Chapter 13

15 7 3
                                    

Dedicated to: Chryssa_Faith

"What do you want?"

"I want you back, Clark. Please, ayusin natin itong relasyon natin. Diba mahal mo ako? Diba sabi mo maghihintay ka? Diba sabi mo hindi mo ako kayang mawala? Heto na ako oh, lumalapit na sayo."

Clark laughed at what April said.

I went out to get water when I heard noise coming from the terrace. Hindi ko naman sinasadya na marinig ang usapan nilang dalawa.

I went close to the the terrace at pinagpatuloy ang pakikinig.

Napabuntong hininga si Clark na para bang nawawalan na ng pasensya.

"Nagpapatawa ka ba? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Anong relasyon? Huh, April? Anong sinasabi mo d'yan? Simula nung iniwan mo ako naputol na ang ugnayan nating dalawa. I was begging you that time na 'wag akong iwan, na 'wag kang umalis dahil hindi ko kaya, pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako sa ere tapos babalik ka na parang walang nangyari? Gusto mo akong bumalik sayo? Gusto mong mahalin ulit kita ngayong may mahal na akong iba? No. I can't do that and I'll never do that." Mahabang sabi ni Clark.

I covered my mouth to avoid making noise. Naiiyak ako. Naiiyak ako hindi dahil sa sakit kundi naiiyak ako dahil sa saya, dahil natagpuan ko na ang taong magmamahal sa akin ng lubos.

Nakita kong punong puno na ng luha ang mukha ni April. Hindi man lang ako makaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

I remained standing there.

"C-clark, love. A-Alam kong m-mahal mo pa ako diba? Mahal mo pa ako hanggang ngayon, pinagseselos mo lang ako diba? Ginagamit mo lang si Sanchi diba? Please answer me Clark. Please tell me that you love me until now. Sabihin mong mahal mo ako dahil mahal na mahal kita. Hindi nawala ang pagmamahal ko sayo." April said while sobbing.

I want to grab her and slap her hard. I want to pull her hair hanggang sa makalbo siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kaya ko pang magpigil.

"Tumigil ka na April dahil wala kang mapapala sa akin. Mahal ko si Sanchi at hindi ko siya ginagamit, hinding hindi ko siya kayang gamitin para lang pagselosin ka."

"No! Iba ang nakikita ko sa mga mata mo! Nakikita ko ang pagmamahal na hindi para kay Sanchi kundi para sa akin! Sa akin lang! Clark, Please I'm begging you, Please come back to me. Please I want you. I love you."

Hindi ko na kayang magpigil! Naiinis na ako! I was about to enter the room when someone grab my arm. Nilingon ko ito at nakitang si Alex lang pala.

"What? " Pabulong kong sinabi.

"Ok ka lang ba? Napadpad ako dito dahil nakarinig ako ng malakas na sigaw at tama nga ako si April nga 'yun." She said and rolled her eyes.

"Yeah. Kanina pa sila nag uusap at kanina pa ako naiinis sa babaeng 'yan gusto ko na ngang sugu-"

"O mh god!" Alex gasped in shock and covered her mouth.

I gulped.

Ayaw kong lumingon. Hindi ako lilingon. No, no, no.

"Tignan mo!"

Tinulak ako ni Alex at sapilitang pinaharap kila Clark at April.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa nasaksihan. Shit! Sinasabi ko na nga ba!

Hinalikan lang naman ni April ang boyfriend ko. Halata namang ayaw sa kanya pero pinipilit niya paring ipagsiksikan ang sarili niya.

Lumapit ako sa kanila at tumikhim.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now