Kabanata 24...
Jealous
Mabilis na lumipas ang holidays. Ilang araw lang matapos magsimulang muli ang pasukan ay tumambak na ang mga gawain namin. Maski sila Leon ay busy na rin sa school works. We're both near finals anyway.Baliktaran ang schedule ng stress namin. May research, projects, meron pang long tests and quizzes. Mabuti na lang at hindi kami masyadong busy para sa festival ng school dahil kung hindi ay mas gugustuhin ko na lang bumagsak.
Hindi ko na nga namalayan ang pagkatapos ng Hunyo. Nalaman ko na malapit na palang ang Valentine's Day.
Dati naman ay wala akong pakealam, pero ngayong may Leon na ako ay nasa isip ko na rin iyon.
Pabalik na kami sa room nang mamataan ko si Leon sa isang kiosk. Hindi ko na sana papakialaman, pero nahanap na nito ang paningin ko.Tumango na lang ako sa kaninang kausap na kaklase at nauna na iyong mag lakad.
"Meeting?" I asked.
"Yup, para sa booth namin sa Festival,"
Tumango ako. "Good luck."
Nagsimula itong maglakad kaya napasunod din ako rito.
"Aren't you gonna go back there? Nagmi-meeting yata kayo," napalingon ako do'n at nasaktuhan ko ang sulyap ng ilan n'yang kasama.
"We're just brainstorming. Naibigay ko na rin naman ang ideya ko."
Muli akong tumango. "By the way, I might not reply to you later if you'll message me. Mag gagawa kami ng research,"
"It's okay. I know you're busy, magre-review rin ako mamaya."
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Tumaas naman ang kilay nito kaya natatawa lang akong umiling.
"Anong ginawa n'yo sa auditorium?"
"Film viewing about something related to our class," I shrug. "Isa pa pala iyon. I need to make an analysis about it," I sigh.
"You need help?"
Umiling ako at ngumiti. "Kaya ko na, but thank you."
"Oh, of course you can!" Humalakhak ito.
"Callie?" Sabay kaming napalingon kay Justin. "Naabutan pa kita, akala ko nauna ka na?"
"Mabagal yata ako," I chuckle and glance at Leon. "Ayos na 'ko rito Leon, balik ka na ro'n. Baka pagalitan ka ng groupmates mo,"
Kumunot ang noo nito. "You're fine here?"
"Yup. Sabay na lang kami ni Justin pataas,"
Saglit pa itong tumingin kay Justin bago tumango. Ngumiti naman ako at kumaway sa kan'ya bago tahakin ang pabalik sa classroom.
"Diretso na raw tayo mamaya, sasabay ka na ba?" Ani Justin.I nod. "We need to finish it quickly. Magde-defense pa tayo,"
"Kaya nga e. Tambak na. Ayaw pa yata tayo pa-graduate-in,"
Natawa ako at sumangayon na rin dito.
It's all worth it in the end, I guess. Ilang linggo na lang din naman ay graduation na namin. I can't believe it. Mag co-college na 'ko!
Natulog ako nang nasa byahe kami papunta sa bahay ng leader namin. Kung hindi ko pa naramdaman ang init na dala ng kape ni Justin ay hindi ako magigising.
Pagod ang utak ko at maging ang buong pagkatao ko yata ay gano'n din.
"Sorry! Natapunan ba kita?"
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces of Trust
Teen Fiction𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like everything is positive and exciting... What if you feel it with a person, but that person makes you question your worth? Would you rather be...