Chapter 15

15 7 5
                                    

Dedicated to: Jenniekyuts

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin sa pagbabago ni April. Madalas kasi siyang wala dito sa bahay at kung magpapakita man ay iba ang pakikitungo niya sa amin kumbaga masyado siyang mabait, kung ako si Alex ay iisipin kong nagpapakitang tao siya pero hindi ako ganun mag isip.

Gaya na naman ngayong araw, wala na naman siya at hindi namin alam kung saan siya pumupunta. Wala namang pakialam ang iba dahil may kanya kanya silang buhay. Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong bakasyon dahil imbis na magliwaliw kami ay napapalitan ito ng pag aalala at distansya.

Hindi nagpapansinan si April at Alex at alam ko kung ano ang dahilan.

"Ayaw mo pa bang makipag ayos kay April?" Tanong ko kay Alex isang araw at ang ampyang ay inirapan lang ako. Ampyang na swapang.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay nila April at kumukuha kami ng mga prutas, ang dami kasi nilang prutas dito at napakalago.

Pinuntirya namin ang mangga at ang iba naman ay suha ang kinuha.

Ang mga lalaki naman ay pumuntang ilog para kumuha ng tulya para gawing pananghalian. Hindi pa daw kasi nakakakain ang iba ng ganung klaseng lamang dagat at maski ako ay hindi ko pa ito natitikman kahit na pinanganak ako sa probinsya ng Isabela.

Ang nakatikim lang nito ay si Clark, Alex at April dahil pare-pareho silang taga probinsya ako din ay taga probinsya ngunit hindi ko pa ito natitikman. Ang arte nga ni Blake dahil baka umitim daw siya at baka ipagpalit siya ni Alex kaya ang ending nag away ang dalawa kung hindi daw sasama si Blake ay baka totohanin daw ni Alex ang sinabi niya.

Nakakatawa nga dahil parang batang inagawan ng candy ang pagmumukha ni Blake halos mangiyak ngiyak pa kanina. Tsk, para kumuha lang ng tulya pinagmamaktol niya na samantalang pagdating sa kalokohan halos hindi niya pakinggan at sinusuway si Alex. Napaka aktibo ng mokong.

"Hoy Sanchi magpulot ka ng mangga at aakyat ako. Ang sakit na ng leeg ko kakatingala ang hirap manungkit."

Natawa ako sa inasta niya dahil ngayon lang niya naisip na umakyat eh kung kanina pa sana edi nakadami kami. Tsk.

Tumawa ako ng napakalakas dahilan kung bakig lumingon sila Sophie at nang makita kung ano ang tinatawanan ko ay tumawa din sila.

Paano ba naman kasi trying hard umakyat si Alex. Para siyang batang unggoy na nagprapraktis palang umakyat. Hindi niya alam kung saan siya kakapit dahil sa tuwing sinusubukan niyang umangat ay dumadausdos siya.

Damn, Alex you made my day.

Parang ako ang nihihirapan sa sitwasyon niya. Jusko namang ampyang ka.

Nang sa wakas ay maka akyat siya tuwang tuwa ang ampyang. Tignan lang natin kung matuwa ka pa mamaya. Dahil naiisip ko palang na hindi siya makakababa ay gusto ko ng tumawa ng malakas.

Umakyat siya sa isang sanga kung saan madaming bunga ng mangga.

"Sanchi, saluhin mo!" Sigaw niya kasabay ng pagbato niya sa akin.

Pota paano ko sasaluhin kung pabato ang ginagawa niya?

"Saluhin mo Sanchi! Dapat hindi masira ang mangga dahil pinaghirapan ko 'yan!"

Sigaw siya ng sigaw sa taas na parang si Tarzan kulang na lang ay baging para maglambitin siya.

Bato siya ng bato ng mangga sa akin na iniilagan ko naman dahil feeling ko sobrang sakit kapag natamaan ako nito.

"Ukitnam Sanchi, sippawim gamin ah  nakarigrigat aguli ittoy tapno adda lang makan tayo, kit agay ayam sa ti kukkwim."

"Kasanok nga sippawin kit kasla nga lang nga batbatwin nak! Ukissabam."

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now