Chapter 5

32 7 11
                                    

Dedicated to: k_h_r_y_l_l_e

"Hello, Probinsya! Hello, Tandingan Residence! Hello, mga Probinsyano at Probinsyana na nakatira sa probinsya na wala sa manila. Ang sarap ng hangin. Woah!"

Hindi namin mapigilan si Kharylle sa kakasigaw, kanina pa siya hello ng hello sa tuwing may masasalubong kaming mga tao at pagkababa pa lamang namin ng sasakyan ay nagsisisigaw na siya. Walang hiya talaga.

Ngayon lang kasi kami makakapasyal ng probinsya at sa tirahan pa nila April. Kadalasan kasi ay sa ibang bansa kami nagbabakasyon.

Masasabi ko ngang napakaganda ang magbakasyon sa probinsya kumpara sa ibang bansa. Mas masarap damhin ang hangin at nakakagaan ito sa pakiramdam.

Mukhang magiging maganda ang bonding naming ito dahil sa hangin palang ay nadadala na kami.

"Kharylle, ano ka ba naman tumahamik ka na nga. Kanina ka pa sumisigaw d'yan hindi ka ba pinapaos? Hindi ba sumasakit ang lalamunan mo? Gosh ha!" I exclaimed and rolled my eyes.

She just laughed at what I'ved said.

Naglalakad kami papunta sa bahay nila April. Nasa gubat na kami, hindi naman masyadong liblib at nakakatakot ang gubat na ito. Napakaganda nga eh dahil sa tuwing may aapakan kaming tuyong dahon ay tumutunog ito at hindi masakit sa tainga.

Marami ding ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno at sa tuwing may nag iingay sa amin ay nag iingay din sila.

"Gosh, why naman kasi hindi pwedeng ipasok ang car ko dito?" Pagrereklamo ni Julia.

"Puro ka reklamo girl, hindi mo ba nakikita? Ang sikip ng daan at puro puno ang nadadaanan natin. Tignan mo ang daan oh lubak lubak."

"I don't care, Kharylle. Kung makaasta ka na panay ako reklamo eh ikaw nga panay ang sigaw nakakabingi."

Heto na naman sila, magsisimula na namang magbangayan. Walang araw na na hindi nagbabangayan ang isa sa aming magkakaibigan. Lagi na lang.

Iniwan kasi namin ang sasakyan sa bahay ng kapitan nila dito. Doon lang kasi namin pwedeng i park ang sasakyan at ang kapitan lamang ang mapagkakatiwalaan namin.

Kanya kanyang bitbit kami ng mga gamit. Si April naman ay ang mga pagkain namin. Hindi na siya nagdala ng damit dahil may mga naiwan daw naman siyang mga gamit sa bahay nila dito sa probinsya.

"Malayo pa ba? Ang sakit na ng paa ko." Si Alex naman ngayon ang nagreklamo.

"Ginusto niyo ito diba? Ayan damhin niyo ang hirap na dinanas ko makarating lang sa bahay namin. Panindigan niyo ang pagpayag na dito tayo magbabakasyon." Sabi ni April na siyang nangunguna sa paglalakad.

"Ang bilis bilis mo mag lakad April. Halatang sanay na sanay ka na dito. Bakit naman kasi nasa gubat ang bahay niyo?" Sophie said.

"Eh, no choice kami 'no dito kasi ang lupain nila mama kaya dito na kami nagpatayo ng bahay. Alangan namang iwan namin ang lupa edi iba ang nakinabang."

"Maglakad na lang kasi kayo panay kayo reklamo eh, kaya natatagalan tayo." I said to them.

"Kanina ka pa nagsusungit ah, may dalaw ka? Naku sayang naman darating pa naman ang bebe mo. Hindi makakaisa."

Namula naman bigla ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Alex.

"Ayieee! Namumula siya. Ano? Nakaisa na ba?"

"Shut up, Alex!" I shouted.

Feeling ko talaga singpula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Ang init init at namamawis ako sa tuwing namumula ang mga pisngi ko. Nakakainis naman eh ako na naman pinagtritripan.

"Natatandaan niyo ba ang daan na dinaanan natin?" April asked.

"Hindi. Hindi na ako nag abala na tandaan, kasama ka naman namin." I said.

"Dapat tinandaan niyo, pero ok lang mas maganda nga eh."

"What do you mean by 'mas maganda nga eh?'"

"Nothing." She said and she smirked.

Bakit parang may kakaiba sa mga sinasabi ni April? Bakit iba ang pakiramdam ko? Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Kanina ko pa ito nararamdaman nang nasa sasakyan palang kami at nagbiyabiyahe papunta dito.

Kinakabahan man ay hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Namamawis ang kamay ko at nanginginig ang kalamnan. Siguro gutom lang ako, hindi kasi ako kumain ng umagahan.

"Are you ok, Chi? Namumutla ka, siguro iniisip mo parin 'yung sinabi ko kanina? 'yung about sa inyo ng boyfriend mo." Panunukso ni Alex sa akin at narinig naman ito ng iba kaya sumabay na sila sa panunukso.

Sunod sunod lang ang pag-iling ko na siyang dumagdag sa pagkahilo ko.

" Oy! Chi? Ok ka lang ba talaga? Jokie jokie ko lang 'yung mga sinabi ko ah. "

" Hindi naman 'yun ang dahilan Lex, Siguro gutom lang ako at bigla akong nahilo atsaka ang layo na ng nilakad natin."

"Oo nga ang layo naman kasi 'yung bahay nila April."

"Don't worry guys, malapit na tayo." Sabi ni April na siyang nagpabuhay sa amin.

"May nakikita na akong bubong! Omg mukhang malaki ang house niyo ah April?" Julia exclaimed.

"Sakto lang, may second floor ang bahay namin at bahay na namin ang nakikita mo, nag iisa lang naman kasi ang bahay namin dito." April said.

Malapit na kami sa bahay nila April at sa tuwing palapit kami ng palaput ay siya namang paliblib ng paliblib ang gubat na tinatahak namin.

Mas madaming puno dito kumpara sa mga dinaanan namin kanina. Matatas ang damo at maraming mga sanga at tuyong dahon ang nagsilagasan.

May nakita kaming napakalaking gate at parang hindi ito nalilinisan dahil may mga damo ng kumakapit dito.

"Wala bang nakatira dito April? Bakit parang walang nakatira at walang naglilinis? I mean parang ang creepy."

"Wala ng nakatira dito sa bahay, lumipat na kaming lahat sa lungsod."

Nang buksan ni April ang gate ay malakas itong tumunog na para bang matatanggal ito sa pagkakakabit.

Nang makita na namin ng malapitan ang bahay nila, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Hay! Sa wakas nakarating din tayo." Sabi ni Alex at napahiga sa sahig ng teresa.

Humiga at umupo na din ang iba. Bakas sa mga mukha nila ang pagod at hindi alintana ang dumi ng sahig.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang  nakakaramdam ng kakaiba, hindi ko ma explain.

Tinignan ko sila isa isa at walang bakas sa kanilang mukha ang pangamba. Siguro naprapraning lang ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.

Marami na ding lumot ang nakakakapit sa mga semento at madamo ang paligid.

Masyadong mataas ang second floor nila April kumpara sa second floor ng bahay namin. Kung ikukumpara sa bahay namin ay mas malaki ang kila April.

"Magpahinga muna kayo sa kwarto ko. Malaki naman iyon at kakasya tayong lahat pero, maglilinis muna tayo." Sabi ni April at binuksan ang pintuan.

Pagkapasok namin sa loob ay siyang pagsalubong ng hangin sa akin, na may halong kakaibang amoy. Parang amoy kalawang?

Umakyat kami sa hagdan papuntang second floor. Itinapak ko ang paa ko sa hagdan at may napansin akong kulay pula.

Yuyuko na sana ako ng biglang hawakan ni April ang braso ko at hinila ako paakyat.

What was that?

Bakit ganu'n ang reaksyon ni April?

I don't know. I'll find it out.

Enjoy reading labs!

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now