Chapter 14

16 7 7
                                    

Dedicated to: KeyTijing7


Nagising ako ng wala na si Clark sa tabi ko. Hindi ako bumangon at nanatili lamang na nakahiga. Tinatamad ako at hindi ko alam kung bakit. Wala akong gana sa lahat ng bagay.

Humugot ako ng malalim na hininga. Sinilip ang oras sa wristwatch ko at nakitang alas sais palang ng umaga.

Ang aga naman yatang nagising ni Clark.

Pumikit ako ulit at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Ako na ang magbibigay sa kanya bumalik ka na lang ulit sa kusina."

Naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa loob ng silid. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nakatayo si April sa pintuan at tinitignan ang paglabas ni Clark.

Kumunot ang noo ko sa nadatnang eksena.

What was that?

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko ng humarap sa akin si April at naglakad papalapit sa kama kung saan ako nakahiga. May hawak siyang tray na punong puno ng mga pagkain and take note mga paborito kong pagkain ang mga nakahain.

Tumikhim siya nang makalapit siya sa akin at unti unting umupo sa paanan ko.

"Ahm, dinalhan kita ng p-pagkain."

Hindi ako kumibo at nanatiling nakataas ang kilay ko.

"Look, I'm sorry about last night. Nadala lang ako ng pagmamahal ko kay Clark and nakakatawang isipin na hindi na niya kayang suklian iyon. I realized that hindi siya para sa akin kundi para siya sayo at masaya akong napunta siya sa taong kilala ko na alam kong mamahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko."

"Mahal ko siya, Mahal na mahal at handa akong magparaya para sa kanya, gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya at kung ang kasiyahan niya ay ang makawala sa akin ay gagawin ko, magpaparaya ako. Pinapaubaya ko na siya sayo." She said.

Nakita kong nanunubig ang gilid ng kanyang mata na agaran niya namang pinunasan.

"Ano ba 'yan mukhang makakarelate ako sa kanta ni Moira na paubaya. Ang sakit lang ng kantang 'yon na para bang idinededicate sa akin."

Tumawa siya at hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng kanyang luha.

"Alam mo, nung nalaman kong ikaw ang girlfriend ni Clark nasabi ko sa sarili ko na 'ay madali ko lang siyang makukuha. Maaangkin ko ulit siya ng walang kahirap hirap dahil malapit lang siya sa akin' pero nagkamali ako, nagkamali ako at pinagsisisihan ko iyon. Oo nagplano ako pero ang gusto ko lang na mangyari ay makausap ko siya maliwanagan sa aming dalawa gusto ko lang ng closure." Pinaypayan niya ang sarili niya at tumingala na para bang nagpipigil ng luha.

"Nagsissisi ako sa lahat ng mga nagawa ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya pinaglaban, nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwan at bumalik na para bang walang nangyari. Nagsisisi ako kasi gumawa ako ng mga bagay na alam kong may masasaktan. Sorry kung nasaktan man kita" Tinignan niya ako sa mata at nakitang nagsisisi nga siya.

Tumango ako dahil wala akong masabi. Hindi ako umimik dahil hinihintay ko siyang magkwento pa sa akin.

"Iniwan ko siya dahil kailangan, may rason ako kung bakit at hindi ko sasabihin sayo because it's too confidential, pang showbiz ba. Nagpakalayo layo ako, pumunta akong manila para maghanap ng trabaho at para magbago, gusto ko pagbalik ko malaki na ang pagbabago ko, gusto ko pagbalik ko kaya ko ng harapin ang mga problema, gusto kong humarap kay Clark na malakas na ako na kaya ko ng magdesisyon sa sarili ko pero hindi ko inaasahan na wala na pala akong babalikan. I lost my life, I lost him."

Humikbi siya sa huli niyang sinabi. Gusto ko siyang aluin, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ginawa dahil maski ako ay nasasaktan sa mga sinasabi niya.

"Nung nawala siya sa akin hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa kagustuhan kong bumalik siya sa akin ay ginawa ko ang lahat, nagmakaawa, kinulit siya kahit ayaw niya sa akin, lagi ko siyang nilulutuan ng mga paborito niyang pagkain. One time nga nilutuan ko siya ng ukoy dahil paborito niya iyon, ang paborito niyang meryenda tapos nung pupunta na ako sa bahay nila para ihatid ang meryenda ay parang naguho ang mundo ko. Alam mo kung bakit?"

Tinignan niya ako ng seryoso. Hindi ko siya sinagot at hinintay na sagutin niya ang sarili niyang tanong. Aba malay ko kung bakit.

"dahil nakita kita, nakita kita na papasok sa bahay nila at sinalubong ka ni Clark ng yakap at kitang kita ko kung paano ka niya halikan ng buong pagmamahal. Nabitawan ko 'yung mga bitbit ko at tumakbo ako ng tumakbo halos madapa na nga ako at dahil malas ako bumuhos ang ulan at sinalo ang problema ng daigdig."

She laughed while crying. Tuloy tuloy ang tulo ng kanyang luha at nahihirapan na rin siyang huminga. Sinuntok suntok niya ang dibdib niya at hindi ko na napigilang bumangon para yakapin siya.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ko ramdam kung gaano ito kasakit. Kung ako ang makakaramdam ng sakit na 'yon ay hindi ko kakayanin at baka mahimatay ako sa sobrang sakit sa damdamin.

"Hindi ako sumilong, hindi ko naisip na sumilong dahil una sa lahat wala akong makitang masisilungan. Tumakbo lang ako ng tumakbo at sa sobrang galit ko nakagawa ako ng kasalanan na hindi na bago sa akin."

Dumistansya ako sa kanya at pinakatitigan siya ng mabuti.

"What do you mean?"

Sa unang pagkakataon nagsalita ako. Na curious ako sa sinasabi niyang kasalanan.

Umiling lang siya at pinunasan ang kanyang mukha na sobrang basa dahil sa luha. Tumayo siya at binuhat ang tray. Inilahad niya sa akin ito na agaran kong kinuha.

"Kain ka na, ako ang nagluto niyan. Wala pa kasi akong gaanong bagay na alam sayo kaya nagpatulong ako kay Clark para magluto ng mga paborito mong pagkain. Don't worry walang lason 'yan."

She laughed.

Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Wala naman akong iniisip na ganun. Tsk.

Inumpisahan ko ng kumain at siya naman ay nanatili sa kwarto. Pinapanood niya akong kumain at nakakailang.

Tinignan ko siya at nakitang nakatingin parin siya sa akin.

"What? Gusto mong kumain?" I asked.

She noded and she gulped.

Tumawa ako at tinapik ang kama para tabihan ako.

Umupo siya sa tabi ko at hinintay na bigyan siya ng pagkain. Seriously? 'wag mong sabihin na susubuan pa kita.

Umirap ako at siniguradong makikita niya. Tumawa siya sa ginawa ko.

Hinatian ko siya ng pagkain na agad niya namang nilantakan. Kahit na napipilitan ay ngumiti parin ako. Paborito ko kasing pagkain 'yung nilalantakan niya. Hehe lahat pala paborito ko.

Pinanood ko siyang maganang kumain na para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa pagkakaayos naming dalawa. Maski naman ako ay naginhawaan dahil simula ngayon ay masasabi ko na ngang akin si Clark at wala na akong kaagaw sa kanya.

Pinakatitigan ko ng mabuti si April at naisip na naman ang sinabi niya kaninang nakagawa daw siya ng kasalanan na hindi na bago sa kanya. Ano kaya 'yon at parang nililihim niya sa amin? May dapat ba kaming malaman? May dapat ba kaming katakutan? Kung anuman ang nililihim niya ay dapat ko ng respetuhin iyon dahil sasabihin niya naman ito kung gusto niya.

Napaka misteryosa talaga nitong swapang na ito kaya nakakainis siya minsan dahil masikreto siya masyado.

Mabilis pa naman akong macurious at inaalam ko kung ano 'yun para hindi ko na iniisip lagi at ngayon na binigyan ako ni April ng isipin ay naiinis ako. Ewan ko basta naiinis ako period.

Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko at masayang nakipagkwentuhan sa kanya.


Holaaaa! New updated MWEHEHEHEE nakapag updated na naman ako yehey ang saya saya. Enjoy reading labs! Mwa♡︎

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now