Kabanata 19...
Paasa"Kuya, teka lang. Paikot po muna saglit bago pumarada," anas ko habang nagmamasid sa labas ng orphanage. Lumipat pa ako sa kabilang bintana para tingnan ang paligid.
I wasn't wrong. Nang dumaan kami sa kabilang entrance ng orphanage ay nakita ko na ang sasakyan ni Leon. Pinabayaan ko nang iparada ni Kuya Manolo ang sasakyan sa parking space doon, pero hindi pa rin gumalaw nang tumigil ito.
"Kuya ikaw na lang po ang pumasok sa loob. Pakisabi na lang po wala ako," I averted my gaze.
"Narito naman po kayo ma'am..."
I unconsciously frowned. "Pakisabi po wala ako Kuya, pakibigay na lang po 'tong mga pinamili ko. Thank you," pinakatitigan ko pa ito at nagtataka namang bumaba si Kuya Manolo bitbit-bitbit ang mga para sa bata.
Alright, I'm avoiding him.After what happened at Batangas, hindi pa kami nakakapagusap. And I'm not planning to, but since I know it's unavoidable, naghahanda pa rin ako kung sakaling mag harap kami.
I just can't tolerate these feelings anymore. Masasaktan lang ako dahil wala namang patutunguhan 'to. He just sees me as his sister, nothing more.
Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita itong nakasunod kay Kuya Manolo pagkatapos ng ilang minuto. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan kaya kahit pagmasdan ko sila rito'y 'di ako mabubuko.
Leon said something and glance at our car. He stares directly at me!
I slightly panic but when he averted his gaze, natiyak kong hindi naman n'ya ako nakita. Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan. Pinagmasdan ko pa si Leon na lingunin ang sasakyan hanggang maglaho ito sa paningin n'ya.
I'll definitely miss our small talks...
"Justin!"I shouted when I feel like stumbling again. Tumatawa naman itong lumapit at inakay ang palad ko paglalakad.
"Dapat pala lagi kitang isama mag ice skating, ayaw mong mahiwalay sa'kin," he chuckles.
I didn't mind his statement and just focus on my feet. I can't take another fall. Kanina pa lumalagapak ang pwet ko sa yelo. Ang sakit na!
"Tsansing!" I heard Mia yelled.
"Let me help you," Sebastian offered and forwarded his hand.
Dahil isang kamay lang ang hawak ni Justin ay agad ko nang kinuha iyon. Hindi naman ako nagsisi dahil mabilis akong nakarating sa gilid at nanatili na lang ako doon habang sila'y nagsasaya pags-skate.
"Next time?" Justin grinned when we left the Skating Rink.Agad akong umiling. "There's no next time,"
"Tuturuan naman kita!" Humalakhak ito at muli lamang akong umiling.
"Are you guys enrolling na next week?" Marielle asked.
Nagsitanguan naman ang mga iyon. I guess I'll enroll next week too. Summer really is so short. Ilang linggo na lang pala'y pasukan na naman.
"Food court?" nakangiwing ani Cassie.
"Arte mo, pagkain din naman dito," Mia said.
Nakagat ko ang labi ko at nauna nang umupo sa isang table sa food court. Napangiwi pa ako nang mapansing para kaming may quadruple date, pero si Marielle, Baron, Cassie at Sebastian lang naman ang may date at kaming apat ay puro gulong dito.
"After this, I'm going home."
"Your house's not gonna run from you!" Mia shakes my arm.
"May gagawin pa 'ko..."
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces of Trust
Teen Fiction𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like everything is positive and exciting... What if you feel it with a person, but that person makes you question your worth? Would you rather be...