Chapter 25

13 9 3
                                    

Dedicated to: GlZa31

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Clark kagabi. Napansin ko ding iniiwasan ako ni April na para bang may malala akong sakit at ayaw niyang tumabi sa akin. Si Clark naman ay masyadong madikit kay April at hindi ako natutuwa. Para bang may tinatago sila na silang dalawa lang ang nakakaalam.

Binati ko kanina si April dahil kaarawan niya ngayon at imbis na magsaya ay naiinis ako dahil kanina pa sila ni Clark nagkakatuwaan. Panay ang titigan nila at hindi alintana ang mga titig ko.

Ano 'yan? may comeback na bang nagaganap?

Sa sobrang inis ko ay padabog kong binitawan ang kubyertos na siyang nakaagaw ng atensyon ng lahat. Natigil ang usapan ng lahat at ngayon ay sa akin na nakatuon ang kanilang mga atensyon.

Inirapan ko sila isa isa at tumayo para bumalik sa kwarto. Nawalan na ako ng ganang kumain, siguro mamaya na ko na lang itutuloy kapag wala na sila sa kusina. Badtrip!

"Ano? Sila na ba ulit? Niloloko ba ako ni Clark ng patago? Ano? May titigang nagaganap sa pagitan ng mag ex na para bang wala ako sa paligid at silang dalawa lang na with pa slow motion ganun ba?! Pwes! Ang pangit ng eksena! Hindi bagay! Ang pangit! Kasing pangit ni April! Arrrghhh!"

Pinagbabato ko ang mga unan at mga bagay na madampot ko dahil sa sobrang inis!

"Hindi ba sila marunong makiramdam?"

Nasabunutan ko ang sarili ko at napatulala na lang sa kisama. Kung ano anong eksena ang pumapasok sa isip ko at hindi ko ito matanggap dahil masyadong mala fictional ang ganap, 'yung imposibleng mangyari in real life. 'Yung mga eksenang nakakakilig! Damn it!

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko ito nilingon dahil alam ko na kung sino. Ha! Bakit siya nandito? Dapat nasa labas na lang siya kung nasaan si April!

"Babe! What the? What are you doing? What's wrong with you?" Aniya at niyakap ako.

Nagpumiglas ako sa yakap niya ngunit  masyado siyang malakas kaya wala akong ginawa kundi ang sumiksik sa kanya.

"Bakit ka nandito? Doon ka na lang kung nasaan si April tutal masyado naman na kayong malapit sa isa't isa. Alis na." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagtulak sa kanya.

"Babe"

No response.

"Babe, Please talk to me."

Hindi pa din ako sumagot.

"Babe, kung nagseselos ka 'wag mo na ituloy."

Ako? Magseselos? As if naman!

"Babe! Listen to me, ok? Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. Kung ano man ang nakikita mo ngayon ay wala iyon, gusto ko lang ng walang ilangan na nagaganap sa pagitan naming dalawa. Alam niya naman kung sino ang mahal ko at hindi na maghahabol pa."

Naghahabol, Pffffttt. Pogi ka?

"Eh, bakit parang may sikreto kayong dalawa? Panay ang titigan niyo tapos required bang mas malapit sa isa't isa kapag nagbubulungan?!"

Tsk! Kaka badtrip talaga.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ito. Nagtama ang aming mga paningin at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti niya. Aba! May gana pa siyang ngumiti!

"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" Sabi ko ng mas lalo siyang ngumiti.

Hindi ako papadala sa mga ngiti mo! Akala mo ah!

"Ano ba! 'Wag ka ngang mgumi-"

Naputol ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng halik sa labi. I didn't response pero masyado siyang mapusok para hindi ko matanggihan.

Wow Self! Halik lang bumibigay ka na!

"I'm"

Halik.

"Sorry"

Halik.

"Babe."

Halik.

Ok, Ako na marupok. Pasensya na ha, godbless.

