Chapter 24

12 9 2
                                    

Dedicated to: Isntshelably

One week had past and ganun lang ang nangyari, nawawala si Julia, Sheina at Kharylle. Sunod sunod na araw ang pagkawala nila. Bawat araw na lumipas ay may nawawala at hindi namin alam kung bakit at kung paano? Kapag hinahanap namin sila ay may nakikita kaming isang gamit nila. Gaya na lamang ng kay Julia, nakita naminang headband niya sa may ilalim ng puno ng mangga.

Samantalang kay Sheina naman ay panyo na lagi niyang dala dahil pawisan siya. Hindi buo ang araw niya kung wala siyang panyong kasama at ang kay Kharylle naman ay ang singsing na bigay sa kanya, probably her engagement ring.

Pabawas na kami ng pabawas at walang araw na hindi kami nagtatalo talo dito sa bahay. Gusto ko ng umuwi ngunit tinututulan nila ako dahil kailangan naming mahanap ang lahat bago umuwi. Gusto nila na buo kaming umuwi ng maynila kahit buhay na namin ang kapalit.

Naiiyak na lang ako sa isiping ano kaya ang magiging reaction ng mga magulang nila? Kamumuhian kaya nila kami? Yes, For sure dahil kami ang kasama nila, sa amin ipinagkatiwala ang mga anak nila at ang isasalubong namin sa kanila ay ang balitang wala na ang mga anak nila. Hindi ko kaya.

Kahit pagod, gutom, walang maayos na tulog, malamig sa isa isa ay hindi kami tumigil sa paghahanap sa kanila. Kahit papaano ay nagkakaisa kami para maghanap at kahit papaano ay may ngiti parin kami sa labi kahit sa kaloob looban ay nagdudusa at nakakaramdam ng pagkalumbay.

Gusto na namin silang mayakap, mahalikan at makasama ngunit paano? Paano kung 'yung hinihintay namin ay wala na? Paano kung bangkay na lang ang makita namin?

' Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtatalo talo kami dahil hindi nila matanggap kung mamatay ang mga kaibigan namin. Hindi namin matatanggap dahil una sila ang kasiyahan ng bawat isa.

Sa mga nagdaang araw din ay lagi akong nananaginip at walang bago sa panaginip ko, ganun parin puro pagpatay ng kung sino man ang mamatay taong 'yun at kung sino sino ang mga laman ng panaginip ko dahil hindi ko sila mamukhaan. Dugo, patalim at mga nagmamakaawa lang nila ang naririnig ko.

"Gaano ba kalalim 'yang iniisip mo at masyado kang lunod na lunod? Pwede na bang mag dive dyan? Kidding."

"Sorry, madami lang iniisip."

I said to Alex and sigh heavily.

"Hmmm... Wala na tayong time sa isa' t isa. Nakakamiss 'yung bonding natin kailan kaya mauulit 'yun? I guess hindi na kasi hindi na tayo kumpleto."

Humarap ako kay Alex dahil nakatagilid ako sa kanya. I cupped her face and wipe her tears.

"Hala! Umiyak pala ako, masyado na akong emotional this past few days. Buntis ata ako." Sabi niya at humagikhik pa.

"Tsk! Umayos ka nga, 'wag mong gawing biro ang pagbubuntis. Pero seryoso? Buntis ka? Kyaaah!"

Tumango siya habang nakangiti ng pagkatamis tamis.

"Si Blake kasi sabing 'wag ipinutok sa loob"

"Punyeta ka! Need pa bang sabihin 'yan? Arrrg!"

"Hoy! Ang kapal ng face mo, akala mo naman di ginagawa. Anyway, hindi pa naman ako sure kung buntis ako and walang pregnancy te-"

"Sinong buntis?!"

Napalingon kaming pareho ni Alex kay Blake na ngayon ay gulat na gulat ang mukha.

"Ako, bakit?" Alex confidently said.

"Buntis ka, baby?" Ulit na tanong ni Blake.

"Hmm.. Oo buntis ako at hindi ikaw ang ama."

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now