EPILOGUE

17 8 14
                                    

Hi labssss! This is the last part of my story, Maraming maraming salamat  po sa suportang binigay niyo sa akin mula umpisa hanggang sa huli.

I dedicated this story to my friends/family who's always there to support me, The POPCAKES FAMILY.



After 5 years......

"Mamaaaaaaaa!"

"Mamaaaaaa!"

"Mamaaaaaa koooo!"

Napabuntonghininga na lang ako sa sobrang kakulitan ni Clark. Kanina niya pa ako tinatawag at sinasagot ko naman ngunit paulit ulit lang siya kaya hindi na ako sumagot. Nandito ako ngayon sa kusina para maghanda ng meryenda ni Clark dahil gutom na daw ang baby ko.

Yes, Clark ang pangalan ng anak namin Clark dahil kamukhang kamukha niya ito at he always reminds me my love of my life. Sa tuwing nakikita ko ang baby ko ay nakikita ko rin ang mahal ko. Nandito parin ang sakit na iniwan ng kahapon at parang permanente na itong mananatili sa amin.

"Mamaaaaaaaa!" Clark shouted again.

"Yes, baby?" Pasigaw ngunit malambing kong sagot.

"Nandito po si Papa!"

Dahil sa sinabing iyon ni Clark ay nabitawan ko ang spatula na hawak at nagsanhi ito ng ingay.

Damn it!

Hindi parin ako sanay na may ibang tinatawag si Clark ng papa dahil gusto ko isa lang ang dapat niyang tawaging papa ito ay ang kanyang tunay na ama. Ngunit magiging makasarili ako kung ipagkakait ko ang kagustuhan ng anak ko dahil napamahal na rin siya kay Shoto. Oo, si Shoto ang lagi niyang tinatawag na papa at naiilang parin ako hanggang ngayon.

Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi ko parin makalimutan ang mga masasalimuot na nangyari noon. Masaya naman na kami ngayon kahit papaano pero hindi talaga namin matanggal ang bakas ng kahapon sa aming isipan.

"Hey!"

Napaigtad ako sa biglang pagtawag  ni Shoto sa mula sa likod ko. Napalalim masyado ang pag-iisip ko kaya hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala siya.

"Hey" I greeted back.

"Are you ok? Tulungan na kita."

"Oo naman. Hindi na patapis naman na ako eh, doon ka na lang sa sala para may kalaro si Clark. Susunod ako."

Tumango naman siya at tinignan muna ako bago lumabas ng kusina para bumalik sa sala. Buti na lang at nakinig siya dahil naiilang ako sa presensiya niya. Sa nakalipas na taon maraming nagbago, Si alex at Blake kinasal na at may dalawang anak na sina Alexis at Alexander. Samantalang si Shoto naman ay isa ng CEO ng kumpanya nila, simula ng mamatay si Arabella ay hindi na siya naghanap pa ng babae but this year nalaman ko na kaya pala siya malapit sa akin ay nahulog na ang loob niya. Inisip ko noon na baka ang anak ko lang ang dahilan kung bakit sweet siya sa amin pero nagkamali ako dahil ngayong taon mismo ay sinabi niyang liligawan niya ako.

Nung una hindi ako pumayag dahil si Clark lang talaga ang mahal ko pero inisip ko na baka pwede pa? Baka kaya ko pang magmahal ulit? Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin.

Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga ng dahan dahan. Nilagay ko sa tray ang mga meryenda na inihanda ko at lumabas na ng kusina para puntahan ang dalawa.

Pagkalabas ko ng kusina ay siyang umalingagaw sa buong bahay ang tawa ni Clark at Shoto na masayang naghaharutan sa sala. Napangiti naman ako bigla dahil sa nasaksihan. Lumingon sa akin si Shoto ng maramdaman ang presensya ko. Nagtama ang paningin namin at hindi ko maiwasan na pamulaan ng pisngi.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now