Chapter 27

14 8 7
                                    

Dedicated to: maycalvez

"Babe, you know how much I love you right?"

"Oo naman kaya nga ikaw ang minahal ko at mamahalin ko habang buhay."

"Ok. I'll keep that in my mind, promise me that kahit anong mangyari hindi natin iiwan ang isa't isa. Kahit anong mangyari mananatili tayo sa tabi ng isa't isa at magdadamayan."

"Pangako, hindi ako bibitaw kahit anong mangyari. Promise, cross my heart tapon susi!"

Hindi mahinto sa pagtulo ang luha ko dahil sa mga ala-alang naisip. Iniisip ko ang mga panahong magkasama kami at gusto ko na manatili parin sa puso't isip ko ang mga ala-ala namin ng mahal ko.

Masakit pero kakayanin.

Ang makitang magkayakap at magkasama ang taong mahal ko at ang taong dati niyang minahal ay siyang nagpadurog ng puso ko.

Nasa balkonahe silang dalawa at masayang nag uusap habang magkayakap at ako? Ako na walang magawa kundi panoorin silang dalawa sa ilalim ng buwan. Saksi ang buwan sa pagluksa ko at sa pagwasak ng buong pagkatao ko.

Gusto ko silang saktan, gusto ko silang  sigawan pero paano? Hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ako parin ang pinaghihinalaan na killer. Kung gagawin ko ang nasa isip ko ay mas lalo nila akong iiwasan at paghihinalaan.

Wala akong ginawa kundi panoorin silang dalawa at nang hindi ko na kaya ay tumakbo ako palabas ng bahay at nagtungo sa gubat. Sa gitna ng gubat ko binuhos ang lahat. Umiyak, sinigaw ang mga hinanakit at nang mapagod ay nanlulumo akong napaupo.

Ang mga tuyong dahon ay siyang nakaramay ko dahil gaya ko ay ganun din sila. Natuyo, hindi na kayang kumapit kaya bumitaw at nahulog sa lupa at ako ay ganun din. Nahuhulog ako ng paunti unti dahil sa sobrang hina ko at hindi ko kayang lumaban.

Napalinga linga ako dahil may narinig akong sigaw at napagtanto kong galing ito sa loob ng bahay. Kinakabahan man ay tumayo parin ako at inayos ang sarili. Nagsimula akong maglakad pabalik sa bahay para tignan kung ano na ang nangyayari. Umihip ang panggabing hangin kasabay ng pagbasak ng mga bagay sa loob at ang malalakas na sigaw ni Alex.

Nagmadali akong nagtungo sa pintuan para pumasok ngunit nakalock ang pinto. Sinubukan ko itong buksan ngunit hindi ko kaya. Kahit anong sipa at tulak ko ay ayaw paring bumukas.

"Khierho!"

Narinig kong sigaw ni Alex sa pangalan ni Khierho mula sa loob.

"Alex! Khierho! Clark! Shoto! Buksan niyo itong pinto!" buong lakas kong sigaw ngunit tila walang nakarinig dahil walang sumagot at nagbukas ng pinto.

" 'Wag!'wag mo akong papatayin please, nagmamakaawa ako may buhay sa loob ng tiyan ko. My baby."

"Alex! Buksan mo itong pinto!"

"S-sanchi! T-tulungan mo ako!"

"Paano kita tutulungan kung nakasara ang pinto? Hindi ako makapasok!"

Nag isip ako ng paraan kung paano makakapasok sa loob ng bahay. Tumingala ako at nakitang nakabukas ang pintuan sa balkonahe. Umakyat ako sa puno ng mangga dahil ito ang malapit sa balkonahe. Nang makaakyat ay pumunta ako sa sanga nito at nang nandun na ay tinalon ko ang balkonahe.

Bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig at hindi alintana ang sakit sa katawan. Tumayo ako at tumakbo patungo sa pintuan at pumasok na sa loob ng bahay. Bumaba ako ng hagdan at nakita si Alex na hirap na hirap tumayo mula sa pagkakahilata sa sahig. Duguan ang kanyang mukha at sapo sapo niya ang kanyang tiyan.

"S-sanchi, sa likod mo!"

Dahil sa sigaw ni Alex ay natauhan ako at agad na nilingon ang kung sinuman ang nasa likod ko. Akmang ihahampas niya sa akin ang kahoy ng mapigilan ko ang kanyang kamay.

Sinubukan kong agawin ang kahoy sa kanya ngunit malakas siya kaya naman habang hawak ang kahoy ay umikot ako at humarap bigla para sipain siya. Oo, marunong akong lumaban dahil tinuruan ako ni Shoto.

Buong lakas ko siyang sinipa kaya naman napaupo siya at sapo ang kanyang tiyan kung saan tumama ang sipa ko at nabitawan niya ang kahoy. Kinuha ko ito agad at pinalo ang kanyang batok para mawalan ng malay. Nang napahiga siya sa sahig ay sinigurado kong wala na siyang malay bago puntahan si Alex.

Tumakbo ako papunta kay Alex at inalalayan siyang tumayo para dalhin sa sofa. Nang makaupo ay agad ko siyang tinanong kahit hindi niya pa kayang magsalita. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari at kung nasaan sila Clark.

"Anong nangyari, Alex? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang mga lalaki?"

"C-chi, w-wala na si Clark. P-patay na siya."

"Huh?! P-papaanong nangyari iyon?"

"Si S-shoto at B-Blake n-naman ay nawalan ng malay dahil sa pinainom sila ng pampatulog dahil gusto ng killer na brutal ang pagpatay kaya pinainom niya ng pampatulog ang dalawa dahil hindi niya kayang patayin ang dalawa. Ako ang sinunod niyang patayin dahil alam niyang mahina ako at hindi ko kayang lumaban. Inuna niya si Clark dahil magkasama silang dalawa kanina at habang magkayakap ay doon na siya umatake para saksakin at patayin si Clark."

Dahil sa mga nalaman kay Alex ay mas lalo akong nagalit at hindi ko mapigilan na puntahan ulit ang pumatay sa lalaking mahal ko. Sinabunutan ko siya at sinampal gamit ang kahoy. Sasamantalahin ko itong pagkakataon na ito hanggat hindi pa siya nagigising dahil alam namin na sa oras na magkaroon siya ng malay ay hindi siya magdadalawang isip ng patayin kami.

Hindi ko kayang pumatay gaya niya kaya pinatili kong buhay pa din siya, duguan nga lang ang kanyang mukha dahil sa pagpalo ko ng kahoy.

Tama nga ang hinala ko na siya ang killer hindi lang ako nagsalita at nawala na lang bigla ang paghinala ko sa kanya. Oo, sinabi kong ni minsan ay hindi ko siya pinaghinalaan pero nagsinungaling ako dahil alam ko sa sarili ko na pinaghihinalaan ko siya kasi ayaw kong masaktan ang damdamin niya.

Ngunit nagkamali ako dahil ang mga kagaya niya ay hindi na kinakaawaan pa. Pinatay niya ng walang awa ang mga kaibigan ko at gusto ko siyang papatayin ng walang awa. Gusto kong gawin ang mga ginawa niya ngunit hindi ko kaya dahil hindi ako katulad niya. Mananagot siya sa mga kasalanan niya at kailangan niya iyong panagutan.

Kinuha ko ang posas sa basement para igapos siya, kumuha na rin ako ng lubid para igapos sa katawan niya at siniguradong hindi na siya makakatakas para lumaban. Nang masiguradong hindi na siya makakatakas ay agad kong pinuntahan si Alex na ngayon ay tulog na at iniinda ang sakit sa parteng tiyan.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ni Alex at hinaplos haplos ito. Bahagya siyang napaigtad ngunit agad ko rin siyang pinakalma.

O my god. Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa baby ni Alex. Tandaan mo iyan April.

Yes! Si April ang killer. Lahat ng mga napaginipan ko ay totoo at wala akong ginawa kundi panoorin siyang pinapatay ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagigising sa tuwing pumapatay siya.

All this time, Minahal namin ang isang mamatay tao. Minahal ka namin April, tinuring na kapatid ngunit ito lang ang igaganti mo. Bakit? Bakit mo nagawa ang lahat ng ito? Anong kasalanan namin sayo?

I'll make sure that you'll gonna pay for this, April.


Uwuuu. Killer reveal HAHAHHAA. So, ayun may ud na! Before this day end, I just want to great a happy birthday to one of my internet friend, Khierho Blake! Yeheyy labyu, pre♡︎

Enjoy reading labs! ♡︎

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now