Kabanata 32

1K 64 1
                                    

Kabanata 32...
Kisses


Buong linggo matapos n'yang ideklara na manliligaw s'ya ay walang mintis ang bisita ni Leon sa opisina. Kung walang dalang palumpon ng mga bulaklak ay pagkain naman ang dala n'ya. Madalas na rin akong maagang mag lunch para may excuse ako at maaga s'yang makaalis.

Ngayong araw ay alas tres na ng hapon pero hindi ko pa rin s'ya nakikita.

Pinagkrus ko ang dalawang braso at nagpaikot-ikot gamit ang upuan.

What am I thinking? Sangayon na ba talaga ako sa panliligaw n'ya? I thought I was against it, why am I expecting him to appear?


I was drawn with my thoughts when Leon came rushing to my office. Hinihingal pa nito habang may bitbit na paper bag.

"I'm sorry, I'm late." He smiles apologetically before reaching my table and placing the food over it.

Itinaas ko lang ang noo ko habang pinagmamasdan s'ya.

He smiles. "Miryenda,"

I nod.

He anxiously places my smaller couch to face my table and fix his sitting posture. I clearly saw him gulp as he fixes his tie and jacket.

"May in-attend-an lang akong emergency—"

My palm on the air made him stop.

"I know." I uttered and pick up the fork.

"Galit ka ba?"

My brow arched. "Bakit naman ako magagalit?" Ngumuya ako.

Pinagmasdan n'ya lang ako. Muli ko pa s'yang tinaasan ng kilay at kinuha ang inuming nilagay n'ya sa lamesa.

"Next time kahit 'wag ka nang pumunta dito. We have enough food at our canteen, and you bought me enough flowers."

Umismid s'ya pero may ngiti sa mga labi. "Galit ka."

"Hindi nga ako galit..."

"Tine, I was just out to make an errand for the company. Wala akong ginawang masama,"

"Wala naman akong sinabi. Besides, I know you have a job to do. Kaya nga unahin mo na 'yon."

"Mas mahalaga ka,"

I scoff. "Just finish your food and leave. You're making my office your dining room,"

He pursed his lips. "Para sa'yo lahat 'yan, ubusin mo."

Napasinghap ako.

"This is too many!"

Ngumuso s'ya. "Luto ko 'yan. I know you like pasta..."

Luto n'ya? Masarap. I didn't know marunong s'yang magluto. Sabagay, ano bang alam ko sa kan'ya?

Agad tumabang ang timpla ko sa naisip.

"Hindi ko mauubos 'to,"

"Eat what you can eat..."

I eyed him, yet still feel guilty. He cooked this, of course may effort 'yon. Labis pati ang ngiti n'ya nang maubos ko ang nasa Tupperware. Umismid na lang ako.

He needed to leave quickly. Talagang hinintay n'ya lang akong matapos kumain.

Dahil wala na rin akong ginawa kahit nang matapos umalis ni Leon ay nag out na rin ako. Naiinis pati ako sa sarili. Halos isang oras akong nakatunganga doon bago s'ya dumating. Ano? Hinintay ko lang talaga s'yang makarating?

Napa-accelerate pati ako ng sasakyan sa inis.



"Mabuti naman at naisip mo pang may bahay ka rito," masungit na ani Mama nang makita ako sa sala.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon