Chapter 22

17 8 2
                                    

Dedicated to: kianah_oxford

April is missing the whole day. Hinalughog na namin ang buong bahay ngunit wala kaming April na nakita at kung hindi pa namin siya mahahanap ngayong araw ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Bakit ganito? Bakit ganito ang mga nangyayari sa amin? Wala namang may gusto nito pero bakit sinisisi ni April ang sarili niya?

"Wala pa ba si April?" Clark asked.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kay April at hindi ko siya kwekwestsyunin dahil kahit papaano ay may pinagsamahan silang dalawa. Wala akong karapatang magtampo o magselos gayong nawawala na naman ang kaibigan namin.

Hanggang kailan ba matatapos ang gulong ito? Gulo nga ba ito? Kasi hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat at ang tanging alam ko lang ay nandito kami para magliwaliw.

Kung ano-anong dahilan ang pumapasok sa isip ko at kinukumbinsi ang sarili na ang dahilan ng pagkawala nila ay dahil may problema sila at hindi nila kayang harapin ito. Wala akong sinisisi at hindi ko ugali ang magbintang, ngunit may nararamdaman akong kakaiba na para bang bawat isa sa amin ay may nagtatangka sa buhay namin.

Bawat araw na lumilipas ay wala kaming ginawa kundi maghanap ng nawawalang kaibigan, wala kaming ginawa kundi magpagod at uuwing hinang hina at bakas ang pagkadismaya sa aming mukha.

Tumayo ako at naglakad patungong kusina para gumawa ng meryenda dahil alam kong gutom na sila at hindi nila kayang magluto dahil hinang hina na ang kanilang mga katawan.

Pinilit ko lang na gumawa ng meryenda para sa kanila kahit na nanghihina ay hindi ko na lang ito pinansin at tinuon ang atensyon sa paggawa ng makakain.

Nang matapos lagyan ng palaman ang tinapay ay nagtimpla ako ng maiinom na orange juice. Dinala ko ito sa sala at inilapag sa center table.

"Mag meryenda muna kayo." I said at nilagyan ng juice ang baso ng bawat isa.

Tinulungan naman ako ni Clark sa pagbigay ng meryenda sa mga kaibigan namin. Hindi na sila makatayo sa sobrang pagod. Naawa ako sa kanila ganun din sa aking sarili. Wala na kaming pahinga at kung magpahinga man ay ilang minuto lamang.

Nang matapos kaming magmeryenda ay akma na kaming babalik muli sa paghahanap kay April ng may biglang nagbukas ng pintuan at iniluwa nito si April na namamaga ang mata at matamlay. Bagsak ang balikat at konti na lang ay matutumba na siya.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. Inalalayan ko siya sa paglalakad at pinaupo sa sofa. Saan siya galing? I was about to ask her when Sheina hurriedly hug her.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo."

Sheina said while crying. Imbis na sumagot si April ay nakuha pa nitong ngumiti.

"Hahanapin niyo rin pala ako tulad ng paghahanap niyo kay Bliss at Sophie."

"Tanga ka ba? Malamang! Kahit na taga dito ka sa probinsya niyo ay hahanapin ka parin namin dahil you're important to us! Kaibigan ka namin! April naman, ikaw ata itong nag-iisip na hindi ka parte sa buhay namin!" I said.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumabog dahil sa sobrang pag-aalala. 'Yung feeling na mamatay matay ka na sa sobrang pag-aalala sa kanya tapos parang naglalaro lang siya? I can't believe this.

"Sorry. I didn't mean to do that. Galing ako sa puntod ni Jharlyn dahil ngayon ang kanyang birthday. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at pupugin ng halik tulad ng ginagawa ko dati, pero nawala iyon sa isang iglap lang. Nawala ang kaibigan ko, mahal ko 'yun e kahit na hindi ko ipahalata, kahit hindi ko sabihin alam niya ang totoo na importante parin siya sa buhay ko."

"Pinagtulakan ko siya kagabi dahil nainis ako, lagi niya akong iniinis at ako naman ay nagpapadala sa emosyong hindi ko mapigilan. Nung lumabas siya kagabi mula sa kwarto ko ay sinundan ko siya para sabihing dito na siya matulog pero dahil nakita ko si Sanchi na nasa tapat ng kwarto ko ay biglang nang inis na naman si Jharlyn kaya wala na akong nagawa para ipagtabuyan na naman siya."

"Jharlyn is my best friend ever since, lagi kaming magkasama at parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Nagbago lang ang lahat nung may nagawa akong pagkakamali. Dumistansya siya sa akin at naging malamig ang turing. Kahit na ganun ay hindi niya ipinagsabi ang pangyayaring iyon at alam ko na mapagkakatiwalaan ko parin siya at alam kong tinuturing niya parin akong tunay na kaibigan."

"Nang hindi ko na kaya ang tumira dito dahil binabalikan ako ng pangyayaring iyon ay napagdesisyunan kong pumuntang maynila at doon tumira. Gusto kong tumira sa bahay ng papa ko pero hindi siya pumayag dahil ayaw ng bagong asawa niya. Ganunman ay hindi naman ako pinabayaan ng ama ko at naghanap siya ng magandang tirahan para sa akin."

"Pumasok ako sa paaralan kung saan ko kayo nakilala and then boom! Nagbago ang lahat dahil sa inyo. Naging masigla ulit ang buhay ko dahil sa inyo at natuto akong harapin lahat ng problema ko. Hindi ko kakayanin kung may mawala man ni isa sa inyo kaya nang malaman kong nawawala si Bliss at Sophie ay hindi ako makatulog kaya imbis na magpahinga ay hinanap ko sila magdamag. Kaya please mag ingat kayo."

Hindi nakapagsalita ang lahat at tahimik lang na pinagmamasadan si April. Nag kwento siya, Oo at masaya kami doon dahil ngayon lang siya nagkwento sa amin tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya pero parang may kulang sa mga kwento niya dahil sa pagkakarinig ko kanina ay may sikreto siya at ayaw niyang ibunyag.

Kung ano man ang sikretong iyon ay may panahon dito para malaman. Siguro masyadong masakit para sa kanya kaya ayaw niyang sabihin sa amin. May panahon para dyan at handa kaming makinig at damayan siya.

Pinakain namin si April at inalalayan sa lahat ng bagay. Pinagpahinga namin siya ng dumating na ang gabi at kailangan ng matulog. Hindi namin siya hinayaang mapag isa kaya naman napagdesisyunan naming tumabi sa kanya. Nang nangyari ang tampuhan namin dahil kay Clark ay lumipat siya ng silid at doon na siya nagsimulang dumistansya kaya siya lang mag-isa sa kwartong ito.

Nang makitang tulog na siya ay hinarap ko ang mga kaibigan namin.

"Sa ating lahat si April pala ang nagdudusa at siya pala ang may masakit na dinadala." I said to them.

Tumango naman sila at tinignan si April na ngayon ay mahimbing na natutulog. Tinignan ko din siya at inayos ang kumot.

Sino kaya ang may gawa ng lahat ng ito? Sino kaya ang pumatay kay Jharlyn? Sino ang dahilan ng pagkawala ni Sophie at ni Bliss? Sino ang sumira ng sasakyan namin?

Ang dami kong tanong sa isipan na hindi ko naman kayang sagutin dahil wala akong kaide ideya sa mga nangyayari. Hindi ko mapigilan na bumuo ng plano sa aking isipan. Plano na gagawin para mahuli ang kung sino man ang salarin.

Nagpahinga ang lahat maliban sa akin. Hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa aking isipan at kapag ganitong hindi ako makatulog ay lalabas ako ng kwarto at pupuntang teresa para magpahangin pero hindi ko ginawa dahil ayokong ipahamak ang sarili ko.

Sa mga sinabi ni April kanina ay ang tumatak lang sa aking isipan ay ang sinabi niyang mag ingat kami. Kaya naman imbis na lumabas ay pinilit ko na lang na matulog kahit na madaming iniisip.




Happy birthday to my fuckner na si Jharlyn Landicho! I love you fucknerq.

Enjoy reading labs!

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now