Kabanata 27

931 65 4
                                    

Kabanata 27...
Inis


Tinawagan ko si Papa nang nasa Malate na ako, pero hindi ito sumasagot. Kumunot ang noo ko at nag tipa ng mensahe rito. Ilang minuto lang, naka-receive na rin ako ng reply sa wakas.

He only sent me a name of a restaurant. Kahit bahagya pang naguguluhan, nag drive na lang ako patungo roon. Tirik pa rin ang araw kaya hinubad ko ang blazer ko bago bumaba sa sasakyan.

Panay ang lingon ko kung saan-saan habang sinusubukang tawagan si Papa. Hindi iyon sumasagot kaya sunod kong idinial ang numero ni Mama.

"Callie,"

"'Ma, I'm already here."

She cleared her throat. "Good. He'll be out in a minute,"

"Okay,"

"Callie..." My forehead creased.

"Po?"

"Wala. Take care."

Kumunot ang noo ko nang maibaba iyon.


Sumandal ako sa sasakyan habang patuloy pa rin ang pag linga. Bumuntong hininga ako at muling isinuot ang aviators. My face lit up when a name pops up on my screen.

"Yes?"

I heard him laugh. "Where are you?"

"Why is everyone asking where I am?" Natawa ako.

"I don't know! Come on babe, where are you?"

I chuckle. "Just somewhere in Malate. So, see you later?"

"Yeah, see you later. I already reserved us a table,"

"Where?"

"Just somewhere in Makati," he mocked.

Sumimangot ako. "Kaya mo na akong i-mock ngayon ha?"

Tumawa pa ako nang bahagya pero natigilan na lamang sa isang pares ng matang mariing nakatitig sa akin. Agad akong napaayos ng tayo.

Kunot ang noo ko habang pinapantayan ang titig n'ya, which technically he can't see but I know he knows I'm staring too.

Lalo akong napaatras nang magsimula itong lumapit sa'kin.

One glance and everything that happened the years before came back to me. All the frustrations, questions, doubt, devastation... longing, it came back. After all those years, I thought I've finally passed that stage, but it's still here. Seeking for answers.

"Miss Clamentine Caceres?" A woman beside him suddenly uttered.

"Wait," anas ko kay Jacob bago tinanggal ang aviators at hinarap ang dalawa sa unahan ko.

"Yes?"

"Ah," she giggles. "I think Mr. Caceres told you..."

Umawang ang labi ko at agad tumango. "Oh okay, wait." Mabilis akong nag tungo sa passengers' seat at binuksan iyon. Ngumiti ako sa babae pero ngumiti lang ito pabalik at binuksan ang likuran ng sasakyan.

Si Leon ang sumakay sa passenger's seat!

They're the one that I'm giving a ride! What the freaking hell?! I thought it was just a financial manager! Ni hindi ko nga alam na isa ang kompanya nila sa napurnada namin!

"Babe?"

Napaigtad ako at pinabayaan na ang dalawa na komportable nang nakaupo sa loob ng sasakyan.

Naglakad ako pabalik sa driver's seat.

"I'm sorry, may kinausap lang. See you later?"

"Oh, you're busy. It's okay. See you later. Susunduin na lang kita, okay?"

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon