Chapter 21

15 6 7
                                    

Dedicated to: byotipolbals

"Guys! Guys!"

"Ano ba Blake! Bakit ba sumisigaw ka na naman?"  Alex shouted at Blake.

Blake entered the living room shouted while catching his breath.

"Nasira 'yung sasakyan natin! Ayaw umandar at sira sira na."

"What?!"

Everyone shouted at what Blake said.

Papunta na sana kami sa labas para tignan ang sasakyan namin pero sumunod naman na pumasok at nagsisisigaw na si Julia.

"O my gosh! Guys! Listen to me, you need to hear this! O my gosh!"

Sa sobrang taranta nito ay natumba siya, mabuti na lang ay mabilis siyang nakakapit sa armrest ng sofa.

"Ano na naman 'yan Julia?" Alex said in so much frustration.

"M-may nakita akong b-body sa likod ng sasakyan d-duguan ito. O my god! O my god! Nilapitan ko ito at nakitang patay na siya. P-patay na. O my god!"

Dumuwal siya pero wala itong nailabas. Para bang nasusuka siya sa nasaksihan. What is it again?

"Nang nilapitan ko siya at pinaharap sa akin ay n-nakita ko 'yung isang mata niya na nasa gilid niya at 'yung dila niya ay.. ay.. ay naputol parang pinapakain sa kanya ang sarili niyang dila. O my gosh! I can't take this anymore. Please umuwi na tayo. Pengeng water!"

Tumayo ako at tumakbo patungong kusina para kumuha ng tubig. Natataranta ako kaya naman nabasag ko ang isang baso. Kumuha ako ulit ng isa pa and this time tubig naman ang nabuhos pero may nalagay naman ako sa baso.

Tumakbo ako pabalik sa living room at agad na lumapit kay Julia para painumin siya. Pinakalma namin siya dahil hindi na siya matigil sa pag-iyak.

Maski ako ay nasusuka sa mga sinabi ni Julia. Hindi matanggap ng sikmura ko ang nangyari at konti na lang ay masusuka na ako. Ayokong isipin ito ngunit ang traydor kong utak ay pilit pinagsisiksikan sa isip ko ang mga pangyayari.

I can't imagined that scene.

Nang humupa ang nakakanginig na pangyayari ay tumayo kaming lahat at lumabas para pumunta sa garahe kung saan nandun ang sinasabi ni Julia na bangkay.

Nang makalapit kami dito ay nasuka ako sa nasaksihan. Totoo nga! What the fuck?

Lumapit kami at nagulat ako. Nagulat ako dahil kilala ko kung kaninong bangkay ang sinasabi ni Julia! Its Jharlyn! O my god! Si Jharlyn!

Napaupo ako at balak na sanang hawakan ang bangkay ng biglang pigilan ako ni Clark sa kamay at pinatayo. Nanginig ang paa ko at muntik ng matumba mabuti na lang at nandyan si Clark para alalayan ako.

"What happ- Jharlyn! What the fuck! Bakit duguan si Jharlyn?! Sino ang may gawa nito?!"

Humagulgol sa iyak si April dahil alam naming mas higit na siya ang nakakakilala kay Jharlyn. Mas malapit sila sa isa't isa kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"O my god! Anong nangyari?"

Tinignan kami isa isa ni April at lahat kami ay umiling ng umiling dahil wala kaming kaide ideya sa mga nangyayari. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang sasakyan namin na ngayon ay sirang sira na, parang wala ng pag-asa na umandar pa.

Nang mahimasmasan ang lahat ay napagdesisyunan ni April na ilibing ang kaibigan niya sa gitna ng gubat. Binuhat ng mga lalaki ang bangkay at dinala ito kung saan ililibing. Nakasunod lang kami at walang may balak na magsalita.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now