" Goodluck sa darating na laban ng inyong guild sana gabayan kayo ng kataas taasang bathala " - dagdag pa nito kaya nag pasalamat nalang kami Kay prof sa kanyang mga tinuran.
" mag handa na kayo " - bulong ko sa aking sarili .
Kyle Pov.
Lumipas ang mga araw sa pag eensayo sa aming mga kakayahan. ngayon araw na ang laban para sa guild na kabibilangan namin.
mag uumpisa mamaya, malalaman na ng lahat kung sino sino ba ang mangunguna at mahuhuli sa laban mamaya.
nag palit na kami ng aming susuotin, battle costume ang aming outfit dahil my magic ang aming outfit upang hindi kami masyadong masaktan sa laban mamaya.
" nakahanda na ba kayo guys sa laban mamaya " - sigaw na tanong ko sa aking mga kasamahan..
" Naka handa na " - sabay na sabay na sigaw nila sa akin, napa ngiti na lamang ako sa kanila
Dahil halatang halata sila na eexcite na my halong kaba na mangyayare sa amin mamaya.
" Kahit anong mangyare mamaya, basta ibigay lang ang ating makakaya wag na wag niyo idown ang iyong mga sarili upang hindi kayo mapang hinayahan mamaya " - wika ko sa kanila, ngumit na lamang sila sa aking sinabi.
pinapunta na sa gym ang mga guild na sasalang sa laban mamaya. andito na ang lahat kasama na din ang mga Royal's.
" magandang umaga sa lahat na andito sa gym " - pagbati sa amin ng headmistress.
napa tingin naman siya sa akin at ngumit at bumulong na goodluck sa akin, kaya ngumiti na lamang ako sa kanya.
hindi kami makapag usap ng headmistress dahil pare parehas kaming busy dahil sa tournament ng bawat guild.
" ang mechanics ng laban na ito ay ang bawat guild na kasali ay ipapasok lamang na lima dahil limang manlalaro lamang sa bawat guild na kasali, magkakaroon ng solo, duo at trio sa laban na ito at ang pang huli Lima laban sa lima " - dagdag pa nito
" kung sino ang tatanghaling panalo ang siyang mangunguna sa nagsasabing ang pinaka malakas na guild dito, at magkakaroon ng Champion, 1st runner at 2nd runner up lamang " - sabi pa nito
"Unang laban ngayon araw ang solo pangalawang laban bukas ay duo at sa susunod na araw ay ang trio at ang pang huling laban ay ang laban ng guild na lima laban sa lima at para sumaya ang lahat kung sino ang mananalo na guild siya ang gagawing supreme student ng school na ito at magkakaroon ng best player sa tournament na ito, hindi ko na patatagalin pa " sabi nito at huminga ng malalim at sumigaw na
" Simulan na Ang Laban " - sigaw ng headmistress.
" mamili na kayo kung sino ang ilalaban para sa duo, pumunta lamang kayo sa harapan my makikita kayong bilog ayan ang gagamiting teleportation para maka pasok sa Orb na ginawa " - sabi ng isang prof sa harapan ng stage.
" Ako na ang uunang sasalang ngayon araw at mamaya natin pag iisipan ang gaganapin para bukas " - naka ngiti kong sabi sa kanila.
" Good luck Kyle " - Rico
" Galingan mo Kyle " - shiela
" Kahit anong mangyare basta gawin mo lang ang best mo Kyle " - Carlo
" Tama " - Hannah
" Goodluck leader " - Ronald
" Goodluck " - Cristel
" Para sa guild, gagalingan ko " - naka ngiti kong sabi sa kanila at nag thumbs up nalang sa akin
tinawag na ang mga sasalang para sa solo, sa mga sumalang sa solo ay puro leader ang sumali ngayong araw na ito.
" wooahh, puro leader ang gustong lumaban ngayon araw na ito kung ganun pumunta na kayo sa harapan niyo na bilog umapak lamang kayo upang maka pasok na sa orb " - sinabi ng MC sa amin
sabay sabay na kaming pumunta dito sa harapan namin at umapak na sa bilog na kanyang sinasabi.
pag apak ko nagulat na lamang ako na nasa loob na pala ako ng orb na sinasabi nila, nakaka mangha dahil napaka bilis ng pagpasok namin dito.
" pag count down dun lamang mag sisimula ang laban at ang pinag babawal sa larong Ito ang patayan " - rinig kong sabi ng mc
" 3 "
...
...
..." 2 "
...
...
..." 1 "
...
...
..." Simulan na " - sigaw ng mc sa amin.
ITUTULOY.
BINABASA MO ANG
My Hidden Identity
RomanceAko ay babalik muli hindi man ngayon pero sa takdang panahon. Note : this is BxB story kung ayaw mo ito lumisan ka na lamang upang maiwasan ang pag report Start date : 08/05/21 End date : 04/11/22