Chapter 26

11 8 1
                                    

Dedicated to: libanmarian

"Sabihin mo na ang totoo Sanchi!"

"Ano ba?! Ano bang gusto niyong malaman at kailangan niyo pa akong igapos!"

"Sabihin mo na ang totoo na ikaw talaga ang killer! Ikaw ang pumatay sa mga kaibigan natin diba? Ikaw!"

"Ganu'n ba kadali sayo na pagbintangan ako ha? Clark?"

"Just tell us the truth."

Ang sakit lang isipin na ang taong mahal na mahal ko ay siya rin pala ang taong wawasak sa puso ko. Oo, winasak niya ang puso ko simula nang malaman niya na may mga patalim at mga gamit na may bakas ng dugo sa ilalim ng kwarto namin.

Hindi ko alam kung saan galing ang mga 'yun at hindi ko alam kung paano napunta ang mga ganung bagay sa kwarto namin at ang malala pa ay ang bilis magbintang ni Clark na ako ang killer. Hindi kaya-

"Ano Chi? Hindi ka makasagot dahil nagiguilty ka? Hindi ka makapagsalita dahil hindi mo maamin sa amin na ikaw ang killer?!"

"How dare you to say that to me ha? Clark?! You don't have proof! Where's your proof ha? Diba wala? Ang galing mo naman! Funny mo Clark pwede ka ng kunin ni satanas para maging clown sa impyerno!"

"Sanchi! Ano ba 'yang sinasabi mo? Napaghahalataan ka na ikaw nga ang killer!" April shouted.

Isa pa itong si April ang bilis bilis magbintang ng wala ding pinapakitang ebidensiya. Si April at Clark lang ang ganun ang tingin sa akin, samantalang ang iba ay naaawa sa akin at bakas ang pag-aalala dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan at alam nila 'yun.

"All this time, nagmamahal pala ako ng isang mamatay tao at laking pagsisisi ko dahil nabulag ako. You know what? You're nothing but a demon that pretending to be an angel."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon na dumurog sa puso ko ay tumalikod na siya at walang lingon likod na lumabas ng basement.

Clark.

Yes, kinulong nila ako dito sa basement at hindi ako makakaalis dahil nakagapos din ako at ang tanging makakapagkalas sa akin ay si Clark at April dahil nasa sa kanila ang susi.

"I'm sorry, Chi. Don't worry, I'm not blaming you. I know that you're innocent and you are my best friend. Ok? I love you."

Tumango ako bilang sagot sa sinabi ni Alex at sa mga ibang kaibigan pa. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nanlalabo man ay pinilit ko paring ngumiti kagit masakit.

Isa isa silang nagpaalam sa akin at iniwan na akong mag-isa sa dilim. Hindi ko sila masisisi dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Pinikit ko ang aking mga mata ko at niyakap ang sarili ng dumampi ang malakas na hangin sa balat ko. Nilipad ang ilang hibla ng buhok ko at bigla akong nanginig sa dala nitong lamig.

Ngayon ramdam ko ang pagiging mag-isa sa sa dilim at ilalim ng buwan. Ramdam ko ang pagdurog ng puso ko at ang sakit ng mga binitawang salita ng mahal ko.

Bakit ganito ang nangyayari sa amin?

"Do you like your new room?"

Agaran kong iminulat ang mga mata ko ng may marinig na hindi ko kilalang nagsalita. Nilibot ko ang paningin ko sa buong basement at wala akong nakitang taong naroon. May munting liwanag ng buwan na masisilip sa bintana kaya sapat lang ito para gawing ilaw.

"Who the hell are you?! Ha?!"

Pasigaw kong tanong para marinig ng kung sinoman ang lapastangan na magsalita.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now