"Anaakkk.... Taakbooo"
"Anaakkk...."
"Pls, ako na lng. Huwag niyo ng idamay ang anak ko, please."
Napabalingkwas ako sa pagkakatulog dahil sa panaginip ko na babangot ng nakaraan ko. Agad agad akong bumanngon para iminom ng tubig sa kusina. 'ang bigat sa dibdib'
'ma kailan ko ba matatakasan ang nakaraan ko? Natin? Hanggang ngayon isang babangot na hindi ko maalis alis sa isipan ko iyon.'
Huminga ako ng malalim saka uminom ulit ng tubig. ' Lord, help me.'
"Ohh anak ang aga mo atang nagising ngayon?" tanong ni papa na kalalabas lng galing sa kwarto niya.
"Medyo naging masama po kasi panaginip ko kaya napaaga ako ng gising"
"Tungkol saan ba yun?" tanong niya saka nagsimulang magtimpla ng kape para sa sarili.
"Sa anoo po... S-sa nakaraan p-po namin ni mama" napatingin ako sa sahig matapos kong masabi iyon pero ramdam ko ang titig niya sakin.
"Pasensiya na anak. Alam kong napakalaking trauma iyon sayo. Walang araw na diko pinagsisihan na sana naging mabuti akong asawa sa nanay mo noon at hindi humantong sa ganun ang nangyari."
"Wala ka naman pong kasalanan papa. Walang may gusto sa nangyari" naglakad ako papunta sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.
"Sorry anak." tinapik ko ang balikat niya bilang sagot na 'ayos lang'
"Aga aga, nagdadramahan kayo, nakakapagtampo di niyo pa ako sinama sa labing labing niyo" pabirong bungad sa amin ni ate nung makalabas siya mula sa kwarto.
"Morning." bati ko sa kanya
"Good morning" maligayang bati niya sa amin "ano ganap?" nakamewang na tanong niya sa amin ni papa. Ngumiti lang ako at umiling saka nagsimulang maghanda ng lulutuin para sa umaga.
Madaling araw na pala at nagsimulang mag-ingay ang mga manok ni papa. Kumuha ako ng itlog, hotdog at ham para sa ulam namin.
"Ano nga yun pa? Bat ayaw niyo ikwento saken piang-uusapan niyo?" buntong-hiningang tanong ni ate habang kinukulit si papa. Ngumiti lang si papa at pinagpatulot ang pag-iinom ng kape niya.
"Kain na tayo" saad ko nang matapos kong ipaghanda ang kanin at ulam sa lamesa.
"Sabay tayo pumasok Mira a."
--
"Good morning attorney, kape po kayo?" tanong ni Daisy. Umiling na lang ako bilang sagot ng biglang dumating iyong mag-ina na nagpapatulong sa akin. Nababatid kong kasama na nila ang kanilang haligi ng tahanan at isang babaeng nasa 30 anyos.
" Magandang umaga po, attorney" bati nila. Ngumiti ako at binati sila pabalik.
"Doon po tayo sa conference room para makapag-usap tayo ng maayos. Maari ko po bang malaman ang inyong pangalan?"
" Henry po attorney at siya naman po si Flerida, iyong hipag kong nasa bahay nila nun." tumango na lng ako bilang sagot.
" Maari na po kayong mag-umpisa kung paano humantong ng ganito ang lahat." Saad ko sa kanila. Tumikhim pa muna ni mang Henry bago nagsimula.
" Tanghali po nung napansin kong kulang nang isang sako iyong inani naming palay, kayat tinanong ko po sa asawa ko at sinagot na hindi pwedeng magbintang kung wala namang ebidensiya sa kung sino ang kumuha pero nakita daw po niya na may binuhat po na sako iyong kapitbahay namin. Hindi na sana namin papalakihin iyong gulo at ipagsasawalang bahala na sana iyon. Ngunit nung nakaalis na iyong asawa ko sa bahay at ako naman at nakahiga sa ilalim ng puno. Narinig ko iyong kapitbahay namin na sinasabihan ng masasakit na salita iyong asawa ko 'kesyo pinagbintangan daw namin siyang magnanakaw kahit hindi naman daw siya kumuha' at kung ano ano pang masasakit na salita at pinagsalitaan pa niya ng 'gagu', 't@ngin4' ganun po. Nasaktan po ako para sa asawa ko. Hindi ko nga po siya pinagsasalitaan ng masama tas yung kapitbahay namin andami nang sinabi ng kung ano ano. Kayat bigla po umakyat dugo kaya pumunta po ako sa kanya sa bahay nila at sinampal siya gamit yung sombrero ko. Hindi po kamay ko yung ginamit ko kahit tanungin niyo pa po si Flerida na nasa loob ng bahay nila nung mga oras na iyon. Tas ngayon po dahil may kapatid iyon na attorney ay sinampahan agad ako ng kaso at sinabing sinampal ko daw siya at tinutukan ng kutsilyo. Attorney, wala po akong dalang kutsilyo nun, tanging sombrero lang po dala po ng galit ko sa sinabi niya sa asawa ko." mahabang saad ni mang Henry.
YOU ARE READING
lawyer ft. criminal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe is Akimira, a lawyer and she become an attorney with a purpose. She promised to herself to bring the justice for her late mother. But what if what she has been looking for, for a long time is just around her? [on-going] √