Lumabas kami ni Clark para makisama sa celebration ng birthday ni April kahit na walang gaanong handa ay icecelebrate parin namin. May mga alak pa kaming hindi nauubos dahil hindi kami madalas uminom. Wala kaming oras para magsaya sa mga nagdaang araw kaya tambak ang mga inumin na dapat ay para sa mga gabing lilipas.

Dumaan ang gabi at tuloy parin kami sa pag celebrate. Nag inuman, nagkantahan, nagsayawan at kung ano ano pang pakulo ang maiisip ng isa.

Tumayo ako ng maramdamang naiihi ako. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya natumba ako pero nasalo agad ako ni Clark dahil patago niya pala akong inaalalayan. Shit! Kaya ayaw kong uminom eh!

Inalalayan ako ni Clark hanggang sa makarating kami sa CR. Pumasok ako at agad na umupo sa inidoro para umihi. Nakapikit ako habang naglalakad papunta dito dahil sa kalasingan.

"Babe?"

"Hmmm?"

"Tapos ka na ba?"

"Yup"

Tapos na ako pero hindi pa din ako tumatayo para lumabas dahil feeling ko ay nasusuka ako tuwing naglalakad.

Hindi ko napansin na pumasok pala si Clark at agad niya akong pinatayo para ayusan.

"Babe?" Pagtawag ko kay Clark.

"Hmmm?"

"Kung malalaman mo kung sino ang killer, ano ang gagawin mo?" I suddenly asked.

"I don't know." Pabulong niyang sagot habang inaayos parin ang pantalon ko.

"Paano kung nasa isa pala nating kaibigan ang hinahanap natin? Paano kung ako? Paano kung sila nga? Ano gagawin mo?"

Hinalikan niya muna ako sa labi bago sumagot.

"Hindi ko pa alam babe at imposibleng nasa isang kaibigan natin ang killer."

Binuhat niya ako ng matapos niyang ayusin ang pang ibaba kong suot. Lumabas kami ng banyo habang buhat buhat ako at ako naman ay nakapikit lang dahil hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko.

"Weak ka pala Sanchi!"

Hindi ko alam kung sino ang nagsabi nun pero nasisiguro kong mananagot siya sa akin bukas.

Naramdaman ko na lang na inilapag ako ni Clark sa kama. Akmang tatayo ako pero nakarinig ako ng kalabog. Kalabog ng pagkahulog ko sa kama.

Aww.

"Babe!"

Tumawa ako na parang nababaliw dahil sa sigaw ni Clark ang OA. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa akin para buhatin pero hindi muna ako nagpabuhat, nagpabigat ako at bumagsak ang katawan niya sa katawan ko.

Minutes had passed pero walang umimik sa aming dalawa, baka nakatulog na si Clark? Pinilit kong iminulat ang mata ko at tinignan si Clark na nasa ilalim ng kama nakatingin.

Nilingon ko ang tinitignan niya at nagulat ako sa nakita. Sa sobrang gulat ay naitulak ko si Clark na ngayon ay wala pa din sa katinuan.

What the hell is that?

Akmang sisilipin ko ulit ang ilalim ng kama ng makita ko si Clark na nakatulala pa din. Humakbang ako palapit sa kanya pero pinigilan niya ako.

" 'W-ag.. 'Wag kang lalapit!"

Pagkasabi niya nun ay tumayo siya at agad na nagtungo sa pintuan para buksan ito. Nang mabuksan niya ay nagmamadali siyang tumakbo palabas ng silid namin.

Samantalang ako ay naiwan dito sa kwarto na nakatulala dahil sa mabilis na pangyayari.

What the fuck?

Ano ang mga bagay na nasa ilalim ng kama namin ni Clark? Bakit ganun na lang ang reaction ng boyfriend ko?


Uwu ano kaya 'yun? HAHAHA. HAPPY BIRTHDAY TO MY INTERNET FRIEND, APRIL TANDINGAN! STAY MAHANGIN. MWA♡︎

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now