kabanata 2

117 66 2
                                    

Akimira' PoV

"Attorney, someone is waiting at you in the lobby" saad ng secretary ng kompanyang pinapasukan ko. Ako ang kinuha nilang attorney sa kompanya nila at saad ng CEO naming si Mrs. Alcanciado ay pwede naman akong kumuha ng mga cases para magkaroon parin ako ng income. Private attorney naman ako criminal cases talaga ang minasteral ko nung nag-aaral pa ako pero dahil may naglahok sa akin ng ganito nag-aral pa ako ng iba saka ko ito tinanggap.

Lumabas ako sa aking opisina at tinignan kong sino iyon. Isang babaeng nakaupo kasama ang anak na babae mga 9 na taon.

"Magandang umaga po, ano po ang maipaglilingkod ko?" tanong ko sa ale.

"Patulong po attorney" nagsimula nang lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata

"Ano po ba ang nangyare?" tanong ko sa kanya, ang kanyang anak naman ay niyayakap siya at pinapatahan

"Gusto pong ipakulong ang asawa ko" hikbing saad niya habang nakatingin saakin

"Sino po?"

"Iyong hipag niya. May kapatid kasi siyang attorney din kaya malaya niyang nagagawa ang gusto niya. Matagal nang hindi kami magkaayos ng mga iyon pero ngayon ay sinampahan niya ng kaso ang asawa ko sa kadahilanan daw na sinampal siya at tinutukan daw po siya ng kutsilyo ng asawa ko"

"Sigurado po bang hindi ginawa ng asawa niyo iyon?"

"Opo atty. hindi magagawa nang asawa ko yan sa katunayan nakita po siya ng isang hipag namin pwede po naming gawing witness iyon." pagpapatuloy niya

"Kung ganun po maari po tayong magsimula bukas. Pakisabi nalang sa witness na magsalita siya ayon sa nakita niya. Walang pong labis walang kulang"

"Salamat po attorney. Pero magkano naman po ang gagastusin ko para dun?" tanong niyan sa akin

"Siguro po makakagastos kayo ng sampong libo pataas "

"Nay wala po tayong ganung kalaking pera" saad ng bata na siyang nagpaluha sa ina. Iniwas ko ang aking paningin sa kadahilanang hindi ko sila kayang makita at bumabalik lang aking nakaraan. Nakakapanghina.

"Huwag kayong mag-alala tutulong ako sa inyo" saad ko sa kanila na siyang ikinagulat ng mag-ina

"Naku hindi na po attorney malaking tulong na po sa amin kung makacancel ang pagpapakulong nila sa asawa ko"

"Gagawin ko po ang lahat para nangyari ang nais niyo" nakangiting saad ko sa kanya

"Ate gawin niyo po lahat a. Ayaw ko pong maipakulong si tatay" mangingiyak na saad ng bata. Tinapik ko ang ulo niya saka ako ngumiti.

"Oo naman. Wag ka ng umiyak"

Hindi ko hahayaang mangyari sa iba. Hindi ko hahayaang apihin nila ang mahihirap kaya hanggat kaya ko tutulong ako. Minsan ko nang naranasan at mahirap ang pinagdaan namin.

Mga mayaman nga naman talaga. Ginagamit ang kapangyarihan para lang makuha ang nais nila. Kailan ba titigil ang mga ganitong tao? Haysss.

~~

"Attorney, lunch na po. Kakain po ba kayo sa labas o bibili na po ako ng pagkain para sa inyo?"

"Bilhan mo na lang ako, salamat." nakangiting sagot ko sa secretary namin.

"Ano po bibilhin ko?"

" Gaya ng dati." tumango naman siya bilang sagot. Simula nung nalaman kong sa kanya nagpapabili ng pagkain ang boss namin ay nagpapabili na din ako sa kanya imbes na kumain pa sa labas, masyadong maraming tao tapos mainit pa. Nauumay na rin ako sa igado, rice, fried chicken na binibili niya. Baka kasi pag nagpaorder pa ako ng iba mapapagod lng siya dahil sa dami ng pinapabili ng boss namin.

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now