Chapter 19

24 7 4
                                    

Dedicated to: unknown__speci3s

"Bakit kaya walang signal dito sa probinsya nila April? Ang hirap tuloy sumagap ng chismis sa Facebook, baka mamaya kagandahan ko na pala ang pinagchichismisan."

Natawa ako sa pagmamaktol at sa kahanginan ni Alex. Nasa teresa kami ngayon, nagmemeryenda. Nagbabalat ang mga lalaki ng mangga, suha at ng kaimito na kinuha namin sa bakuran nila April. Mag iisang linggo na ng nawala sila Bliss at Sophie at hanggang ngayon ay hindi pa din namin sila nahahanap.

Napagdesisyunan namin na sa susunod na araw na lang ulit namin ipagpapatuloy ang paghahanap sa kanila. Buong linggo ay wala kaming ginawa kundi ang maghanap ng nawawalang kaibigan.

"Anong gusto niyong sawsawan sa mangga at suha?" Blake asked.

"Bagoong na may sili." Kharylle said and everyone's agreed to her.

'Yun din kasi ang gusto ko at nagpapasalamat na gusto din ito ng lahat. Sa nagdaang mga araw naging masayahin ulit si Kharylle na siyang pinagpasalamat naming lahat, Actually masayahin naman talaga siya at hindi kami sanay na may dinadala siyang problema at lagi siyang malungkot mabuti na lang at hindi na siya gaanong nag iisip ng mga bagay na ikalulungkot niya.

"Ito sayo baby"

"Ayoko niyan! Ilayo mo 'yan sakin, Blake!"

Napatingin ako kay Alex na inaaway na naman si Blake. Binigyan kasi siya ni Blake ng kaimito at ayaw na ayaw ito ni Alex. Inaasar na naman kasi kaya ang ending ang gulo na naman nilang dalawa.

Hindi na lang namin sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng mangga. Itong mangga lang ang kakainin ko, ayaw ko ng suha at ng kaimito baka sumakit ang t'yan ko kung halo-halo ang pagkain ko ng prutas. Hindi ako sanay na pinagsasabay sabay kainin ang iba’t ibang uri ng prutas.

Everyone is enjoying the fruits and the games that Shoto suggested. Tinignan ko isa isa ang mga kaibigan ko at napangiti ng nakita silang masaya, mas masaya siguro kapag kumpleto kami.

Nagtagal ang paningin ko kay April na nakangiti. Nakangiti siya, Oo, pero hindi abot sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot, lungkot at pagsisisi.

Bumuntonghininga ako dahil sa isiping sinisisi na naman nito ang sarili niya. After she said that she blamed herself naging mas malapit ako sa kanya, hindi ko siya pinapabayaang maiwan tuwing nagkakasiyahan kami. Hindi namin siya hinayaang ma out of place.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Clark ng makaramdam ng pagod. Bakit kaya ang bilis kong mapagod? Pansin ko sa mga nagdaang araw ay lagi akong pagod, walang gana at nakakatulog agad.

"Are you ok babe?" Malambing na ani Clark at hinaplos ang pisngi ko patungo sa buhok ko.

Napapikit ako sa haplos niya at nakaramdam ng antok. Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na lamunin ng antok.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, ang alam ko lang ay gabi na nang nagising ako. Nasa tabi ko si Clark na ngayon ay mahimbing na natutulog. Kinumutan ko siya at hinalikan sa noo.

Naghapunan na ba sila?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungong kusina. Pababa na ako ng hagdan at nadaanan ko ang silid ni April. Nakasara ito pero may naririnig akong nag-uusap sa loob.

Sino ang kausap niya?

Nagkibit balikat ako at nagtungo sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok sa kusina ng marinig kong may nabasag na babasaging bagay sa loob ng kwarto ni April.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now