Chapter 17

16 5 6
                                    

Dedicated to: KheanaPhunsawat


"Ohh myyy ggggrrrr! Kharylle!!!! Bebe kooooo!"

Lumabas ako ng kusina dahil sa malakas na tili ni Julia. Kung makatili naman 'tong babaeng 'to ay wagas. Mayayanig ata itong bahay sa pagtitili niya.

Nagulat ako dahil nakita kong prenteng nakaupo ang bunso namin na si Kharylle! Gosh, na miss ko itong batang ito kahit na maldita minsan.

Umuwi kasi siya kinaumagahan nang dumating kami dito sa probinsya nila April dahil may importante daw silang gagawin kasama ng pamilya niya.

Isa-isa namin siyang niyakap dahil labis namin siyang na miss. Maingay kami dahil kinakausap namin siya tungkol sa nangyari sa lakad nila ng pamilya niya.

Natahimik ang lahat ng hindi siya umimik, wala siyang sinagot na tanong sa amin. Tahimik namin siyang pinagmamasdan hanggang sa umiyak siya ng malakas.

Nagulat kami sa inasta niya, sinusubukan namin siyang patahanin ngunit palakas ng palakas ang kanyang iyak. Parang napakalaki ng problema niya at ganun na lamang siya kung makaiyak.

Lumapit si April sa amin at tumabi siya ng upo kay April. Pinilig niya ang ulo ni Kharylle sa kanyang balikat at hinimas himas nito ang buhok ni Kharylle, para bang paraan niya ito upang patahanin ang bunso namin.

"Hey! What's wrong? Hmm?"

Malambing na saad ni April habang pinapakalma ni si Kharylle.

Tumahan naman si Kharylle ngunit humihikbi pa rin siya habang nagsasalita.

"Bakit ganun sila? Bakit kailangan nilang pakialaman ang buhay ko? May sarili akong buhay at ako dapat ang may karapatan para mag desisyon sa sarili ko diba? Bakit kailangan nila akong pangunahan? I hate them! I really hate them!"

Lumakas na naman ang iyak ni Kharylle at hindi na namin alam ang gagawin dahil hindi namin siya maintindihan at ang hirap niyang patahanin.

Inabutan ako ni Shoto ng tubig para ipainom kay Kharylle. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid niya.

"Calm down. Shhhhh." I said at pinainom siya ng tubig dahil hindi na siya makahinga.

"Ayaw ko na sa kanila." She sobbed.

"Why? Ano bang nangyari at bakit galit na galit ka sa mga magulang mo? May dapat ba kaming malaman?" April said while combing Kharylle's hair using her fingers.

"Pinauwi nila ako hindi dahil kay lola kundi dahil ipapakasal nila ako sa taong hindi ko mahal. They use my lola to betray me. Ginamit nila siya para umuwi ako dahil alam nilang hindi ako uuwi kung hindi naman ito importante at alam nilang kahinaan ko si lola. Nang makauwi ako sa manila agad kaming nagtungo sa isang hotel at doon pala ay may naghihintay na pasabog may naghihintay na isang lalaking hindi ko kilala. "

"Lalaki na hindi ko mahal, lalaking ipapakasal sa akin. Nung nalaman kong ipapakasal nila ako sa lalaking iyon ay tumakbo ako at binalak na bumalik dito pero hindi nila ako hinayaan na makatakas. Hanggat sa hindi ako pumapayag na ikasal sa lalaking iyon ay mananatili akong nakakulong sa sarili kong silid at hindi ko kaya iyon. Hindi ko kayang hindi ko kayo makita at makasama."

Kwinento niya lahat sa amin ang nangyari sa kanya pagkauwi niyang maynila.

Muli, umiyak siya ng umiyak hanggang sa napagod siya at nakatulog sa balikat ni April. Walang nangtangkang magsalita sa amin hanggang sa bumigat ang paghinga ni Kharylle at halatang mahimbing na ang kanyang pagtulog.

Dahan dahan siyang binuhat ni Blake para dalhin sa kwarto ni April. Nang maka alis sila ay narinig kong bumuntong hininga ang lahat.

