Chapter 18

16 6 10
                                    

Dedicated to: artatesleslie

"Bliss! Bliss, where the fuck are you?!" Alex shouted in so much frustration.

Kanina pa kami pasikot sikot sa buong bahay dahil hinahanap namin si Bliss. Hindi namin siya makita mula pa kaninang umaga kaya ang ending hindi na naman kami nakakakain ng umagahan at tanghalian.

Nilibot namin ang buong bahay nila April, nagbabakasakaling nagmumukmok lang si Bliss sa gilid dahil sa pagkawala ni Sophie, ngunit nalibot na namin ang kabuuan nito at walang Bliss na nahagilap.

Nawalan na kami ng isang kaibigan at hindi namin kakayanin na may mawala pa kaya naman kahit nagugutom at pagod na pagod na kami ay hindi namin ito ininda, walang nagreklamo ni isa sa amin.

"Siguro nasa labas si Bliss at hinahanap si Sophie? Maghiwa-hiwalay tayo, dalawang tao sa isang grupo." Arabella suggested and everyone's agreed to her.

Kasama ko si Clark, Alex and Blake, napagdesisyunan namin na sa may gubat kami maghahanap dahil malawak ito at kaming apat ang magsasama-sama, samantalang ang iba naman ay sa may ilog at sa may bakuran.

Nag umpisa kaming maghanap sa gubat at paminsan minsan ay sinisigaw ang pangalan ni Bliss. Namamaga na ang lalamunan ko at medyo paos na sa kakasigaw pero hindi ako nagreklamo at hindi ako tumigil. Kailangan naming mahanap si Bliss bago pa magdilim ang kalangitan.

Sinabay na din namin ang paghahanap kay Sophie dahil isa din siya sa nawawala.

Something is wrong with this place, habang tumatagal ay pa creepy ng pa creepy and it's getting wierder. Parang tuwing sasapit ang kinabukasan ay may nawawala sa amin or baka nagtatago lang sila? Pero bakit?

Halos mahalughog na namin ang kalahati ng gubat at wala pa ding Bliss at Sophie na nagpapakita.

What the hell is happening? Hindi na nakakatawa.

"Clark, balik na tayo sa bahay. Ayoko na pagod na ako, nanghihina na ang katawan ko at hindi ko na magalaw ang mga paa ko." Sabi ko at tinignan ang nanginginig kong binti.

"Come here, let's take a rest first."

Tumango ako at umupo sa tabi ni Clark. Tumunog ang mga tuyong dahon ng maupuan ko ang mga ito.

Ang crunchy.

"May napapansin ka bang kakaiba araw-araw?" Pagbasag ni Clark sa katahimikan.

"Kapag may sumisigaw or nagsasabi na kung nasaan si ganito, nakita niyo ba si ganito? Like the fuck, nagsisitayuan ang mga balahibo ko at na f-feel na parang may masamang mangyayari." He continued.

So, hindi lang pala ako ang nakakapansin at nakakaramdam ng ganito?

"Same babe, same. It's weird tho, pero hindi ko na lang pinapansin at iniisip na may nagngyaring masama sa kanila, baka tinataguan lang tayo or baka naligaw lang sila?"

Nanubig ang mga mata ko ng maisip na baka may nangyaring masama sa kanila? Na baka patay na sila? Shit!

Tumayo ako at nagsimulang maglakad, sumunod naman sa akin si Clark na nasa likuran ko. Paminsan minsan ay natutumba ako pero lagi akong nasasalo ni Clark, nang hindi ko na nakayanan ay binuhat ako ni Clark. Piggy back.

Nasalubong namin si Blake at Alexandra na ganun din ang eksena. Nakabusangot sila pareho at halata ang pagod sa kanilang mga mukha lalong lalo na si Alex na hinang hina at papikit pikit ang mga mata. Naka piggy back din siya gaya ko.

"Tara na, mukhang wala naman tayong mapapala dito sa gubat. Imposibleng dito pupunta si Bliss dahil takot siya sa maliblib na lugar." I said ng maalala kung paano siya kumapit kay Sophie nung unang araw namin dito sa probinsya nila April.

Nag umpisang maglakad si Clark at Blake na hinihingal. Wala din kasi kaming baong tubig na maiinom at pare pareho kaming uhaw na uhaw at gutom na gutom.

Hindi namin sinisisi si April, hindi man lang sumagi sa isip ko na sisihin siya kahit na ang creepy niya minsan at kahit na parang wala siyang paki alam na may mawala sa amin.

Hindi ko siya sinisisi dahil pansin ko ding nagpapakahirap siyang maghanap sa mga kaibigan naming nawawala. Minsan ay nagrereklamo siya pero hindi titigil hanggat sa walang nahahanap.

Malapit na kami sa bahay ng makita silang lahat na nasa teresa. Nakahiga at nakaupo sila sa sofa at mahahalatang pagod na pagod, hinang hina ang lahat at wala ng planong magsimulang maghanap ulit.

Bumaba ako sa pagbuhat sa akin ni Clark at nang makitang di pa din bumababa si Alex ay tinignan ko siyang mabuti. Napailing ako ng nakatulog ito at himbing na himbing pa.

Everyone is tired at walang gustong gumalaw para gumawa ng pagkain. Kaya kahit pagod ay nagtungo ako sa kusina para maghanda ng pagkain.

Kumuha ako ng karne sa ref. Nang mahawakan ang karne ay nanginig ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit, siguro dala lang ito ng pagod kaya lahat ng parte ng katawan ko ay nanginginig.

"What are you doing?"

Napatalon ako gulat dahil sa biglaang pagpasok ni April sa kusina.

Puta. Aatakihin ata ako sa puso.

"Magluluto ng hapunan." I simply said.

"Tulungan na kita." She said at pumuntang lababo para maghugas ng kamay.

Nagkibit balikat lang ako at sinimulang pakuluan ang karne. Walang nagtangkang nagsalita sa amin, pareho kaming seryoso at walang ganang magsalita.

Tinignan ko si April na nagbabalat ng sibuyas. Suminghot singhot siya at nakitang may tumulong luha sa kanyang mata.

Dala siguro ng sibuyas kaya naiyak siya. Lumingon sa banda ko si April at nagtama ang aming paningin. Kumunot ang noo niya at pinunsan ang mata gamit ang damit niya.

"Hindi ako naiyak dahil sa sibuyas."

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. So, anong dahilan ng pag iyak niya?

"Naiiyak ako dahil may nawawala na naman sa isa sa mga kaibigan natin. Nandito tayo para magbakasyon at kalimutan pansamantala ang mga problema natin, responsibilidad kong alagaan kayo at tratuhin kayong bisita. Ipasyal kayo sa magagandang lugar, ipakilala sa mga malalapit sa akin, pero iba ang nangyari. Dumistansya ako para hindi magkagulo, umaalis ako ng bahay para mag isip ng mga bagay na makakagaan sa pakiramdam ko." Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha niya at humihikbi na din siya.

"N-ngunit iba ang nangyayari at hindi ko inakala ang mga ito. Paggising sa umaga may taong mawawala, magsisisigaw kung nasaan ang taong ito, hahalughugin ang buong bahay, bakuran, at gubat para maghanap at ang mga naghahanap ay malilipasan ng gutom, uuwing pagod na pagod at matutulog na walang laman ang t'yan. Ayoko ng ganito, ayokong mangyari ito pero bakit nangyayari? Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyayari ito. Ksalanan ko kung bakit nawala si Sophie dahil alam kong may problema siya pero wala akong ginawa para kalimutan niya ito pansamantala, kasalanan ko kung bakit nawala din si Bliss dahil kung hindi ako tumigil sa paghahanap kay Sophie ay hindi siya magkakandarapang maghanap dito."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hinagod hagod ko ang kanyang likod para pakalmahin siya. Hindi ko alam na sinisisi niya pala ang sarili niya.

"Shhh. Don't blame yourself, April. Wala dapat sisihin dahil una palang ay wala naman tayong kasalanan, hindi natin kasalanan na may mawawalang isa sa atin. Siguro may problema lang sila at kailangan nilang mamasyal tapos naligaw sila? Mga ganun ba. 'Yun na lang ang isipin mo."  Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya at pinapakalma siya.

Poor April, Hindi namin alam na sinisisi niya ang kanyang sarili at naawa ako sa kanya dahil all this time siya ang may masakit na dinadala.

Bumigat ang pakiramdam ko sa isiping nagalit ako sa kanya, nagtampo at pinaghinalaan sa una. But, all this shit is nothing.

No one can blame at hindi ako papayag na sisihin ni April ang sarili niya.

Hahanapin namin sila at hinding hindi hahayaang may mawala na naman sa amin. Proprotektahan ko sila hanggat kaya ko. Today we will going to rest and tomorrow we will going to find our friends, again.




Yay! Sinipag ulit ako HAHAHA. Enjoy reading Labs! Hi sa mga silent readers ko dyan. Jke wala pala ako nun.

Whose Who? (COMPLETED) Where stories live. Discover now