Chapter 16

21 7 5
                                    

Dedicated to: Xherania

"Guys! Nakita niyo ba si Sophie? Hindi ko kasi siya makita at nung paggising ko wala na siya sa tabi ko. Hindi din kami sabay natulog kagabi kasi inaantok na ako."

Humahangos na sabi ni Bliss nang pumasok siya ng kusina.

Nandito kaming lahat sa kusina at si Sophie lang ang wala. Napansin ko ngang nagpaiwan siya kagabi sa garden kung saan kami tumambay at nagliwaliw.

Sinabi niya na mauna na kaming pumasok sa loob at susunod naman siya. Alam naming may problema siya at handa kaming makinig sa mga sasabihin niya kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay at iniwan siyang mag isa.

Hindi namin alam kung pumasok ba siya sa loob ng bahay at nakakapagtaka lang na nawawala siya ngayon dahil nagpapaalam naman siya sa amin o kaya kay Bliss kung aalis man siya.

Kumain muna kami ng agahan at nagsimula na kaming maghanap at inuna sa may ilog baka tumambay o naligo lang siya doon.

Nang makarating kami sa baba ay wala kaming Sophie na nakita. Pumunta kaming lambak para siguraduhing wala siya talaga doon at tama nga kami walang Sophie at tanging tsinelas niya lang ang nakita namin.

Nagtatakang kinuha ko ang tsinelas ni Sophie at naalala na hindi siya nagtatanggal ng tsinelas dahil ayaw niyang masugatan ang kanyang paa.

"Kay Sophie 'yan ah?" Si Bliss at hinablot ang tsinelas sa kamay ko. "Ibig sabihin nandito siya, nandito lang si Sophie." Sabi niya na parang nabuhayan.

Kung nandito si Sophie, nasaan siya? Kung nandito siya dapat kanina pa siya nagpakita, kung lumangoy man siya ay kanina pa dapat siya umahon para huminga.

"Sigurado ka ba d'yan Bliss? Kasi kanina pa tayo nandito pero walang Sophie na nagpapakita." Sabi ni Arabela na mababakas din ang pagtataka at pag aalala sa kanyang mukha.

"Sophia Jane! Lumabas ka na hindi ka na nakakatuwa!" Bliss shouted.

Nag umpisang magsituluan ang kanyang luha at aligagang bumaba sa lambak. Sumunod kami sa kanya at baka kung ano ang gawin niya dahil kung tutuusin mas close sila ni Sophie kaysa sa amin. Para na silang magkapatid gaya ng sa amin ni Alex.

" 'Wag na kayong magsayang ng oras dahil halata namang walang Sophie na mahahanap dito mabuti pa't lumipat na lang tayo ng lugar at baka nandyan lang siya sa paligid."

Nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan sa sobrang lamig ng boses ni April. Tinignan ko siya at inaalam kung may alam ba siya sa nangyayari ngayon pero nabigo lamang ako dahil hindi ko siya mabasa at ang hirap niyang pakisamahan.

"May alam ka ba sa nangyayari ngayon April?" Hindi ko na napigilang komprontahin siya.

Umirap siya at kitang kita ko kung paano niya akong irapan na parang ang tanga tanga ko.

"Kung may alam ako sa nangyayari ngayon ay hahayaan ko ba ang sarili kong mapagod? Hahayaan ko bang sumama sa inyo kahit wala namang kahahantungan ito? Hindi diba? Kaya tigil tigilan mo ang ganyang tingin Sanchi dahil wala akong alam."

So defensive hmm.

"Ano bang pagkakaintindi mo sa pagtitig ko sayo?"

"Tinititigan mo ako na parang ako ang may kasalanan! Nang aakusa ang mga tingin mo at parang ako ang pinagbibintangan mo!" She shouted.

Dahil sa pagsigaw niya ay nagtinginan sa amin ang mga kaibigan namin na may pagtataka sa kanilang mukha.

"No! Nagkakamali ka, hindi kita pinagbibintangan ni hindi ko nga 'yan naisip eh. Ikaw lang ang nagbibigay ng malisya!" I shouted back.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now