Kabanata 6...
CloserLeon together with his family's vacation at their province lasted for two weeks. Unang araw pa lang nang pag pasok n'ya muli sa eskwelahan, nagkita na kami. However, unlike before, he only smiled at me.
I don't know if it's just me, but I think something in him changed ever since he came back. O talagang assumera lang ako at inasahan ko s'yang parating malalapit sa'kin?
Isa pa, matagal din ang dalawang linggo n'yang pagkawala. Marami s'yang dapat na habulin, kaya malamang ay magiging busy talaga s'ya pagbalik. Ano ba itong iniisip ko?
Siguro nga assumera lang ako...
"Ito. Gwapo 'tong si Cameron, pasado na 'to. Matangkad din, mga tipo mo,"
Ngumiwi ako.
Hindi na nga ako ipinagkakanlulo ni Mama, ngayon namang nasagap ni Denver na may "girlfriend" na ang dalawa kong crush, s'ya naman ang gumagawa noon.
"Paano mo nalaman tipo ko?"
He looks at me as if I said a ridiculous thing, "Duh? Hindi ba obvious? Matangkad, may substance, menacing eyes, 'lam mo 'yon. Tapos gusto mo rin 'yung mga medyo mahaba 'yung buhok, 'yung tipong pag hinahawi," he faked a moan.
Napanguso na lang ako.
Well... he has a point. If I'll travel memory lane and stalk my past crushes, puro ganoon nga ang characteristics. But still, it doesn't prove a fact na porke ganoon ang itsura ay papatulan ko na. Of course, what's important is that that person is good for me, and I'm good for him.
"Tara na lang. Baka mahuli pa tayo sa susunod na klase," sabi ko at nauna nang maglakad.
Halos araw-araw kaming nagkakasalubong ni Leon sa corridors, tuwing lunch, field, o minsan kahit sa Gym, nagkakasabay ang section namin.
As much as I want to get even a slight conversation with him, I'm completely oblivious of what to talk to. Samantalang ang mga kaibigan naman nito at ilang kalandian, napakarami yatang laman ng isip at tuwing nakikita ko, panay ang usapan. I even overhear them sometimes.
Si Leon naman, sa kagalingan yata nitong mag multitask, kahit pa may ilang sinasagutan o binabasa, panay pa rin ang respond nito sa mga kadldalan.
"Plano ko nga pong mag ABM Tito, kasi syempre Business ang kukuhain ko sa College," nakangiting ani Leon.
"Mabuti naman at may plano ka na pala. Mabuti na rin 'yan at ikaw naman ang magmamana ng negosyo n'yo."
"Tine-train ko na nga rin Clark. Minsan sa opisina, inuuutusan ko nang matuto na," natatawang turan ni Tito Marcelo kay Papa.
"Buti masunurin ka, Leon?"
Leon only chuckles alongside with Tito Marcelo.
I've been thinking this too for the past few weeks. Maybe... I'll get ABM too, since I'm taking Business too, in college.
God, I can't wait to finally be independent and grown woman...
"Ikaw Callie, anong balak mong kuhain?"
My brows shot up at Leon's sudden question. "Ganoon din siguro, ABM."
"SWI pa rin?"
I just nod and slightly smile.
With our continuous meetings like this for the past months, I can say there's really a progress in me when it comes to communicating with Leon.
Hindi katulad dati, hindi na ako madalas pamulahan ng muka, minsan na lang din mautal, and somehow, I now manage to establish an eye contact with him without my legs trembling.
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces of Trust
Teen Fiction𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like everything is positive and exciting... What if you feel it with a person, but that person makes you question your worth? Would you rather be...