Chapter 6

28 6 6
                                    

Dedicated to: ToraLightShishigami

Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako sa nasaksihan ko kanina dahil hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa nangyayari.

Bakit ganu'n na lang ang reaksyon ni April kanina?

Bakit masyadong liblib ang tirahan nila?

Bakit kakaiba ang bahay nila? I mean ang creepy lang para sa akin.

Bakit ganu'n na lang ang reaksyon niya kanina nang tinanong niya kung natatandaan ba namin ang daan palabas ng gubat?

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Kung paghihinalaan ko ba si April? Kung pag-iisipan ng kung ano ano? Like may masamang balak?

Imposible. Kapatid na ang turing namin sa kanya at hindi namin hinahayaan na ma out of place siya sa amin.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni April sa may likuran ko.

Sa sobrang gulat ay napalundag pa ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-hindi ako makatulog eh."

Kumunot ang kanyang noo sa pagkautal ko.

"May problema ba? Bakit parang kinakabahan ka?" She asked.

Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"Siguro namamahay lang ako kaya hindi ako makatulog. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi ako sanay na matulog na ganito pa kaaga. Usually mga madaling araw na ako nakakatulog. Kapag hindi ako inaantok dito ako tumatambay noong dito pa kami nakatira. Lagi kong pinagmamasdan ang buwan tuwing gabi, Alam mko kung bakit?" She asked.

Nagtataka man ay sinagot ko parin ang kanyang tanong. "Ahm, pinagmamasdan mo ang buwan tuwing gabi dahil walang buwan sa umaga?"

"Gaga, malamang Chi! Nakakatanga ka naman kausap eh ang ganda ganda na ng moment ko sinisira mo." Sabi niya at hinampas ako sa balikat.

"Ouch. Ang sakit ah."

"Tsk. Dapat lang sayo 'no panira ng moment."

Grabe naman kung makahampas 'tong babaeng 'to parang bakal ang kamay.

"So ano nga? Bakit mo pinagmamasdan ang buwan tuwing gabi?"

Natatawa kong tanong.

"Wala! Ayaw ko ng sagutin naiinis ako." She said and walked out.

Ngayon ako na naman ang mag-isa dito sa balkonahe.

Nakatitig lang ako sa napakagandang buwan. Ewan ko ba kung anong meron sa buwan at sa tuwing pinagmamasdan ko ito ay napakasarap sa pakiramdam.

Pumikit ako ng tumama sa mukha ko ang panggabing hangin. Napakapit ako sa magkabilaan kong braso dahil sa dala nitong lamig. Kakaiba ang ihip nito at nililipad ang buhok ko.

Aayusin ko na sana ang nagulo kong buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nang makita kung sino ay sumilay ang ngiti ko sa labi.

Nangingiti kong sinagot ang tumawag at masigla siyang binati.

"Hi babe!" Bati ko aa boyfriend ko.

"Hello there, my babe. Kumain ka na ba?"

"Hmmm. Kanina pa nu'ng dumating kami dito sa bahay nila April. Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Yup." He said.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now