Chapter 4

37 7 27
                                    

Dedicated to: ArabellaGraceLuna

"Sanchi tinawagan mo na ba sila bella? Ang tagal naman ng sundo natin." Alex asked me about the other girls.

"Oo nga kanina ko pa tinawagan ang sabi nila on the way na daw sila." I answered.

We decided to take a break. Magbabakasyon kami sa probinsya nila April. Mag iisang linggo na ng mamatay ang magulang ni Alex at Sophie kaya naisip namin na mag hang out.

Nag volunteer si April na sa probinsya nila muna kami magbabakasyon at agad naman kaming pumayag and hindi pa kami nakakapunta doon.

Matagal na naming kaibigan si April at ngayon lang niya naisipan na dalhin kami sa lugar kung saan siya lumaki.

Hindi lang kaming lima ang pupunta, kasama na din ang iba pa naming mga kaibigan, meaning marami kami. Isasama pa nga nila mga jowa nila para daw may kasama kaming lalaki.

Ang boyfriend naman ni Alex ay susunod na lang daw, siguro kinaumagahan darating na sila, kasama ang boyfriend ko of course.

"O m to the g to the f! Gosh grabe ang glow up mga sis!"

Naglaho ang mga iniisip ko ng biglang may nagsisisigaw papasok ng bahay.

Bumaling ako sa mga girls na kadarating lang. Hindi pa rin nagbabago maingay pa din si Arabella.

"Gaga ka mas nag glow up ka nga eh kaso 'yung hinaharap nga lang."

We laughed at what April said.

"Mas gaga ka 'no, hindi ka parin nagbabago kontrabida ka pa din hmmp." Arabella said and she rolled her eyes.

Napailing na lang ako sa bangayan nila na sinalihan naman ni kharylle at Julia.

"Nasaan si Sheina?" Tanong ko sa mga bagong dating na kaibigan.

"Girl, She's busy kaya hindi siya makaka join sa'tin. Susunod na lang daw siya together with her boyfriend."

"Edi sabay sabay na lang sila nila Khierho kasi susunod lang din naman sila sa atin."

"Who is Khierro hmm?"

"Oo nga sino naman 'yang Khierro na 'yan?"

"Baka naman bebe ni Alex."

Curious nilang tanong.

"Mga chismosa. Of course bebe ko 'yun, sa ganda ko ba namang ito. Kulang na lang talaga si Sheina para buo ang power puff girls."

"Nahiya naman kami sa inyo na the bitches. Kumpletong kumpleto 'di na ako magugulat kung may nag away isa sa inyo."

"Pakialam mo naman kung may nag away sa amin? Gusto mo ikaw awayin ko huh? Kharylle?"

Napailing iling na lang ako at inayos na ang mga gamit namin.

"Eh kung tulungan niyo na kaya ako na dalhin itong mga gamit sa sasakyan 'no? Hindi 'yung puro kayo daldal d'yan wala namang kabuluhan." Pagsusungit ko.

Kunware naiirita ako para effective pero mukhang nagkamali ako.

"Uyy si master nagsusungit. Hindi bagay sayo girl."

"Bakit parang pabebe 'yung pagsusungit mo?"

Ito na nga ba sinasabi ko iinisin na naman nila ako.

Sana pala 'di na lang ako nagsalita. Inaapi na naman nila ako at ito namang si Alex nakisali pa.

"Ok lang ba kayo Sophie at Alex? Nabalitaan namin ang nangyari." Kharylle asked.

"Yeah, I'm fine. Masakit pero kakayanin, hindi ko pa tanggap pero kailangang tanggapin."

"Same with Alex."

"Ano ba kayo, nandito tayo para mag bonding ok? Para kalimutan muna ang problema kahit pansamantala lang. Kaya we better go na at baka maabutan tayo ng dilim."

"Yeah I agree with Bliss. Kaya tara na. " I said to them at nauna ng sumakay sa sasakyan.

