Kabanata 23

977 65 2
                                    

Kabanata 23...
Happiest

Leon cupped both of my cheeks as he grins at me. Halos mag usok naman ang muka ko dahil sa paninitig n'ya.

"Stop staring..."

"Oh? Hindi naman kita pinipigilan pag ikaw ang nakatitig sa'kin,"

Sumimangot ako at nag iwas ng tingin. Humalakhak naman ito at hinila na ako sa kalapit nito.

"Hmm, I'm curious. Can I ask you something?" Tanong nito habang nakapangalumbaba at nakaharap sa'kin.

Tumango ako.

"Am I your first kiss?"

My eyes widen as I felt my cheeks blushing before sliding away from him. He then laughs and he pulls my hand closer. Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahang umiling, dumilim naman ang mata n'ya.

"Sino ang una kung ganoon?"

"Leon, it's not important..."

"Bakit ayaw mong sabihin?"

Sinimangutan ko s'ya lalo at napalunok. "Denver..."

Umawang ang labi nito. Lalo ko naman nakagat ang labi ko.

"Ang tagal na no'n! Junior high pa, and it was just an accident,"

He didn't say anything and just averted his gaze. Hinila ko ang palad nito. Humarap muli ito sa'kin at madilim pa rin ang tingin. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko kaya napaayos s'ya nang upo.

"You're happy just by remembering it?!" Suminghap ito.

Umiling naman ako at natawa na. "No. I just didn't imagine you being jealous when it comes to me. Nakakamangha lang..." I bite my lip to suppress a smile.

Umismid ito pero pinaglaruan naman ang mga daliri ko.

He didn't deny it!

Tila kinikiliti ang tyan ko habang pinagmamasdan s'yang ganoon.

"How? He kissed you?"

"Of course not! Hindi. I told you it's just an accident. And Denver's gay,"

"He's still a man."

"There's a difference. He maybe a man, but he has no interest in girls. Ano ka ba," I chuckle while he raises a brow at me.

Eight grade pa yata 'yon. Aksidente lang talagang nag dampi ang labi naming dalawa. Nagulat pa nga ako noong una, pero ngayon ay pinagtatawanan na lang namin 'yon.

"Leon!"

Sabay kaming nag angat ng tingin kay Sonya kasama ang tatlong babaeng palaging kasama nito.

Agad akong napaayos nang upo at bahagya pang umusog palayo kaya napatingin sa'kin si Leon.

"Coach's already calling names, you should go back to the Gym na," ani Sonya at bahagya akong binalingan. Bago pa ako makangiti, ibinalik na nito ang paningin kay Leon.

"Nagsisimula na agad? Maya-maya pa dapat 'yon ah?"

"Yup, they're already starting na. 'Di ba?" Her friends agreed.

"Sige, susunod na lang ako." Leon uttered before facing me. "Ihahatid na kita,"

"Huh?!" I heard Sonya.

Napalingon ako doon at nagaalangang tumingin kay Leon.

"Uh... okay lang. Kaya ko nang bumalik do'n, una na kayo." Tumayo na ako at napatianod naman sa'kin si Leon.

"Ihahatid na kita Tine,"

I smile again before facing him and slightly glancing at Sonya. "No. It's okay, kaya ko nang bumalik sa building namin. Just go with your... classmates, baka kailangan ka na do'n."

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon