"Attorney, pwedeng pakidala ito kay Engr Raqueno? Nautusan ko kasi secretary ko e. Kailangan pa naman niya ngayon ang mga ito kasi ito yung mga papel sa natumbang building sa Quezon city. "
" Walang problema po madam. "
" Salamat, atty. "
Naglakad ako sa kabilang wing dahil doon opisina niya. Agad namang ngumisi si Engr Pita nung makita ako.
" Napadpad ka dito Attorney!! Naghahanap ka ba ng asawang engr?" masiglang bati niya sa akin. Agad naman akong umiling.
"Andito si Engr Raqueno?" tanong ko sa kanya.
" Halaa ang bilis mo namang nakahanap ng mapapangasawa attorney. Di mo man lang kami pinagpilian, makamukha kaya kame! Baka naman nalilito ka lang samin attorney? " hinahawakan niya pa baba niya para ikompira ko pero natatawang umiling ako sa kanya.
"Anong meron? " biglang sulpot ng hinahanap ko. Kasunod niya si Engr. Dalo
"What's up attorney!!" bati naman ni engr Dalo. Nakangisi sa akin. "Kumusta ka? Balita ko may nanggagu sayo kagabe a?"
"Huh? Totoo attorney?" takang tanong ni Engr Pita, malamang di na maalala kasi tulog na. Tinignan niya buong katawan ko. "Ayos ka lang?"
"Why do care anyway?" biglang tanong nman ni Shawn sa kanya.
"Syempree engineer mag-alala ako!!! Si attorney na to e, malakas kaya siya saken." kumidat siya sakin pero matalim naman ang titig ni Shawn sa kanya kaya napatahimik bigla.
"Sabi nung lasing na may sariling mundo" ngising pang-iinis ni Engr Dalo sa kanya.
"Ha!!! Sabi din nung umiiyak nung naparami na ng inom!!! Kadiri ka dudeee!"
"Ulol" sagot nung isa.
"Pakyooo" nagmiddle finger pa pa sila pareho.
" Tayshawn!" tawag nung papalapit. Si Hazel. " Hindi ka nakapunta kagabe. "
"Uhh... pinamimigay ni madam CEO. Mauuna na ako, excuse me. " dali-daling saad ko saka umalis sa kanila. Pipigilan pa sana ako ni Shawn pero hindi na siya nakaangal dahil kinausap na siya ni Hazel.
Tumingin pa ulit ako sa likod nung nakalayo ako. Nakatingin parin siya sa akin tila hindi nakikinig sa sinasabi ng kausap kaya binalingan ko na lang ang dalawang engr at kumaway sa kanila bilang papmamaalam. Ngumiti naman sila sa akin.
~~~
Isang linggo na simula nung nagpunta kami sa bar. At ngayon nag-aaya ulit sila pero umayaw na ako. Nakakahiya na kay Shawn, perwisyo lang ang dala ko. Atleast once in a lifetime, naranasan ko din ang naranasan ng karamihan.
"Ms Navarro, pakitawag yung maintenance para linisan yung kwarto ko, dadating bukas yung anak ko. Hindi pwedeng madumi dito."
" Yes madame. "
"Sinong anak ang dadating?" usyusong tanong ni Jessa na narinig ko naman.
" Ahh si sir Brandon. " sagot naman ng secretary.
Hindi ko alam bat bigla na lang din akong napalinis ng opisina ko ng wala sa oras. Malay ko ba kung strikto talaga sa personal yun tas pupunta siya sa opisina ko tas madadatnan niyang madumi.
Akimiraa! Bat naman tingin mo pupunta siya sa opisina mo?!
Napatalon pa ako sa gulat ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko. Inayos ko muna itsura ko saka nagsalita.
"Come in"
" Lunch break, wanna go out with me ?"
Tumikhim muna ako bago nagsalita. Nanuyo yata lalamunan ko bigla.
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √