kung tumakas ka na lang kaya?" Suggestion ni Crystal.

"Hindi pwede. Babantayan niya daw ako." Paliwanag ko.

@ROOM

"Iyan kasi Yannah. Kailangan mo ng tubig? Bibili lang kami ha." Sabi ni Hannah at umalis na sina Hannah at Thalia para bumili.

"Uwi na rin ako Yannah. Bye." Si Clarisse na nakipagbeso-beso muna sa akin bago umalis.

"Ako rin Yannah. Antok na ko eh. Gusto ko na magpahinga." Ganun din ang ginawa namin ni Crystal.

"Sige. Ingat kayo ha." Paalam ko sa kanilang dalawa.

Ngayon ako na lang ang naiwan mag-isa. Gusto ninyo malaman kung ano ginagawa ko?

*FLASHBACK*

"CLASSMATES SINO PA ANG HINDI TAPOS SA PROJECT?" Sigaw ko

"Ako." Sabi noong isa kong classmate.

"Kami dito Yannah."

"OSIGE. MAKINIG KAYO. AKIN NA ANG MGA PROJECTS NYO." Siguro alam ninyo na ang susunod na nangyari. Kailangan eh. Para maging busy. Hay buhay.

*END OF FLASHBACK*

------------------------------------------------

(A/N: Sa tingin nyo makakatakas pa si Yannah sa pinasok nyang problema? Abangan sa next update. Salamat nga pala sa mga sumusubaybay. Sana iboto ninyo ang story ko at magustuhan. :))

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon