Kabanata 16...
Hug"Drink this."
Nang hindi s'ya nililingon, inabot ko ang isang bote ng tubig.
Maginhawa ang simoy ng hangin at hindi na ganoon kainit. Rinig ko ang pag hampas ng mumunting alon sa mga bato na talagang nagpapakalma sa'kin.
I spent the ride on our way here crying inside Leon's car.
Ngayong kalmado na ako, ramdam na ramdam ko na ang hiya. Pero bukod pa doon, ang awa sa sarili dahil sa kaninang nangyari.
I can vividly remember how their eyes look at me with so much pity, how they gasp at every harsh word that came out of Imogen's mouth. It even seems like Imogen's voice is still echoing in my brain. All her insults... her rants about how bad I am...
It's like a thousand knives stabbing my chest.
"Stop thinking about it."Sa sinabing iyon ni Leon, napalingon na 'ko sa kan'ya.
Nasaktuhan ko itong madilim ang titig sa tubig.
"Salamat..." I blurt out.
Kahit pa nahihiya, mas nananig pa rin sa'kin ang pasasalamat sa kan'ya.
Buong biyahe namin, hindi s'ya nagsalita. Kahit alam kong marami s'yang gustong sabihin o itanong, hindi n'ya ginawa. Ngayon lang s'ya muling nakipagusap dahil siguro nakitang kalmado na ako.
Nang hindi s'ya sumagot ay nagpatuloy ako.
"Sorry din... Hindi ka pa ba babalik sa school? Nandoon pa 'yung gamit mo, tapos may na-miss ka pa yatang klase..." I bit my lip in guilt.
"Wala na. excuse rin kami sa klase kagaya n'yo."
Tumango ako at nag iwas na lang ng tingin.
We fell into silence for the next minutes. Just distinct noises around us and the crashing waves through the shore, sound of fleeting birds... just... serene, calming.When Leon sighed, nagkatinginan kaming dalawa.
"Lagi 'yon?"
"Huh?" He just stares at me kaya bahagya akong natawa. "Ah, 'yung kanina... Hindi naman. Even if trainers always yell at us, hindi naman uh... ganoon?" I winced.
He nods and averted his gaze.
"Tss... namamaga pa mata mo,"
"Ah," wala sa sarili muli akong natawa. "Sorry."
"What?" Mabilis ako nitong nilingon nang nakakunot ang noo.
Tumagilid naman ang ulo ko sa reaksyon nito. Muli s'yang nag buntong hininga kaya napangiwi na ako.
"Gusto mong kumain?""Hindi na, uh, bumalik ka na lang sa school. Ayos na ako rito, magpapasundo na lang ako kay Kuya Manolo, o 'di kaya mag co-commute..."
"Wala na akong babalikan sa school, si Miguel na ang bahala sa gamit ko. Alam kong gutom ka na rin, kanina pa tayo umalis sa school."
"How about my things..."
"Pinakuha ko na rin kay Miguel. I know you're starving..."
"Okay..."
After getting inside his car, mabilis na kaming tumulak para sa isang kainan. Nang makarating kami doon ay hindi naman ganoon karami ang tao kaya kumportable ako.Matapos makahanap ng table ay agad kaming dinaluhan ng waiter.
"Bukod sa nuts, saan ka pa allergic?"
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces of Trust
Teen Fiction𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like everything is positive and exciting... What if you feel it with a person, but that person makes you question your worth? Would you rather be...