Chapter 20

10 6 3
                                    

Dedicated to: SlothxReader17

"Hindi mo sinabi na may mga bisita ka pala edi sana nagdala ako ng masasarap na pagkain."

"Kailangan bang ipaalam sayo na may bisita ako?"

I can sensed the coldness on April's voice.

Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila ng babaeng kasama ni April, siguro kaibigan niya din ito. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng silid namin ni Clark at pupunta  sana ako sa teresa para nagpahangin ng marinig ko ang boses ni pokemon.

Yes, pokemon muna ang pangalan niya dahil hindi ko naman siya kilala at hindi naman siya nagawang ipakilala sa amin ni April kanina.

Kanina habang kumakain kami ng hapunan ay may nararamdaman akong tensyon sa pagitan ng dalawa. Para bang nag-uusap sila gamit ang isip at tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

"Oh? So, wala na pala akong karapatan na malaman ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon dahil nakahanap ka na ng mga bagong kaibigan? Ganun ba?" Pokemon sarcastically said.

"Wala kang pakialam sa mga nangyayari sa buhay ko at lalong wala kang karapatan na manghimasok!"

"Wow! Kung makapagsalita ka parang wala tayong pinagsamahan ah? Kung makapagsalita ka ngayon parang ang taas taas mo na! May I remind you bitch that this girl in front of you is know all your dirty little secret."

Anong ibig sabihin ni pokemon? Anong little dirty secret?

"Umalis ka na Jharlyn"

So, Jharlyn pala ang pangalan ng pokemon na yan. Mas lalo kong idiniin ang tainga ko sa pintuan ng kwarto ni April para mas klarong marinig ang pinag-uusapan nila.

"Dito na ako matutulog, gabi na April wala ka bang konsensya at papauwiin mo ako ng gantong oras?"

"Wala akong pakialam! Umalis ka na ngayon din!" April shouted.

"Oo nga pala kailan ka nga pala nagkaroon ng konsensya 'no? Tsk tsk."

May galit ba si April kay Jharlyn at ganun na lamang pagtulakan ni April si Jharlyn kahit gabing gabi na at delikado sa daan?

"Get out! Wag ka ng babalik dito!" April shouted again and this time I can feel to her voice that she's mad.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni April at iniluwa nito si Jharlyn. Sumunod sa kanya si April na pulang pula ang mukha at halata dito ang galit.

Nagtama ang paningin namin ni April at hindi ko alam kung bakit gulat na gulat siya ng makita ako sa harap niya. Tinignan ko si Jharlyn at nakitang nakangisi ito.

Masasabi ko ngang maganda si Jharlyn ngunit masasabi ko ding may pagkapangit ang kanyang ugali. Sa bagay hindi ko pa naman siya gaanong kilala at sabi nga nila don't judge the book by its cover. So, I wont judge her na.

"Ahmm.. Kanina ka pa d'yan?"

Binaling ko ang tingin kay April ng magsalita siya.

Umiling ako at sinabing kakarating ko lang. Yes, nagsinungaling ako dahil ayokong malaman niya na narinig ko lahat ng pinag-usapan nila ng kaibigan niya. I want to find out something and I won't tell to anyone.

"Hi! I'm Jharlyn and you are?"

"Sanchi" Cool kong sagot.

Kailangan cool ang dating ko para hindi halata na nakikinig ako sa usapan nila. Baka mahalata nila kapag utal utal akong magsalita at halatang kinakabahan.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now