Chapter 3: ZORTA GUILD

1.9K 26 1
                                    


Hinawakan ko nalang ang bato at nag concentrate upang ma maintain ang aking kapangyarihan.

hinahantay nalang kung anong kulang ang lalabas sa bato. dahil ang tagal naman nitong lumabas pero sa iba ay ang bilis ngunit sa akin ay napaka tagal.

" BLUE "

Kyle Pov.

" Ok, blue ang lumabas sa bato pumunta ka na ngayon sa inyong room " - sabi ng namamahala sa bato

pumunta na ako sa pwesto ni Rico dahil sabay daw kami pupunta sa aming room.

" hindi ko akalain na magclassmate tayo " - naka ngiti nitong sabi sa akin

kung alam mo lang rico, kaso hindi ko pa maaaring sabihin kung ano mga kaya kong gawin

" oo nga ehh buti magclassmate tayong dalawa diba " - naka ngiti kong sabi din sa kanya.

nagmadali na kaming pumunta sa room dahil bala malate kami sa aming mga gawain.

nasa 3rd floor ang aming classroom kaya marami kaming nadaan na room, pag dating namin sa aming room kaming dalawa nalang ata ang kulang kaya dali dali kaming pumunta sa bakanteng upuan.

Wala pa ang aming prof siguro maya maya andito na yun.

" Magandang umaga " - bati na kakarating na prof namin, base sa aking nakikita sa kanya napaka gwapo niya ahh jusme ganito pa lang ang aming prof.

ang ganda ng pangangatawan at tindig kung pwede ka lang jowain prof ginawa ko na hahaha.

" sa mga susunod na araw ay walang magiging classe dahil napaaga ang tournament ng bawat guild sa ating school ako ang magiging teacher niyo sa physical education ihahasa at tuturuan ko kayo kung paano lumaban at idefens ang inyong mga sarili " - dagdag pa nito

" Ano pa ang inaantay niyo pumunta na sa gym upang umpisahan na ang pagpili ng bato sa inyong pupuntahan na guild at pagtapos niyan sasamahan ko kayo sa ating training room " - dagdag pa ni prof.

kaya inaya ko na si rico na magmadali na sa pag punta sa gym upang malaman na namin kung ano ang aming magiging guild .

pag dating namin sa gym lahat na andito napa brown, blue, red at gold na section ay andito na.

" Magandang umaga sa inyong lahat dahil napa aga ang tournament ng bawat guild na andito, iisahin ko ang mga guild na andito, Zorta, Azure, Zore, Alzur " - dagdag pa ng isang prof

" Ang nangungunang guild ay ang Alzur, ang kanilang leader ay si prince Xander ng Zorte Kingdom at ang kanyang mga members ay ang mga prince at princess ng bawat kingdom dito sa Zorte ay sina Prince William ng Earth Kingdom, Prince Carl ng Fire Kingdom, Princess Alyss ng Water Kingdom at ang pang huli ay si Princess May ng Air Kingdom " - sabi ni prof at nagsi labasan na ang mga Royal's.

bigla nalang sila lumitaw sa gitna ng gym na naka teleportation, ang pagkaka alam ko ang my dugong bughaw lang ang makaka gamit ng Teleportation kung hindi ka dugong bughaw ay hindi mo magagamit ng Teleportation kahit na ikaw pa ang pinaka malakas dito sa school.

naka pwesto na sila sa harapan ng kanilang bandila ng Alzur.

" at ang pangalawa sa kanila ay ang Zore at sumunod Azure at ang pinaka huli sa lahat ng guild ay ang Zorta, ma pwesto na sa harapan ng bato upang malaman kung anong guild ka mailalagay " - sabi ng prof

kaya ang lahat ay nag pwesto na sa harapan ng bato na naka pila upang malaman na kung anong guild sila mailalagay.

inaasam ng karamihan na mapunta sa Alzur Guild upang makasama ang mga Royal's gusto ko sana ang kaso mas gugustuhin ko mapunta sa mahinang guild bibigyan ko ulit ng dangal ang Guild ng Zorta.

" Kyle sana mapunta naman tayo sa malakas na guild nohh " - sabi ni Rico.

" nakuu gusto ko mapa angat ang Zorta Guild " - Sabi ko sa kanya sabay smirk.

natawa nalamang ako sa kanya dahil nagtaka siya sa aking sinabi na parang ayaw niyang marinig.

" sigurado ka ba jan Kyle dahil limang members lang ang meron ng Zorta Guild  " - nagtataka nitong sabi sa akin, kaya tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti sa kanya.

" ohh sige, kung asan ka dun na din ako my tiwala naman ako sa mga desisyon mo " - naka ngiti nitong sabi sa akin.

nag pwesto na siya sa harapan at hinawakan na ang bato upang malaman kung anong guild siya mapupunta.

" Zorta " - ayang guild ang lumabas sa bato, kaya tinawanan nalamang siya ng lahat dahil napunta siya sa Zorta Guild na napaka hina, gumilid na lamang siya dahil sabay daw kami pupunta sa guild na yun.

hinawakan ko na Ang bato at nag concentrate sa aking kapangyarihan upang malunta sa guild na yun.

" Zorta " - ayan ang lumabas sa bato kaya tumawa nanaman sila at sinabihan na ang weak namin dahil napunta kami sa pinaka mahinang guild.

pina punta na kami sa pwesto ng Guild namin upang makipag kilala sa aming leader.

" Hi " - bati nila sa aming

bumati naman kami pabalik sa kanila at nagpakilala na din.

" Ako nga pala ang leader ng guild na to ako si Shiela at ang aking ability ay Healing at sila naman ay si Carlo ability ay Mind Reading at si Hannah ability ay Telepathy at si Ronald ability shifter at ang pang huli ay si Cristel Healer din kagaya ko " - pakilala ng leader sa bawat members niya

" Ako nga pala si Rico Ability ko ay Strength " - sabi ni Rico sa kanila

" nakuu puro support type yung nasa guild na napuntahan niyo pasensya na " - malungkot na sabi ng leader namin kaya nakaka awa yung sa guild nila.

" Don't worry akong bahala sa pag angat ng guild natin " - naka ngiti kong sabi sa kanila kaya nabuhayan sila sa aking sinabi

" Pero hindi naman namin alam kung ano yung ability mo " - nagtataka niyang sabi sa akin

" Basta ako bahala hehe " - sabi ko nalang sa kanya

" sige ikaw nalang yung magiging leader namin total malakas yung confidence mo sa iyong sarili at magtitiwala nalang kami sa iyong kakayahan " - naka ngiti nitong sabi sa akin.

Tinawag na Ang bawat leader ng bawat guild at pinapunta sa gitna. nagpakawala ako ng pinakalakas na aura sa kanila upang maka ramdam na sila ng takot.

Natawa na lamang ako sa kanilang reaksyon dahil hindi nila batid kung kanino galing na aura ang lumabas.

naka hilira na kami sa gitna at sa likod namin ang aming members, pinapunta na kami sa aming upuan upang mag usap usap sa gagawing Plano namin sa guild namin.

" Kyle ano ba yung binabalak mo sa guild natin " - tanong ni Rico

nag sang ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi. nag smirk na lamang ako sa kanila sabay sabing ako ng bahala.

" Alam niyo ba na itong guild natin ang pinaka malakas na guild sa kasaysayan, namatay lamang sila dahil sa digmaan laban sa dilim ang Zorya Kingdom, Ang kapatid ng Hari ng Zorte Kingdom nagpa lamon ng poot, galit at ingit kaya sinakop siya ng Dilim kaya nagkaroon ng Zorya dahil nagtayo siya ng sariling hukbo upang talunin ang kanyang kapatid na hari natin. ngunit hindi nila matalo ito ng dahil sa guild natin dahil napaka lakas ng guild natin noon kahit kapalit pa ang Buhay nila, pagkamatay nila at namatay din ang hukbo ng Dilim ngunit ang Hari nila ay naka takas siguro nagpaparami at nagpapalakas na din, tatangalin na din dapat itong guild ngunit kami pumalit upang hindi ito ma alis" - nakaka lungkot naman ang nangyare sa guild na ito kaya pala gusto kong iangat ulit at palakasin dahil sa ganun pala ang nangyare.

mag antay kayo dahil kami ang mangunguna sa guild at lalagpasan namin kayo.

















ITUTULOY.

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon