Kabanata 1

1.8K 104 61
                                    

Kabanata1...
Boyfriend



Hindi pa man nakakausap si Denver dahil nasa harapan na ang guro, batid kong may hinanakit na ito sa akin dahil sa pag iwan ko sa kan'ya sa gitna ng tanghalian. Titig pa lang nito sa aking likuran ay matitiyak ko na.

Sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang sumabay sa pagkain kila Leon dahil hindi pa nga ako nakakapagsalita, um-order na ito ng pagkain na aniya ay libre daw para sa pagkakamali kanina.

Hindi matigil kakukuwento si Leon ng kung ano-ano sa gitna ng pagkain kaya bumuntong hininga na lang ako at ininda ang guilt, thinking that Denver won't be mad, but I was wrong.

"Naku! Hindi kita mapapatawad! Sino ba kasi iyon at hindi ka makahindi?" Oras ng lunch kinabukasan, at iyon ang tanong ni Denver. Inaalala nanaman ang nangyari kahapon. Umiling na lamang ako.

"Buti na lang talaga dumating sila Cassie, kahapon. Hindi ako mukang pathetic na loner," masamang tingin ang iginawad nito sa'kin na binalikan ko naman ng ngiti.

"May lakad ka ba next Sunday? Samahan mo 'ko!"

Agad akong umiling at hindi na napigilan ang pag simangot. Sa linggo ay may date nanaman akong pupuntahan kasama ang isang anak ng kaibigan ni Mama. Kagabi lang sinabi iyon, at ngayong nabanggit na ni Denver, naalala ko nanaman.

"Hindi ako pwede. May ipinakilala nanaman si Mama,"

He clicks his tongue at my answer bago bumaling sa kan'yang cellphone.

"Ano bang gagawin? Baka masamahan kita depende sa oras,"

"Hindi na." He shook his head. "Anyway, hindi na talaga napanatag ang loob sa'yo ng Mama mo, 'no? Baka kasi lesbian ka nga, ayaw mo lang umamin,"

"Hindi ah," umiling ako para mas pabulaanan ang kan'yang sinabi.

Now I'm starting to question myself. Bukod sa puro babae ang kaibigan at si Denver lang ang hindi, ano pa bang nagpapamukang lesbian sa'kin? Hindi naman ako boyish manamit, hindi rin sa pananalita, hindi naman ako mailap sa mgalalaki, kaya ano ba ang pinagkukuhaan nila ng ganoon ideya? Hindi ko maintindihan.

"Sus!"

"Totoo nga!"

Bumunghalit ng tawa si Denver. "Joke lang, 'to naman. Mag boyfriend ka na kaya? Para tigilan ka na ng Mama mo d'yan sa kakapa-date sa'yo. Ako ang nahihiya para sa'yo e, wala ka pa namang kwenta kausap,"

Binalingan ko ito at pinakatitigan, hindi na napigilan ang pag nguso. May kwenta naman ako kausap... kahit papaano.

Ilang araw din ang lumipas at pabalik-balik ang sinabi ni Denver sa isipan ko. Maybe having a boyfriend will really stop Mama from doing such things? Inalala ko ang mga dahilan ni Mama at iyon nga ang paulit-ulit n'yang sinasabi, ang mag boyfriend na ako. Then maybe Denver really has a point... but how? I don't have any suitors, wala akong sasagutin kung sakali.

Tulala ako habang nag-iisip kung paano sosolusyunan ang kahibangan ni Mama. Matagal-tagal ko na ring tinitiis ito, gusto ko nang matigil. Isa pa, hindi ba s'ya nawawalan ng kaibigan at napakarami na n'yang naipakilala sa akin na anak daw ng kan'yang "kaibigan", hindi pa rin nauubos?

"So, Clamentine, anong hobbies mo?"

Pinigilan ko ang pag ngiwi sa tanong ni Marcus—ang anak ng "kaibigan" ni Mama.

"Boring hobbies ko," I chuckle.

"No. If it's your hobby, it isn't boring. Kaya nga naging hobby mo 'di ba? Ano nga? Gusto kong malaman," He smiles.

Bumuntong hininga ako bago pilit na ngumiti. His grin is so creepy like as if he's planning something wicked. Gusto ko mang umalis kanina pa, pero dahil sa baka mapahiya si Mama. Inisip ko na lang na pagkatapos na pagkatapos nang pagkain, lilisan na ako.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon