kabanata 1

322 85 10
                                    

Akimira's PoV



"Pa..." Katok ko sa may pinto sa kanyang kwarto dahil pinatawag niya ako at may importante raw siyang sasabihin

"Pasok" sagot niya na nasa loob ng kwarto kaya pumasok akong na kinakabahan

"Bakit po?" tanong ko sa kanya pero nanginginig yung paa

"Kumusta ang trabaho?"

"Ayos naman po pa"

"May detalye ka na ba sa ipinapahanap ko sayu?" Naglalaptop siya sa kanyang higaan. Siguro ay na nonood ng movies o dika ay nakikipag-usap sa kumpare

"Wala pa po,pa. I-update ko kayu pag meron na"

"Hmmm sige" tinignan niya ako sa may pinto at nakita niya sigurong balisa ako kaya napatayo siya "ayos ka lang, anak?" tanong niya at nilapitan ako na siyang pag-atras ko

"Huwag" pigil ko sakanya "huwag po kayung lumapit" nanginginig na saad ko sa kanya

"Ayos ka lang? Tatay mo ako anak, dadalhin ka namin sa ospital"  umiling iling ako sa kanya nanginginig ako lahat ng kalamnan ko

"Huwag na po papa" Saad ko saka ako lumabas ng kwaarto niya nakasalubong ko si ate. Nakita niya ako at agad na niyakap agad namang tumulo ang luha ko at muling bumalik ang mga nangyari

"Tahan na andito si ate" Saad niya kaya mas lalo akong napahikbi. Hinagod niya ang likod ko habang yakap yakap niya ako

" Huwag kang mag-alala di kita iiwan" pampakalma niya sa akin " andito lang si ate"  nanatili kami ng ganung posisyon nanglumabas si papa sa kwarto niya

"Anak?" nag-aalalang tanong ng papa ko

"Ako na ang bahala sa kanya papa" sagot naman ni ate na sinisuguradong magiging maayos lang ang lahat

"O sige anak ikaw na bahala dito"

"Cge papa" pinunasan ko na ang luha ko at pilit na pinapatahan ang sarili

"Magiging maayos ang lahat tiwala lang. Huwag ka nang umiyak ang pangit mo" Saad ni ate kaya imbes na batukan ko ay niyakap ko siya ng mahigpit

"Salamat ate"

Simula ng mangyari sa akin iyon ay naging mailap ako sa lalaki. Highschool ako lagi ang ate ko at barkada niya ang kasama. may isa akong best friend noon lagi kaming magkasama pero nasa ibang bansa siya ngayon nagco-communicate pa rin naman kami pero madalang dahil sa dami ng trabaho

Masasabi kong naging mailap ako sa lalaki dahil maski isa wala akong kinakausap. Yung tipong papalapit pa lang sila, lumalayo na ka agad ako. Maraming may gustong makipagkaibigan pero iniwasan ko lahat. Nagtataka nga ang ilan kung paano ko daw nasurvive ang ilang taon na hindi masyadong nakikihalubilo sa tao at paano daw ako nakapag-graduate bilang isang attorney?

Hindi na nga ako gaya ng dati e na lalapit pa lang sila lumalayo na ako dahil ngayon nakakapag-usap na ako sa ilang lalaki lalo na at kinakailngan dahil sa trabaho. Pero sa tuwing binabalik sa utak ko yung nakaraan ko natatakot na ako at nanginginig.

"Mira magpalit ka na. Pupunta tayo sa boutique" Saad ni ate habang nagsusuklay ng buhok

"Bakit?"

"Bibili tayo ng damit alangan namang kakain tayu dun diba?" mapang-asar niya sabi

"Ate ikaw na lang,marami akong gagawin may inaasikaso pa akong kaso"

lawyer ft. criminal [COMPLETED]Where stories live. Discover now