Ang magmamaneho ay si Julia. Siya lang kasi ang marunong magmaneho sa aming magkakaibigan. Marunong ang iba pero hindi pa masyadong bihasa, kaya si Julia na lang. Kung ang iba ang magmamaneho ay baka makarating kami agad sa langit ng wala sa oras.

Pinaandar na ni Julia ang kotse at nag umpisa na namang mag ingay si Bella. Hindi talaga mapipigilan ang bunganga nitong babaeng 'to.

Ngawa ng ngawa. Hindi ba siya napapagod? Sa bagay masaya rin naman kapag may maingay pero minsan nakakairita kapag nasobrahan.

" 'Yung last ex ko ang kapal ng mukha pinagpalit ba naman ako at ang masaklap pa du'n ay 'yung enemy ko ang ipinalit sa akin. Gosh hindi ko lang maatim na pinatulan niya 'yung babaeng 'yun." Pag kwekwento ni Bella sa amin tungkol sa ex boyfriend niya na pinagpalit daw siya.

"Buti na lang nakilala ko si Shoto, hindi niya ako iniwan noong panahong kailangan ko ng karamay." She added with kinikilig effect pa.

"Gaga. Ang harot mo 'no nandito naman kami tapos may pa Shoto ka pang nalalaman." Kharylle said at pabirong hinampas si Bella sa balikat.

"Enough na, I want to sleep right now kaya 'wag kayong maingay napuyat ako kagabi." Alex said to everyone.

Tumahimik naman ang lahat at binaling na lang ang attention nila sa kanya kanyang cellphone.

Basta kapag si Alex talaga ang nagsalita ng pataray wala ng laban ang iba, si April lang naman ang mahilig kumontra kay Alex kaya hindi na matatapos ang bangayan ng dalawa. Si April lang ang may lakas ng loob na sumabat o kumontra sa amin.

Lahat na lang ng sasabihin ng iba kokontrahin niya. Straightforward din siya minsan lahat ng gusto niyang sabihin, sasabihin niya kahit pa bastos ito. Kaya minsan nahahawa kami sa kanya eh.

Kung ano ano ba naman pinagsasasabi at pinagtututuro sa amin.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng tumunog ang cellphone ni Alex. Siguro boyfriend niya ang tumatawag.

"Alex, your phone is ringing. Someone is calling." Sabi ko habang ginigising siya at tinatapik ng mahina ang kanyang pisngi.

Naalimpungatan siya sa panggigising ko sa kanya. Sasabihin ko na sana na tumutunog ang cellphone niya pero naunahan niya na ako. Sinagot niya kung sino man ang tumatawag.

"Hi babe!" Pambungad niya sa kausap.

Ayaw kong makinig sa usapan nila kaya naman unti unti kong ipinikit ang mga mata ko.

Nang pumikit ako ay siyang paglakas ng tibok ng puso ko.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa loob ng sasakyan.

Nagtama ang paningin namin ni Julia sa rearview mirror.

"Are you ok?" She asked.

"Yeah, I'm fine. Don't mind me just focus on driving."

Tumango lamang siya. Naawa naman ako bigla kay Julia. Ilang oras na siyang nagmamaneho at wala pa siyang pahinga, kung alam ko lang sana magmaneho ay papalitan ko siya eh ang kaso hindi pa ako ganu'n kagaling sa pag drive, baka mabunggo ko lang at madamay pa sila.

Tinuloy ko ang naidlip kong pagtulog. Sana paggising ko ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Hindi naman kami maliligaw dahil may sinusundang map si Julia.

Nakatulog ako ng maraming iniisip, gaya ng kung ano ang kalalabasan ng bonding namin.

Sana maging masaya ang kalalabasan. Gusto naming makalimot sa mga problema kahit pansamatala lang. Gusto naming i enjoy ang pagkakataong ito dahil baka hindi na maulit dahil aalis na naman ang iba.

Alam kong busy ang iba at may kanya kanya ng buhay. Kaya sana maging masaya ito.

Sana.

Enjoy reading, labs!

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now