Chapter 11

17 7 2
                                    

Dedicated to: jhaoie

"Hoy Sanchi! Ang kj kj mo talagang babae ka!" Alex shouted at tumakbo papunta sa akin at sinundan naman ng mga babae.

Shit! Mukhang alam ko na ang gagawin nila.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo. Halaaa mali ang tatakbuhan ko dahil pataas na ito at mahirap umakyat!

Fudge!

Wala na, mahuhuli na ako. Huhu.

Nahuli nila ako at binuhat. Ang masama pa ginawa nila akong baboy na parang kakatayin sa pagbuhat nila sa akin dahil may nakahawak sa paa ko at sa kamay ko.

Nakarating kami sa tambak at akmang itatapon ako sa ilog.

Waaah! Mama ko!

Pumkkit ako ng mariin ng magsimula silang mag bilang.

1.

2.

3.

Naramdaman kong nasa ere na ako at babagsak na sa tubig.

Tinakpan ako ang mukha ko at hinintay na bumagsak ang katawan sa tubig.

Naramdaman ko ang malamig na tubig na dumampi sa buo kong katawan at naramdaman din ang mga bato sa ilalim ng ilog.

Hindi agad ako umahon dahil parang naiwan ang kaluluwa ko sa taas. Pero masaya palang tumalon pero hagis ang ginawa sa akin.

Umahon ako at napansing hindi abot ng paa ko ang mga bato na nahawakan ko kanina.

Fuck!

Tumalon talon ako para makahinga pero hindi sapat upang makalanghap ng hangin.

Naramdaman kong may pumulupot na mga braso sa baywang ko at inihaon ako.

Napakapit ako sa balikat niya at niyakap ng mahigpit. Alam kong si Clark ang sumagip sa akin.

Minulat ko ang mga mata ko at nagtama ang paningin namin ni Clark. Hinihingal man ay nakuha ko pa ding tumawa.

"Fuck! Muntik na akong malunod." hinihingal kong sabi.

Napansin kong hindi umimik si Clark at napansing nakatitig siya sa may bandang dibdib ko.

"Bumabakat." He said.

"Huh?"

"Sabi ko bumabakat ang bra mo."

Tinignan ko ang dibdib ko at nakitang bakat nga. Nag init naman ang pisngi ko at sinusubukang kumawala sa yakap ni Clark. Nakapulupot kasi ang mga binti ko sa bewang niya at mahigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin.

"Babe, pull me down."

Agad niya naman akong binaba at agad ding lumubog sa tubig. Tangina nakalimutan kong 'di ko pala abot.

Inabot ko si Clark na ngayon ay tawang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang hahampasin siya ng maisip na baka lumayo siya sa akin.

Hinubad ni Clark ang damit niya at agad na pinasuot sa akin para daw hindi makita ang dibdib ko.

Nang maisuot ang damit niya ay binuhat niya ako para makaahon na.

"Halika na, Aahon na tayo."  Sabi niya habang buhat buhat ako.

Nasa lupa na kami pero hindi niya parin ako binababa.

"Clark ibaba mo na ako." Sabi ko at nag-aalala na baka nabibigatan siya sa akin pero parang hindi naman at parang wala lang sa kanya.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now