Kabanata 5

1.1K 90 7
                                    

Kabanata 5...
Girlfriend


I maybe 14, but I already knows how the world works. Hindi lahat ng taong nagpapakita ng mabait na gawain, mababait. Hindi lahat ng mabuting gawain, tama. May mga taong darating at darating sa buhay na magbibigay ng paalala sa'tin na hindi lahat ng tao, may pakialam sa nararamdaman mo.

Randam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo kasabay ng maingay na makinarya sa paligid.

"Callie, anak. Oh my God, what are you doing?! You're not supposed to do that! Halika nga rito!"

Kahit na labag sa kalooban, lumapit ako sa kinaroroonan ni Mama. Next to her is Chanel which I pet as soon as I reach its head.

"Hindi kita isinama rito para mag trabaho, just sit there!"

Bumuntong hininga lamang ako bago tumango rito.

It's a sunny Sunday at imbis na magpahinga sa bahay, nagdesisyon akong sumama sa aming warehouse. It's better to just go with them than stay at home. Kung ano-ano lamang ang maiisip ko.

Katulad na nga ng nararamdaman ko kay Leon...

Upon thinking about it after my conversation with Papa, I can say, I really have a crush on Leon.

However, kahit na na-realize na iyon, hindi pa rin ako umamin ni kay Papa.

Last week, I already told Mama I "broke up" with Denver. She doesn't even had reaction when I said it, and thank goodness, she wasn't eager to push me into a relationship na. Perhaps she just now understands that I'm not ready for it, or maybe Papa talk to her about it again. Either way, I'm thankful she finally stopped.

Kasabay naman nang pagka-realize ko sa nararamdaman para kay Leon ay ang sunod-sunod na rumors tungkol sa karelasyon nito.

"Naku, girlfriend n'ya nga raw 'yan, narinig ko doon sa kabilang section. Bukambibig daw 'yon ni Elsa e, nagseselos daw, Dyos ko! E hindi nga 'yon kilala ni Leon,"

"Hindi! Kaklase ng Ate ko 'yan e, ang girlfriend daw n'yan ay 'yung kaklase nila!"

"Ang dami naman kasi, meron pa nga akong narinig sa Senior daw."

"Oo nga. Mas matanda raw kasi 'yan, kaya ayos lang kung pati Seniors," rinig ko ang paghahagikhikan ng dalawa kong kaklase habang dumadaan si Leon kasama ang isang babaeng kaklase nito na s'ya ring rumored girlfriend n'ya.

Hanggang sa makalagpas ng room namin ay pinakatitigan ko ang dalawa.

Bagay naman sila, matangkad si Leon, matangkad din 'yung babae. Mahaba ang buhok, morena, maganda ang complexion ng muka, bagay talaga.

"Selos ka?" Tanong ni Denver matapos sipain ang upuan ko.

Umiling lamang ako at bumalik na sa papel na binabasa.

"Sus! Kitang-kita sa muka mo e! Pero totoo nga yata 'yon 'Te, may girlfriend na raw 'yan. Ang bilis din naman e 'no! Kakalipat lang dito, nakabingwit agad!"

I shrug. "May itsura e,"

"Right! E pa'no 'yan? Wala ka na?" Humalakhak ito. "Wala ka naman kasing ganap e, ni hindi mo man lang landiin! Galaw-galaw din minsan!"

Nag kibit balikat na lang ako at hindi na pinansin ang kaibigan kahit panay pa rin ang usap nito tungkol sa mga girlfriend ni Leon.

Noong una ay dalawa lang, ang kaklase nito at ang isang Senior, pero nang sumunod na linggo ay binungad na lang ako ng balitang may girlfriend s'ya sa kabilang section namin. Nakita raw ng mga kaklase nito ang pagkikita ni Leon at ni Nicole- ang ka-batch namin sa kabilang section, na nag date matapos ang klase sa isang cafe.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon