Chapter 1

51 7 12
                                    

Dedicated to:  april_tandingan

"Aleeeeeex! Omg! Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka nagsabi samin?"

"Sorry April, gusto ko rin kasi kayong supresahin."

"Girl!na surprised mo na kami. Loka-loka."

April, Bliss and Sophie is here. Hindi pa nila malalaman na nakauwi na si Alexandra kung hindi pa sila pupunta dito sa bahay kaya nang dumating sila dito naabutan nila kaming nasa kusina nag-aalmusal.

Nagulat sila syempre nagtampo pa nga sa akin dahil hindi ko daw sila tinawagan agad e, masisisi ba nila ako na gabing gabi na nang nalaman kong nandito si Alex.

"Gosh! Ang laki ng pinagbago mo girl! Sheyt ibang iba na fashion style mo ah, alam mo na din mag make up. Siguro may jowa ka na noh?" April asked at pabirong hinampas sa balikat si Alex.

Alex rolled her eyes at natawa naman ako sa kasungitan niya. Ibang-iba na talaga siya.

"Duh? Sa ganda kong 'to? Syempre may mabibihag ako. Sino ba namang hindi makakapansin sa angkin kong kagandahan? Masyadong malakas ang alindog ko 'no."

Everyone's laugh because of what she said.

"Ang hangin, grabe nag america lang tumaas na confidence to the highest level." I said while laughing.

"Oo nga kumapit kayo at baka matangay kayo ng hangin dala ng bagyong Alexandra." Bliss added.

"Naku Sanchi buti at nakayanan mo siyang makasama ng isang gabi? Kapag ako nakasama niyan baka mapatay ko siya sa inis." Sophie said while laughing out loud.

Tawa lang kami ng tawa habang si Alex naman ay nakabusangot na at hindi maipinta ang kanyang mukha.

Hindi pa din kami tumigil at tinignan niya nga ng masama isa isa.

Nahinto ang pagtawa ko ng makita kung gaano kasama ang tingin niya kay Bliss na siyang malakas ang tawa.

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng tumayo siya at padabog na pumuntang kusina.

"Hala kayo nagalit si Ms. Sungit." I said to the girls.

Tumawa lang sila.

Sinundan ko naman si Alex sa kusina at nadatnan siyang mahigpit ang hawak sa kutsilyo. Lumingon siya sa direksiyon ko at nagtama ang paningin namin.

"Tapos na kayo? Tapos na kayong pagtawanan ako?"

Kinabahan naman ako sa tono ng pananalita niya, para bang may diin bawat bigkas nito.

Lumapit ako sa kanya kahit na ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko isa na doon ay ang baka bigla niya akong saksakin.

Nang makalapit ako kay Alex niyakap ko siya sa gilid niya at pinulupot ang mga braso ko sa kanyang baywang.

"Sorry na 'te. Naninibago lang kami sayo kasi nga ang laki ng pinagbago mo, mula ulo hanggang paa hindi ka namin makilala. Sa pananamit mo, sa ugali mo, sa mukha mo na sobrang amo noon ngayon palaban na 'yung make up napaka tapang."

"Ano ka ba Chi masanay ka na ngayon ok? Kasi 'yung dating Alex na nakilala niyo ay wala na."

"Anong wala na? What do you mean? Eh ikaw naman 'yun. Sa panlabas lang ang pinagbago mo pero alam kong sa panloob ikaw pa rin ang Alex na kaibigan namin." I said and hug her tightly.

"Aba! Aba! Hindi nagtatawag ang dalawa may dramahan na nagaganap." Si april at patakbong pumasok ng kusina at sinugod kami ng yakap. Sumunod naman na pumasok si Bliss and Sophie at sumali na din sa yakapan.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now