Chapter 28 - PAG BABALIK

127 12 0
                                    

lahat ng tao ay nag sisisigawan at Ang kanilang sinisigaw ay Ang pangalan ni Kyle

" Kyle "

" Kyle"

" Kyle "

" Kyle "

"Kyle " - Ayan lamang ang iyong naririnig sa loob ng stadium. Bigla nalang nagpa labas ng magandang aura si Kyle at nalalasap nila nito ang ginhawang pakiramdam.




Someone Pov.

na announce na kanina kung Sino ang top 1 sa elite 7 ay kundi si Kyle. Umuwe na mga princepe at princessa pag dating nila sa kanilang bahay ay my magandang balita na bumungad sa kanila na Hindi nila inaasahan na mangyare.

nanlaki Ang mata ni xandre sapagkat ang kanyang minamahal ay dumating na sa haba ng panahon ay nag balik muli Ang kanyang minamahal

" Mahal " - maluha luhang bangit ni xandre sa kanyang pinaka mamahal, lahat ng mga kasamahan niya ay maluha luha sapagkat muli nila itong nakita.

" Ohh, anong drama yan guys papanget nitong umiyak Tama na yan " - natatawang wika ng babae

" Andrea kailan ka pa naka balik " - tanong ni allyss

" Kanina lamang " - sagot nito sa tanong ni allyss, dinamba kagat ng yakap ni xandre si Andrea dahil ngayon niya lang muli itong na yakap.

" Tara na guys, kumain na Tayo nag luto ako ng makaka kain natin marami tayong pag uusapan " - ngiti nitong sabi sa kanila, kaya silang lahat ay pumasok na sa kanilang tahanan at para kumain na.

kinabukasan....

Kyle Pov.

papasok na kami sa aming unang class ni Rico, habang kami ay nag lalakad ay nakita namin sila allyss na my kasama silang napaka gandang babae, lumapit sila sa Amin at kasama Ang babae.

" Kyle, Rico meet my long lost friend Andrea " - nakipag kamay kami sa sinasabi niyang Andrea, Ang ganda nitong ngumiti kaya napa ngiti na lamang ako sa kanya.

" And girlfriend of xandre " - sabi ni Andrea sabay smirk sa akin, anong problema nito aanhin ko naman yung boyfriend niya ehh Wala naman anong paki alam sa lalaking yan.

" Guys papasok na kami see you later " - paalam nila pero nag pa Iwan si Andrea kaya na una na yung iba.

" Wag na wag ka ng lalapit sa kanila dahil hindi naman nababagay yang katulad mo sa kanila kundi my paglalagyan ka " - smirk nito, umalis na siya sa harapan namin.

" Siya si Andrea, Isa ding maharlika katulad nila kaya hindi mo na nanaisin na maka lapit pa dito Kyle, kaya binabalaan na kita Kasi mahirap yang maka laban " - babala ni Rico, tumango na lamang ako sa kanya at maka punta na sa aming unang klase,

Lumipas na ang ilaw oras tapos na ang aming klase sa araw na ito, kaya pumunta na kami ni Rico sa cafeteria upang kumain dahil mag gagabi na, nag break time naman kami kanina kaya kakain ulit kami para sa dinner.

maraming nag kwekwentuhan dito dahil sa pag babalik ni Andrea, sa naririnig na Isa pala itong maldita, mataray at matapobre sa lahat, Wala itong pinipili kaya talagang mapapa isawas ka talaga sa taong yan..

pag dating namin sa cafeteria nakita namin sila busy sa pakikipag usap Kay andrea, tumingin naman sa akin si Andrea na pinalalakihan ako ng mata kaya umiwas na lamang ako..

pagtapos namin kumain ni Rico ay umuwe na kami sa aming silid upang mag pahinga na....





























ITUTULOY.....

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon