Chapter 10

18 8 2
                                    

Dedicated to: YanArsolon

Nagising ako na wala na si Clark sa tabi ko siguro nauna ng lumabas. Naririnig ko na ang ingay sa kusina. Tinignan ko ang oras sa may wristwatch ko at nakitang mag aalas otso pa lang.

Akmang babangon na ako ng maramdaman ang sakit sa may bandang baba ko.Napangiwi ako sa sakit.

Nakahiga pa rin ako at hinintay na humupa ang hapdi sa may gitanang parte ng katawan ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting boyfriend ko.

Gosh.

Ang gwapo talaga, ngiti pa lang panama na.

Para akong kinikikig na ewan. High school girl lang ang peg.

"Babe, kakain na tayo bumangon ka na." Clark said.

Yumuko siya at hinalikan ako sa labi ng mabilisan.

Bigla namang nag init ang pisngi ko dahil hindi pa ako nakakapag toothbrush! Alam kong sanay na siyang halikan ako tuwing paggising sa umaga, pero hindi pa din ako sanay.

Sinubukan ko ulit tumayo at sa pagkakataong ito nakayanan ko naman na ngunit kapag gumagalaw ako at nasasagi ay napapangiwi ako sa sobrang hapdi.

Lumingon ako kay Clark at nakitang nakakunot ang noong nakatitig sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko sa kanyang mata ang pagtataka.

Luhh gagu lang? Gawa mo kaya 'to. Letse.

Inirapan ko ang kumag at napanganga sa reaksyon ko.

Dahan dahan lang akong naglakad patubgong banyo. Malayo pa ang lalakarin ko ay parang pagod na pagod na ako.

"Ayy! Shutacca!"

Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Clark ng naka bridal style. Dahil sa biglang pagbuhat niya ay mas lalong sumakit kaya lukot na lukot ang mukha ko at hindi maipinta.

"I'm sorry, babe." Clark said kissed my forehead.

Nang makarating sa loob ng banyo hindi niya muna ako binaba.

"Baba na ako." sabi ko dahil wala na ata siyang balak na ibaba ako.

"Are you sure? Kaya mo ba? Papaliguan ki--"

Sunod sunod ang pag iling ko kasabay ng pagtulak sa kanya palabas ng banyo. Hindi ko ininda ang sakit sa pagkababae ko dahil sa pagpwersang pagtulak kay Clark.

Nang matulak siya palabas ay agaran kong isinara ang pinto.

Gosh! Baka kung ano pang mangyari kung hahayaan ko siyang paliguan ako. No way! Hindi pa nga magaling.

"Babe! If you need anything just call me! Ok!?" He shouted.

"Ok!" I shouted back.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin at nagpasyang maligo na. Natagal pa ako sa banyo dahil dahab dahan ang paggalaw ko.

Nang matapos maligo ay lumabas na ako ng banyo ng nakatapis lang ang tuwalya sa katawan ko.

Nakita ko si Clark na naka upo sa kama at mariing nakatitig sa akin. Inirapan ko ulit siya at nagdirediretso sa kabinet para kumuha ng damit.

Nang makapagbihis ay humarap ako kay Clark na ngayon ay nakahiga na at nakatitig sa kisame na para bang ang lalim ng iniisip.

Nilapitan ko siya at umupo sa gilid niya.

"Are you ok, babe?" I suddenly asked.

Nang marinig ang boses ko ay binaling niya agad ang tingin sa akin at ngumiti.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now