Kabanata 39

1K 57 4
                                    

Kabanata 39...
Pregnant



I was resting my back on Leon, when Mama came back and nod at me. Tumango rin ako bago kami sabay na tumayo ni Leon.

Inayos na ang kwarto ni Papa, pero nang makarating kami roon ay hindi pa rin s'ya gising.

Papa's already stable. Mabuti na lang at hindi naman vital ang tinamaan ng bala, pero masyado pa ring maraming dugo ang nawala kaya nahirapan ang mga doktor.

I'm just glad that he's now stable. I hope he'll wake up well soon.


Bumuntong hininga ako at pinisil ang kamay ni Papa.

Nag angat ng tingin ko nang pumasok si Leon.

"The security is tight. May nagbabantay sa labas, at nagdagdag na rin ako."

"You don't have to do that, but thank you Leon,"

Ngumiti s'ya at lumapit bago hawakan ang braso ko.

"And you don't have to worry, okay?"

Tumango ako at ngumiti. Sabay kaming napalingon kay Papa.


"You know... we're the ones that wronged you. We should be the one that—"

"Tine," his hand found mine. "Labas ka sa kung anong ginawa ng mga magulang mo sa nakaraan. At isa pa, hindi ako magsasampa ng kaso kay Tito. I know he was just torn..."

I bite my lip as I stare at him while tears are starting to form on my eyes again.

"Besides, my father wouldn't have befriended him if he wasn't a good man." Ngumiti s'ya sa'kin.

Napasinghap na lamang ako bago s'ya mahigpit na niyakap.

God... I just fell in love with him more.


Nang bumukas ang pintuan ay dahan-dahan akong humiwalay sa kan'ya, habang s'ya nama'y halos itulak na ako. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan s'ya, pero deretso lang ang tingin nito kay Mama.

Ano, nagpapalakas?

"Callie, you should go home."

"Huh?"

"Home, Callie. You should be resting,"

"Mama hindi na—"

"I think you should, Tine." Leon uttered nodding.

Umawang ang labi ko at pinagsalitan ang tingin sa dalawa.

Napanguso ako at tiningnan si Papa, pero nag buntong hininga rin.


Alright, for my baby.

"Paano si Papa?"

"I'll be here," Mama rolled her eyes.

"Pero 'Ma, you should rest too."

"I'll rest when I'm tired. Now go. Stop being hard headed. Kay Leon ka na sumama. May mag co-convoy sa inyo pauwi. Just stay put in our house, nagpadagdag na ako ng security doon,"

Muli akong nag buntong hininga bago humalik sa pisngi ni Mama.

Sandali pa kaming nag usap bago ako ipagtulakan nito paalis.

Maraming pulis na nakauniporme ang nagkalat sa labas. May iilan pang reporter na natira sa labas na agad kaming sinalubong, pero mabuti't nagawan agad kami ng way para makaalis. Siguro'y hindi sinagot ni Mama ang mga iyon.


Hindi ako mapakali nang umandar na ang sasakyan kahit pa may nakasunod sa'ming ilang security.

I feel like anytime, there would be shooters that'll appear again.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon