Chapter 29

15 8 4
                                    

Dedicated to: bloombeem22

Matapos ang mga masalimuot na pangyayari na dumaan sa buhay namin ay tila nagbago ang lahat. Kulang ang pagkatao ng isa sa amin nung nawala ang mga kaibigan namin, lalong lalo na ako dahil hindi lang kaibigan ang nawala sa akin kundi ang pinakamamahal kong lalaki. Akala ko siya na habang buhay pero mali pala ako dahil hindi maiiwasan ang mga pagsubok na dadating sa buhay.

Nawala siya sa buhay ko ng ganun ganun lang. Hindi ko matanggap pero anong magagawa ko? Nangyari na ang nangyari at nawala na rin ang may sala. Kahit ganunpaman ay napatawad ko na rin si April sa nangyari bukod sa naging kaibigan ko siya ng ilang taon, siya rin ang tumayo bilang ate ko at ganun nga ang nangyari dahil totoo ko pala siyang kapatid.

Nakakatawa lang isipin na kung kailan mo malalaman ang katotohan ay siyang pagkawala ng mga mahal mo sa buhay. Gusto kong ibalik ang mga panahong nandyan pa sila. Gusto kong itama si April at hindi husgahan. Sana noon pa man ay nagtanong na ako. Tama nga sila na nasa huli ang pagsisisi.

"Are you ok?"

Nilingon ko si Shoto ng magsalita siya sa tabi ko. Nandito kami sa hospital dahil tinakbo namin si Alex. May dumaloy kasi dugo sa kanyang hita kaya nagpanic kami at iniwan ang bahay nila April. Ngayon nandito na kami sa maynila at ayaw na naming bumalik sa lugar kung saan nangyari ang bangungot sa aming lahat.

"Ok lang ako. Ikaw?" Tanong ko pabalik kay shoto.

Bumuntong hininga siya at umayos ng upo. Hinilot niya ang kanyang sintido at batok bago sumagot.

"Kailanman ay hindi ako magiging maayos. Para bang nawala ang kalahati ng katawan ko simula ng mamatay si Bella. Sana ako na lang ang namatay hindi si Clark."

"Ano ka ba! Pasalamat ka nga at nabuhay ka." Sikmat ko sa kanya.

"Alam mo kung bakit? Kasi kung ako ang namatay makakasama ko pa ang mahal ko hindi nga lang sa lupa kunfi sa langit na. Kung ako ang namatay at hindi si Clark edi sana may ama pa 'yang dinadala mo at hindi ka nagluluksa ng ganito. Naawa ako sa bata na dinadala mo dahil nawalan siya ng ama."

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng masasagana kong luha. Hindi na matigil ang pagbuhos ng luha ko simula ng araw na mawala si Clark. Araw-araw na lang at walang oras na hindi ako umiyak.

" 'Wag ka na umiyak, masama sa buntis ang ma stress. 'wag kang mag-alala wala man ang tunay niyang ama pero nandito kami ni Blake para tumayong ama niya. Kaya tahan na."

Niyakap ko ng mahigpit si Shoto ng hilain niya ako para yakapin. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko para kahit papaano ay mabawasan ito. Napakalma ako ng yakap ni Shoto at ang paghaplos niya sa buhok ko. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng comfort sa isa sa mga kaibigan ko.

Komportable ako sa mga kaibigan ko, ganun din naman sila sa akin kaya walang malisya kung magyakapan ang isa sa amin at kung magbangaya na may harutan.

I missed them so much.

Gusto ko pang umiyak ng umiyak ngunit inaalala ko ang baby sa sinapupunan ko at nakinig na lang kay Shoto. Nasa labas kami ng emergency room naghihintay na mailabas si Alex. More that 5 hours na kaming naghihintay kaya naman nangangalay na ako dito sa upuan ko.

"Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita para makapagpahinga." Shoto asked. Naramdaman niya sigurong may iniinda ako kaya siya nagtanong.

Tumango na lamang ako at hindi nagpapilit, para na rin ito aa kalusugan ko at sa magiging anak ko.

Anak ko.

Sa isiping iyon ay bumaba ang tingin ko sa sinapupunan ko at hinaplos ito ng dahan dahan. Napalunok ako at parang may bumara sa lalamunan ko. Nanubig ang mga mata ko at hindi ko napigilan ang pagtulo nito.

Shit!

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at inabot ang kamay ni Shoto na handang umalalay sa akin. Naglakad kami papuntang parking lot. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ay inaalalayan parin ako ni Shoto.

"Pwede bang 'wag mo akong ideretso sa bahay?"

"Bakit?" Tanong niya at halata ang pagtataka sa kabyang boses.

Nakapaikit kasi ako at hibdi ko makita ang reaksyon niya pero nababakas kong nakakunot ang kanyang noo.

"Ayoko munang umuwi sa bahay bukas na lang ako uuwi para may lakas na sabihin sa mga magulang ko ang nangyari. Dahil kubg ngayon ko sasabihin ay baka mahimatay ako sa mga nangyayari at panghihina at ayokong mangyari iyon at baka mapano pa ang anak ko." Nakapikit kong saad.

Hindi na umimik si Shoto at pakiwari ko'y nauunawaan niya ang desisyon ko. Nakapikit lang ako buong biyahe at walang balak na magmulat ng mata para tignan ang view sa labas. Puro gusali lang naman ang makikita ko, wala paring pagbabago.

Nakapikit lang ako hanggang sa huminto ang sasakyan. Siguro ay nasa bahay na kami nila Shoto. Alam ko namang dito niya ako dadalhin dahil walang soyang choice. Hindi ako nagmulat ng mata hanggang sa maramdaman kong umangat ang katawan ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Shoto na buhat buhat ako papuntang bahay nila. Lumingon siya sa akin ng maramdaman na nakatingin ako sa kanya.

"Sleep."

Tumango ako sa sinabi niya at pinikit ulit ang mga mata. Pagod na pagod na ako at parang hindi maramdaman ang sakit sa mga parte ng katawan ko dahil isang sakit lang ang iniinda ko ngayon. Sakit sa nagdurusang puso. Sumisikip ito sa tuwing naaalala ko si Clark at ang masasaya naming alaala.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami s aisang silid at naramdam ko na lang ang malambot na kama na dumampi sa likod ko. Naramdaman kong hinaplos ni Shoto ang ulo ko at kinumutan para hindi lamigin. Bago siya umalis ay sinabihan niya akong magpahinga at 'wag mag isip ng kung ano ano pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil ito na naman ako nakatulala sa kisame habang umaagos ang luha ko.

Kung matutulog ba ako ngayon gabi, mawawala na ba ang sakit kinaumagahan? Imposible. Hinding hindi mawawala ang sakit, siguro kapag natulog ka mawawala saglit pero kapag nagising ka maaalala mo na naman ang mga sakit na patuloy na bumabalik sa isipan.

Hindi ko na kaya pero handa akong lumaban para sa sarili ko at sa magiging anak ko. Hindi ko idadamay ang batang nasa sinapupunan ko sa mga nangyayari ngayon sa akin. Malakas ako diba? Kaya ko ito.

Patawarin mo ako 'nak kung nawalan ka ng ama pero hindi ko hahayaan na magkulang ako sayo dahil ibubuhos ko ang buong pagmamahal na natitira sa sarili ko dahil nabuhos ko lahat sa tatay mo.

Hanggang sa gabing iyon ay si Clark parin ang nasa isip ko at nakatulugan ko na lang ang pag iisip at hindi alintana ang mga bakas ng luha sa aking mukha.




Uwuuu! Last chapter to go at matatapos na ang Whose who. Salamat sa inyong lahat sa patuloy niyong pagsuporta sa akin. Mahal ko kayo. Mwa.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now