"Grabe, hindi ko kinakaya ang nangyayari sa buhay ni Kharylle. Napakabata pa ng bunso natin at ganun na ang nangyayari sa kanya. She really hates her parents for doing this shits to her and I starting to hate them too." Alex said while catching her breath because in so much frustration.

Tinignan ko isa isa ang mga kaibigan ko at nababakas sa kanilang mukha ang pagkaawa sa bunso naming kaibigan at pagkadismaya sa magulang nito dahil ang iba ay hinahangaan ang magulang ni Kharylle, ang iba din naman ay natutulala at malalim ang iniisip.

Hindi pa din napapasok sa isip ko ang mga kwinento sa amin ni Kharylle hanggang sa maghapunan kami at hindi pa din lumalabas sa kwarto si Kharylle. Hinatiran lang namin siya ng pagkain at iniwan na siya. Gusto sana naming kasabay siyang kumain para ipadama sa kanya na nandito lang kaming mga kaibigan niya ngunit malabong mangyari iyon dahil hindi namin siya makausap ng maayos.

"Tingin mo babe, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Kharylle anong gagawin mo?" Clark suddenly asked.

Nasa kanya kanya na kaming silid dahil tapos na kaming maghapunan. Tahimik ang buong araw namin dahil wala kaming gana para magsaya. Masyado kaming nahawa sa kalagayan ni Kharylle kaya ganun ang nangyari. Walang gana ang lahat at hindi na kami nagtagal sa labas para magliwaliw.

"I don't know? Siguro tatanggapin ko na lang? Kasi diba, wala namang karelasyon si Kharylle para mas lalong hindi niya sundin ang utos ng mga magulang niya, right? And siguro ang gagawin ko ay kikilalanin ko yung mapapangasawa ko."

"Hmmm"

Eh? Sa haba ng sinabi ko 'hmmm' lang ang sagot niya? Minsan talaga nakakainis ang lalaking ito ang sarap sipain para ilaglag sa kama.

"Eh paano kung may karelasyon siya?" He asked again.

"Aba malay ko? Atsaka kaya naman na sigurong i handle ni Kharylle ang problema niya dahil sabi niya nga ay kaya niya namang magdesisyon ng sarili niya and naniniwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya." I said.

Humiga ako sa hita ni Clark and he started to combed my hair using his fingers.

Pumikit ako dahil nilalamon na ako ng antok. Ayaw ko pang matulog at gusto ko pang makipagkwentuhan kay Clark.

"Ikaw ba? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Kharylle anong gagawin mo?" I asked him back.

"Hmm. Hindi ko susundin ang mga magulang ko, gusto kong maging independent at papatunayan sa kanila na kaya kong magdesisyon ng sarili ko, papatunayan ko sa kanila na kaya kong panindigan ang gagawin ko. Mahal ko sila, oo, ngunit hindi sa lahat ng bagay ay kaya ko silang sundin. Hindi naman porket hindi mo sila sinunod ay kawalan na ng respeto iyon at sasabihin na hindi mo sila mahal dahil sa totoo lang ay may gusto akong patunayan at gusto kong maging proud sila sa akin dahil naoagtagumapayan ko ang desisyon ko. Ayaw ko din silang madismaya pero dahil alam kong sa una palang na hindi ko pagsunod sa kanila ay madidisappoint na sila kaya ipagpapatulog ko na lang ang gusto ko."

Wow!

"Babe"

Napakurap kurap ako sa pagtawag niya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya at alam kong mababakas sa mukha ko ang pagkamangha sa mga sinabi niya dahil sa buong sagot niya ay sinugurado kong nakikinig ako sa kanya.

Pinitik niya ng mahina ang noo ko ngunit napa aray parin ako. Inirapan ko siya at umayos na ng higa para sa pagtulog.

Inaantok na kasi talaga ako at hindi ko na kayang labanan ang antok kahit gustuhin ko pang makipagkwentuhan sa kanya ay hindi ko na kayang pilitin pa.

Humiga na din siya sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod. Naramdaman kong hinalikan niya ang sentido ko at ang batok ko.

"Goodnight babe, sweet dreams. I love you." he said and this time he kissed my lips.

"G'night. Labyu too."







Grrr! Ang sweet naman kailangan ng magbreak HAHAHA jke. Enjoy reading labs!

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now