Kabanata 25

1K 68 4
                                    

Kabanata25...
Tagaytay


"Papa!" Hiyaw ko at tumatawa naman akong nilingon nito galing pa sa pakikipagusap sa mga kaibigan.

Itinuro ko si Mama na nakakrus ang dalawang braso sa kan'ya at agad iyong tumalima.

Nasa isang resort kami ngayon dahil birthday ng malapit na kaibigan ni Papa.

Mainit ang sinag ng araw, pero bawi naman dahil sa ginhawang dala ng hangin mula sa silangan. Natalsikan ako ng tubig mula sa mga naglalaro sa pool kaya bahagya akong napangiwi at lumayo doon.

"Hindi ka ba mag swi-swimming?" Tanong ko kay Leon na katabi kong nakaupo sa isang sun lounger.

Nag hintay ako ng sagot pero wala akong narinig kaya nilingon ko s'ya at nasaktuhan itong tulala. Kumunot ang noo ko bago hawakan ang braso nito.

"Leon,"

He flinched and blink continuously before glancing at me.

"What's wrong?"

"What? Wala," he laughs.

I just stare at him. There's no doubt that's fake laugh. I just shrug and look before us.

Kanina pa s'ya malalim ang iniisip, pangalawang tanong ko na rin sa kan'ya, but he's telling me nothing. I'm getting worried, but at the same time I don't wanna push him to tell me if he doesn't want to.

Sa lunes ay simula na ng rehearsals para sa graduation rites. Ibig sabihin ay sobrang lapit na talaga ng graduation namin.

Muli akong napalingon kay Leon.

Sasama ako sa kan'ya sa Tagaytay. Iyon nga lang, hindi ko alam kung paano ako magpapaalam. I think they would let me go, but of course with a good reason and names of whom I'll be with. Anong sasabihin ko? "'Ma, 'Pa, punta po kaming Tagaytay ni Leon, gala lang"? All hell would break loose.


Kinawayan ko si Marjorie kadarating lang. Agad itong ngumiti at naglakad papalapit sa'min.

"Thank God you're here," she exhaled.

Natawa ako. "Why?"

"I'd be so bored here if you're not!" Aniya kasabay nang pag lingon kay Leon. Lumingon pa ito sa'kin bago ngumisi.

Umiling na lang ako at muling natawa.

"I heard something about you two."

"I hope that's something good," Leon chuckles.

"Oh, it's not," Marjorie scoffs. "Anyway, have you told Tita na?"

Nakagat ko ang labi ko at umiling. Tumaas naman ang kilay nito at napatakip pa ng bibig.

"Oh, what's going on? Why? Is she against or something? But I bet not," maypa-hand gestures pa ito habang papalit-palit ang tingin sa'ming dalawa.


Buong stay pati namin doon, si Marjorie lang ang kausap ko habang pinag uusapan namin ang ayon sa kan'yang "controversy" namin ni Leon sa campus.

Thinking about it, perhaps it is indeed a controversy.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa'kin habang naglalakad kami patungo sa gymnasium. Napalingon ako sa isang gilid at nakita ko ang tingin ng isang grupo sa'kin sabay nang pagbulong sa mga kasama nito.

Napatungo ako at mas lumapit kay Denver.

I'm not used to attention, now that they're laying me tons, I feel so uneasy.

Hinila ni Denver ang braso ko para maisukbit ang sa kan'ya.


"Jowa mo, sikat," anas nito.

"Mas sikat yata ang sa'yo..."

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon