Chapter 1 : ANG UMPISA

15.9K 151 2
                                    


Kyle Pov.

Nagicing na lamang ako sa sinag ng araw na nag mumula sa bintana. ginawa ko na lamang ang aking morning routine.

natapos na ako sa dapat kong gawin kaya bumaba na ako sa hagdanan namin. Nakita ko na si mama na nag hahanda ng pagkain namin.

" Goodmorning Ma " - naka ngiti kong bungad dito. bumati naman ng pabalik si mama sa akin kaya nag umpisa na kami kumain.

" Nak, mag iingat ka ahh " - biglang sabi ni mama kaya nagulat na lamang ako dahil ganun na lamang siya magsalita

" Bat ma san ka pupunta " - takang tanong ko sa kanya dahil ang weird niya ngayon alam ko naman na nakikita niya sa panaginip o kahit na gicing siya ay bigla niya nalang nakikita ang hinaharap at kung ano bang mangyayare.

" Basta nak alagaan mo yang sarili mo sinanay kita kung paano lumaban at ipag laban ang sarili at pinalaki kita na my mabuting puso " - naiiyak na lamang ako sa kanyang mga sinasabi kaya hindi ko na natapos ang aking kinakain at napa yakap na lamang ako sa kanya.

natapos na kaming kumain at nagsabi na ako na papasok kahit na ayaw ko siyang Iwan ay kailangan ko pa ding pumasok.

alam ko naman na hindi ako o kami ni mama na hindi kaming normal na tao dahil my kapangyarihan kaming dalawa at alam ko din na hindi ko siyang totoong Ina pero kahit hindi ko siya totoong Ina ay tinuring niya pa din ako na tunay na anak.

andito na ako sa tapat ng school namin at papunta na ng room upang hindi ako ma late dahil ayaw na ayaw ng mga prof namin na malate. dito sa mortal hindi kami mayaman o mahirap dahil sakto lang kumbaga my kaya.

" Kyle Reyes " - nagulat na lamang ako na tinatawag ang aking buong pangalan na kung sino man.

" Kyle my nag hahanap sayo sa labas " - kuwan ng president namin, tumango na lamang ako sabay labas at pinuntahan ang nag hahanap sa akin.

"Pasensya na kung na istorbo ka pero pinapatawag ka ng school principal " - tumango na lamang ako at sumunod na lamang sa kanya.

andito na ako sa tapat ng office ng principal at sabay katok ng dalawang beses upang malaman niya na my tao dito sa labas.

Binuksan ko na yung pintuhan at sabay pasok, bumati naman ako sa kanya sabay pina upo niya na ako

" Goodmorning Kyle " - naka ngiti nito sa akin bumati din naman ako pabalik

" pinatawag kita upang ipa batid sayo na magpapa alam na ako sayo dahil simula bukas hindi niyo na ako magiging principal " - malungkot nitong sabi sa akin

malungkot ako sa aking narinig dahil tinuring ko na din naman siyang pangalawang Ina sa akin bukod kay Mama.

" nakaka lungkot naman pong marinig " - malungkot kong sabi sa kanya, yinakap niya na lamang ako dahil parehas kaming nalungkot

" pero kyle ramdam ko na magkikita pa tayo hindi man bukas baka sa hinaharap " - naka ngiti nitong sabi sa akin.

nag usap kami ng mga ilang oras bago mag paalam sa isa't isa. bumalik na ako sa classroom namin buti wala pang prof pero maiintindihan naman nila kung sakali akong malate dahil ang principal ang tumawag sa akin..

maka lipas ang ilang oras sawakas uwian na, pero habang palabas na ako ng school bigla nalang ako kinutuban at bigla nalang sumikip ang aking dibdib.

napa iyak na lamang ako ng hindi ko alam kung bakit, kaya dali dali na akong umuwe sa amin baka ano na ang nangyare..

pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulantang ako sa aking mga nakikita ang daming nagkalat at pati ang mga ding ding ay nag crack at yung pinto ay nasira kaya binilisan ko nalang pumasok upang tignan si mama.

pag dating ko sa loob ng kwarto ni mama ay ang gulo ng kwarto niya at nakita ko siyang naliligo na ng dugo sa kanyang higaan.

Parang tumigil ang aking Mundo sa aking mga nakikita, si mama naliligo na sa kanyang sariling dugo napa iyak nalang ako ng Todo at dali daling pumunta sa kanya at yinakap ng sobra.

kaya pala, kaya pala ganun siya kanina dahil ganito ang mangyayare sa kanya, bigla na lamang my humawak sa pisnge at tinignan siya.

" Maaaa " - lumuluha kong sabi sa kanya, bakit ganito ang kanyang sinapit sino ang gumawa nito sa kanya.

" Anak diba sabi ko mag iingat ka " - nauutal nitong sabi sa akin kahit na nahihirapan at pinipilit niyang magsalita " anak sorry kung hindi kita sinabihan dahil alam ko ang iyong gagawin at ayaw kitang mapa hamak, gusto kong kunin mo yung kwentas mo na my pendant na buwan, mag bigkas ka lamang na AZORE ZOR AZURA, Upang maka pasok sa totoong Mundo natin sorry anak hindi na kita masasamaan sa totoong Mundo natin - lumuluha nitong sabi sa akin at Napa iyak na lamang ako ng sobra

" Anak kailangan mo ng magmadali baka maabutan ka nila dito, pero anak sa pagbalik mo sa totoong mundo natin malalaman mo kung sino ka at ano iyong gaganapin sa mundong yun pero anak alagaan mo yang sarili mo, isang karalangan na pagsilbihan ka ka-------" - hindi ko na narinig yung dulo niyang sinabi dahil bigla nalang siyang naglaho na my mga das na gold.

nagmadali na akong kumilos at baka ang mga tinutukoy ni mama ay maabutan ako masasayang ang kanyang sakripisyo kung maabutan ako.

nag bihis na muna ako at kumuha ng hood upang walang maka kilala sa akin, kinuha ko na ang kwentas na my pendant na buwan na tinutukoy ni mama na sa ako daw ang nag mamay Ari.

" AZORE ZOR AZURA " - bigkas ko at bigla nalang my lumitaw na portal siguro ito na yung tinutukoy ni Mama.

pumasok na ako sa loob ng portal at lumabas ako sa labas ng school na to at my mga kasing edad ko na andito.

ano kaya ang kanilang ginagawa dito, siguro ngayon pa lang mag bubukas ang kanilang paaralan para sa taon na to.

kailangan ko makapasok Jan at makapag aral upang maganti ko kung sino ang pumatay sa aking nanay nanayan..

" mga mag aaral ngayon pwede na kayo maka pasok sa paarang Ito ang ZORTE ACADEMY pumasok na kayo sa loob upang makapag register na kayo at para bukas ay magsisimula na kayong pumasok sa paaralang ito " - anunsyo ng isang prof

gagalingan ko ma para sa iyo ito bulong ko sa aking sarili.


















ITUTULOY...

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon